WALANG isinasagawang maniobrang legal ang Palasyo para walisin ang malalakas na makakalaban ng manok ng administrasyon na si Mar Roxas sa 2016 presidential election Ito ang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kaugnay sa mga paratang na gumagamit ang administrasyon ng koneksyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan partikular na sa Korte Suprema, Senate Electoral Tribunal (SET), Commission on …
Read More »Palasyo nanawagan vs Lumad attacks
NAKIKIISA ang Palasyo sa panawagan ng dalawang lungsod sa Metro Manila na itigil na ang pag-atake ng paramilitary groups sa mga pamayanan ng Lumad sa Mindanao. Sa ipinasang resolusyon ng Caloocan City at Marikina City ay hinimok ang pambansang pamahalaan na ipatigil sa paramilitary groups ang pag-atake sa mga komunidad ng Lumad sa Mindanao. Tinukoy sa resolusyon ng dalawang local …
Read More »Pemberton inisyuhan ng deportation order (Kahit hindi pa tapos litisin sa murder case)
POSIBLENG makauwi sa Amerika si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kahit hindi pa siya tapos litisin sa kasong pagpatay kay Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude. Nabatid ito sa panayam ng programang Lapid Fire sa DZRJ 810KhZ kahapon, nang aminin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na puwedeng ipatupad ang deporation order na inilabas ng BI …
Read More »2nd DQ case inihain vs Grace Poe
ISA pang disqualification case ang hinaharap ni Senator Grace Poe mula kay dating senador Francisco “Kit” Tatad laban sa presidential candidate. Isinumite ni Tatad ang kanyang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Palacio del Gobernador sa lungsod ng Maynila. Iginiit ng dating mambabatas, hindi “natural born Filipino” ang senadora at hindi rin siya pasok sa 10-year residency …
Read More »Mar, Leni sinamahan ni PNoy sa CoC filing
INIHATID pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga sa pintuan ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sina administration presidential at vice-presidential bets Mar Roxas at Leni Robredo para maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) para sa 2016 elections. Nauna rito, dakong 7 a.m. ay magkakasamang nagsimba sina Aquino, Roxas at Robredo pati na ang ilang …
Read More »Palasyo ‘di nagpatinag kahit una si Chiz sa survey
TULOY lang ang kampanya ng administrasyon para sa kanilang kandidato sa vice presidential race sa kabila nang pangunguna pa rin ni Sen. Chiz Escudero sa pinakabagong Pulse Asia survey. Pormal nang inihain ni Escudero ang kanyang certificate of candidacy bilang vice presidential bet ni presidential aspirant Sen. Grace Poe sa 2016 elections. Sa naturang survey ay pumangalawa si Sen. Bongbong …
Read More »Opisyal ng HUDCC sinibak ni PNoy
SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III ang opisyal ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na sinasabing kasabawat ni Vice President Jejomar Binay sa maanomalyang transaksiyon ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa Alphaland Corp. Itinalaga ni Pangulong Aquino si Jose Alejandro Payumo bilang deputy secretary general ng HUDCC kapalit ni Wendel Avisado. Si Avisado, senior vice president …
Read More »Pangamba ng businessmen pinawi ni PNoy (Sa isyu ng korupsiyon)
PINAWI ni Pangulong benigno Aquino III ang pangamba ng mga negosyante sa isyu ng korupsiyon at sinabing tinutugunan ito ng pamahalaan. Sa kanilang ‘one on one dialogue’ ni Steve Forbes, chairman at editor in chief ng Forbes Media, na ginanap sa Paranaque City kahapon, sinabi ng Pangulo na ang pagiging optimistiko ngayon ng maraming Filipino ang may malaking papel kung bakit masigla …
Read More »Sabwatang Palasyo Ombudsman vs VP Binay itinanggi
HINDI nakikipagsabwatan ang Palasyo sa Ombudsman para gipitin si Vice President Jejomar Binay at sirain ang kanyang 2016 presidential bid. Sinabi ni Communications Secretary herminio Coloma Jr., walang hurisdiksyon ang Malacanang sa Office of the Ombudsman na isang independeng constitutional body. Binigyang diin pa niya na ang administrasyong Aquino ay tumatalima sa rule of law. “The Office of the Ombudsman …
Read More »‘Daang Mabilis’ ni VP binay inupakan ng Palasyo
MINALIIT ng Palasyo ang inilalakong “Daang Mabilis” ni Vice President Jejomar Binay bilang 2016 presidential bet. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, subok na ang “Daang Matuwid” na pamamahala sa gobyerno na ipinamalas ni Pangulong Benigno Aquino III. Napatunayan na aniya ng “Daang Matuwid” ang tapat at malinis na pamamahala at hindi ibinubulsa ang pera ng bayan. “Doon sa …
Read More »VP Binay ipoposas sa filing ng COC (Malacañang ayaw pumatol)
AYAW nang patulan ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Jejomar Binay na nakaplano na ang pag-aresto sa kanya bago o matapos ang filing ng certificate of candidacy ngayong buwan. “President aquino has called for a high level of political discourse that is platform and not personality-based. we trust that the Filipino people will join us in this advocacy and …
Read More »Palasyo kaisa sa pagbubunyi sa Gilas Pilipinas
NAKIKIISA ang administrasyong Aquino sa sambayanang Filipino sa pagbubunyi sa Gilas Pilpinas sa pagsungkit sa silver medal sa katatapos na 2015 FIBA Asia championship sa Changsa, China. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa kabuuan ng kanilang paglalaro, ipinakita ng Gilas Pilipinas ang kanilang tapang at determinasyon, at hinarap nila ang lahat ng mga pagsubok. “Hindi sila nagpatinag at …
Read More »PH history ok tanggalin sa high school — Aquino (‘Misteryo’ ni Ysidra Cojuangco ibabaon na sa limot)
WALANG pagtutol ang Palasyo kahit hindi ituro ang Philippine History sa high school sa kabila nang pagkabahala ni Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III sa kakapusan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysasayan ng Filipinas. Ito ang nabatid makaraang magpulong sina Pangulong Aquino at Education Secretary Armin Lusitro kamaka-lawa at sabihin sa Punong Ehekutibo na sa elementary na lang ituturo ang …
Read More »Erap, Makabayan bloc alyado sa eleksiyon 2016? (Pinatalsik noong 2001)
MAY alyansa bang namamagitan sa tinaguriang Makabayan Bloc at sa pinatalsik nilang pangulo na convicted sa kasong plunder noong 2001 para sa tiyak na panalo ng kandidatong senador sa 2016?! Sa katanungang ito, tumanggi si Satur Ocampo na mayroong alyansa ang Makabayan Bloc kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Aniya, “Wala kaming formal alliance kay Erap. Inimbita siya para magsalita …
Read More »PNoy naalarma, DepED pinakikilos sa history class (‘Mabini nakaupo lang sa Heneral Luna’)
UUTUSAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Education Secretary Armin Luistro na ‘ayusin’ ang kakapusan sa kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysayan ng Filipinas. Ito ang sinabi ng Pangulo makaraang maikuwento sa kanya ang komento ng ilang netizens sa hindi pagtayo ng aktor na si Epy Quizon bilang Apolinario Mabini sa pelikulang Heneral Luna. “Aminin ko po, ‘di ko pa …
Read More »VIP treatment sa Reyes bros imbestigahan – Palasyo (Utos sa DoJ, DILG)
PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na nagtatamasa ng special treatment ang Reyes brothers sa Puerto Princesa jail. “The DoJ (Department of Justice) and the DILG (Department of Interior and Local Government) are looking into this matter and will take the necessary action, including the possible filing of appropriate cases against those involved,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Binigyang …
Read More »Lumad Killings ayaw ipaurirat ni PNoy sa UN Special Rapporteurs
HUWAG kayong manghimasok sa isyu ng Lumad killings. Ito ang buwelta ng Palasyo pahayag ng dalawang United Nations special rapporteurs na humihimok sa administrasyong Aquino na imbestigahan ang mga insidente nang pagpatay sa human rights activists at Lumad sa Mindanao. “The PHL needs to undertake its own internal processes to look into the incident in Surigao. It is best to …
Read More »NPA itinuro sa kidnapping ng 3 turista, Pinay sa Samal Is.
DAVAO CITY – Inaalam ng mga awtoridad kung kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang pagdukot sa tatlong dayuhan at isang Filipina dakong 11:30 p.m. sa Yatch Club sa Holiday Ocean View Park sa Camudmud, Island Garden City of Samal. Ito’y makaraang maka-recover ng sulat kahapon dakong 4 a.m. ang security guard na si Alfie Monoy sa bahagi ng gate, …
Read More »Roxas iniwanan si Binay sa SWS Poll
PUMAILANLANG sa pangalawang puwesto si Mar Roxas, pambato ng Aquino administration, sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula Setyembre 2 hanggang Setyembre 6. May sample size na 1,200 respondents ang survey at may margin of error na 3% ang mga resulta sa national at 6% sa mga lokal na area. Lumalabas na umakyat mula 21% ang …
Read More »Aresto sa Reyes bros welcome sa Palasyo
IKINAGALAK ng Palasyo ang pagkadakip ng Interpol-Manila kamakalawa ng gabi sa magkapatid na sina Joel at Mario Reyes sa Phuket, Thailand, na wanted sa kasong pagpatay kay environmentalist-broadcaster Gerry Ortega. Nagpasalamat ang Malacañang sa pamahalaan ng Thailand sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Filipinas para madakip ang Reyes brothers. “We thank the cooperation and assistance of the Thailand government in …
Read More »Ika-43 taon ng Batas Militar ginunita
NAKIKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipino sa paggunita ngayon sa ika-43 taon nang ipataw ang batas na maituturing na isa sa pinakamadalim na bahagi ng ating kasaysayan. “Nakikiisa ang pamahalaan sa buong sambayanan sa pag-alala at pagpaparangal sa sakripisyo at pagpapakasakit ng mga biktima ng batas militar,” ani Coloma. Aniya,buong tapang nilang hinarap ang panganib at pagpapahirap, at marami sa …
Read More »CSC may bagong chairperson
ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III si Alicia dela Rosa-Bala bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission (CSC), na may termino hanggang Pebrero 2022. Ang nominasyon ni Bala ay isinumite na sa Commission on Appointments para sa kompirmasyon . Pinalitan ni Bala si Francisco Duque III. Si Bala ay naging deputy secretary general ng ASEAN Secretariat sa Jakarta, Indonesia at …
Read More »Robredo: Poe ‘di kwalipikado pagka-Filipino tinalikuran
“PARA sa akin hindi legal ‘yung question, ‘yung sa akin, mas loyalty to country.” Ito ang pahayag ni Camarines Sur Representative Leni Robredo nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa isyu ng citizenship ni Senador Grace Poe. Isa si Poe sa mga nababalitang tatakbo sa pagkapangulo sa halalan sa 2016, bagama’t wala pang deretsong pahayag na kakandidato pero tuloy-tuloy ang …
Read More »KKK ni PNoy papalit kay Mar sa DILG
ISA na namang mula sa KKK (kaibigan, kaklase at kabarilan) ni Pangulong Benigno Aquino III ang nakasungkit ng cabinet position sa kanyang administrasyon. Inihayag kahapon ni Pangulong Aquino na si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang papalit kay Mar Roxas bilang Interior Secretary. Si Sarmiento ang secretary general ng Liberal party (LP), malapit na kaibigan ni Pangulong Aquino, at …
Read More »PNoy nabihag din ng Aldub
MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay aminadong ‘nabihag’ na rin siya ng sikat na kalyeserye sa Eat Bulaga na “AlDub.” Inamin ni Pangulong Aquino sa Philippine Daily Inquirer forum kahapon na minsan na niyang napanood ang “AlDub” sa telebisyon. “Nakita ko na ang humahalik sa screen. Counted na ba ‘yun,” wika pa niya nang tanungin sa media forum kahapon …
Read More »