Tuesday , October 3 2023

Ika-43 taon ng Batas Militar ginunita

NAKIKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipino sa paggunita ngayon sa ika-43 taon nang ipataw ang batas na maituturing na isa sa pinakamadalim na bahagi ng ating kasaysayan.

“Nakikiisa ang pamahalaan sa buong sambayanan sa pag-alala at pagpaparangal sa sakripisyo at pagpapakasakit ng mga biktima ng batas militar,” ani Coloma.

Aniya,buong tapang nilang hinarap ang panganib at pagpapahirap, at marami sa kanila ay inialay ang kanilang buhay upang igiit at ipaglaban ang mga karapatang pantao sa panahong giniba ng diktadurya ang kalayaan at demokrasya sa Filipinas.

Idinagdag pa niya na mula sa dugo, pawis at luha ng bawat ama, asawa, kapatid, kaanak at kaibigan na nakilahok sa mga pagkilos laban sa diktadurya, naipon at nabuo ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa sunod-sunod na kilos protesta na humantong sa matagumpay na EDSA People Power revolution noong 1986.

Maituturing aniya na ang pagtutol at paglaban ng mga mamamayan sa batas militar ang nagsilbing pundasyon sa pagbabagong-tatag ng demokrasya sa Filipinas, na naging tanglaw at gabay sa iba pang mga bansang napailalim sa kahalintulad na diktadurya.

Ani Coloma, mahalagang ituro at ipaunawa sa mga kabataan ang mga aral mula sa panahon ng batas militar, at himukin silang tularan ang determinasyon at commitment ng mga buong giting na nagtagu-yod sa pagbabalik ng demokrasya, at pagyabungin ang matamis na bunga ng kasarinlan at katarungan upang maging wagas na pamana sa susunod pang salinlahi.

About Rose Novenario

Check Also

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

4th batch ng Navotas solo parents, nakatanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tulong pinansiyal sa ika-apat na batch ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *