This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay aminadong ‘nabihag’ na rin siya ng sikat na kalyeserye sa Eat Bulaga na “AlDub.”
Inamin ni Pangulong Aquino sa Philippine Daily Inquirer forum kahapon na minsan na niyang napanood ang “AlDub” sa telebisyon.
“Nakita ko na ang humahalik sa screen. Counted na ba ‘yun,” wika pa niya nang tanungin sa media forum kahapon kung nakapanood na siya ng Aldub fever ng Eat Bulaga.
Kamakailan ay maagang tinapos ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang press briefing sa Palasyo dahil inabutan na ito ng oras ng “AlDub.”