This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAWI ni Pangulong benigno Aquino III ang pangamba ng mga negosyante sa isyu ng korupsiyon at sinabing tinutugunan ito ng pamahalaan.
Sa kanilang ‘one on one dialogue’ ni Steve Forbes, chairman at editor in chief ng Forbes Media, na ginanap sa Paranaque City kahapon, sinabi ng Pangulo na ang pagiging optimistiko ngayon ng maraming Filipino ang may malaking papel kung bakit masigla ang ekonomiya ng bansa.
Ipinagmalaki rin niya sa harap ng daan daang top business leaders ang kanyang achievements sa pamamahala sa Filipinas.
Nagiging positibo na kasi aniya ngayon ang pagtanggap ng mga Filipino sa mga repormang ipinatutupad ng kanyang administrasyon partikular sa mga hakbangin para labanan ang korupsiyon at katiwalian sa gobyerno.
Ibinida rin ng pangulo ang magagandang insentibong iniaalok ng gobyerno sa mga mamumuhunan upang makaakit pa nang mas maraming foreign direct investments, kaya naman tinuran ng pangulo na “It’s more fun to do business in the Phils.”
Tiniyak din niya sa top business leaders na marami nang pagbabagong isinagawa ang pamahalaan para gawing mas madali na ang pagnenegosyo rito sa Filipinas.