Monday , December 23 2024

Rose Novenario

Leila, lover, Baraan, Espino pasok sa matrix

INILABAS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hawak niyang matrix na makikita ang sinasabing kalakalan ng illegal na droga sa Bureau of Corrections. Gaya nang naunang nabanggit ng pangulo, kasama sa tinagurian niyang “Muntinlupa Connection” ang pangalan ni Senator Leila de Lima, ang kanyang dating driver na inaakusahang lover na si Ronnie Dayan, dating governor at ngayon ay 5th District …

Read More »

Duterte kompiyansa sa GRP, NDFP peace talks (Dating kasunduan muling pinagtibay)

MAY mga indikasyon na magtatagumpay ang isinusulong na usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. “I’m a president who is supposed to look for peace for my land. I am not the president who seeks war to destroy our own countrymen and that is why I am …

Read More »

‘Kati’ ng senadora nagtulak sa korupsiyon

ANG kakaibang ‘kati’ ni Sen. Leila de Lima ang naging sanhi ng mga seryosong paglabag sa batas ng mambabatas, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kahit aniya napawalang bisa na ang kasal ni De Lima sa kanyang asawa ay hindi pa rin siya puwedeng magpanggap na nagsusulong ng “good government” dahil naki-kipagrelasyon sa mga lalaking pamilyado. “What is really very… how …

Read More »

De Lima, Baraan nasa drug matrix sa nbp — Duterte

SI Senator Leila de Lima ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na sa sangkot sa operasyon ng illegal drugs sa New Bilibid Prison (NBP). Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa susunod na mga araw ay ilalabas niya ang matrix ng illegal drug trade sa NBP at si De Lima ang pinakamataas na government official na sangkot sa drug syndicate sa …

Read More »

CPP sinsero, urot ‘di pinatos – Duterte

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang beses na niyang pinilit makipag-away sa maka-kaliwang grupo pero hindi siya pinatulan bagkus ay nagpakita pa nang kahandaan sa peace talks. Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng mga opisyal ng PCCI, ECOP, Phil Export sa Malacañang kahapon,  sinabi ng Pangulo na ang pagpayag ng makakaliwang grupo na maitalaga bilang mga opisyal …

Read More »

Honor roll ng prov’l govs inilabas ng Palasyo

  NILABAS na ng Palasyo ang listahan ng provincial governors na pasok sa honor roll o may magandang performance sa pamumuno sa kani-kanilang nasasakupang lugar. Sa liham na isinumite ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Communications Secretary Martin Andanar, nangunguna sa listahan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Isabela Governor Faustino Dy, Quirino Governor Junie Cua, Palawan …

Read More »

GRP-NDF peace talks sinasabotahe ng LP — Bayan

SINASABOTAHE ng Liberal Party ang umuusad nang usapang pangkapayapaan ng administrasyong Duterte at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ito ang pahayag ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes kaugnay sa kumalat na bogus media advisory kahapon na nag-iimbita para sa media coverage kaugnay sa sinasabing sabay-sabay na pagbibitiw ng …

Read More »

Customs police official swak sa ‘tara’

customs BOC

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Department of Justice (DoJ) ang isang Customs police official dahil sa pangongolekta ng daan-daang milyong pisong ‘tara’ o suhol kada buwan mula noong 2012. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, tiniyak ni Customs chief Nicanor Faeldon, may malakas na kaso ang kawanihan laban kay Customs Police Capt. Arnel Baylosis dahil ikinanta siya ng apat na …

Read More »

Mayor Espinosa aarestohin na (Sa armas at droga)

BILANG na ang maliligayang oras sa laya ni Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa dahil hinihintay na lamang na ilabas ang warrant of arrest ng korte para siya ay arestohin. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Ismael Sueno, mga kasong illegal possession of firearms and illegal drugs ang isinampa ng Criminal …

Read More »

Rider-lover ‘iginarahe’ ng female lawmaker

HINDI pa natatapos ang kontrobersiya sa isang lady senator, muli na namang umugong ang relasyon ng isang ‘rider-lover’ sa isa pang female lawmaker. Ayon sa isang Palace official, na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, “mukhang taon ito ng mga mambabatas!” Ayon sa Palace official, ibang putahe ang ‘tinitikman’ ng female lawmaker. Narinig umano niya ang  impormasyon  sa  ilang kaibigan na nakaki-kilala …

Read More »

Mag-asawang Tiamzon pinalaya na

NAIPAMALAS sa pagpapalaya kahapon sa mag-asawang lider-komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon na seryoso at determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na humanap ng mapayapang solusyon sa ilang dekada nang armadong pakikibaka ng kilusang komunista sa bansa. Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na ang mag-asawang Tiamzon ang huli sa mga pinalayang detenidong matataas na opisyal …

Read More »

Sabi ni Duterte: Driver-lover ‘ikakanta’ si De Lima

IBUBUNYAG ng kanyang driver-lover si Sen. Leila de Lima hinggil sa pagkakasangkot sa illegal drugs sa New Bilibid Prison (NPB), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ambush interview kay Duterte sa burol ng mga sundalong nasawi sa illegal drugs operation sa Cotabato City kahapon ay inihayag ng Pangulo na wala siyang plano na sampahan ng kaso ang driver-lover ni De …

Read More »

Ceasefire idedeklara ng CPP/NPA

Malacañan CPP NPA NDF

MAGDEDEKLARA ano mang oras ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) upang lalong palakasin ang negosasyong pangkapayapaan na magsisimula bukas sa Oslo, Norway. “To further boost peace negotiations, the CPP is set to issue over the next few days a unilateral declaration of ceasefire to the New People’s Army and the people’s militias,” anang CPP sa …

Read More »

State media armas ng Duterte admin vs terorismo

MEDIA ang gagamiting armas ng gobyernong Duterte upang labanan ang terorismo sa Mindanao at palaganapin ang mga programa ng pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon. Sa ginanap na Manila Bay Kapihan forum sa Café Adriatico sa Malate, Manila kahapon, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, palalakasin ng Presidential Communications Office (PCO) ang lahat ng sangay ng state media sa lahat ng …

Read More »

De Lima naglilinis-linisan — Digong (May lover na driver-bodyguard at kolektor ng drug money sa Bilibid)

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila de Lima na nagpapanggap na konsensiya ng bayan pero nagmula sa illegal drugs at iba pang aktibidad na labag sa batas sa New Bilibid Prison (NBP) ang campaign funds. Tinukoy ni Duterte sa press conference sa Cebu Pacific Cargo sa Terminal 4 sa Pasay City ang pangalan ni De Lima bilang ang …

Read More »

Duterte ihahatid sa libing si Makoy

MAKIKIPAGLIBING si Pangulong Rodrigo Duterte kapag inihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos sa kabila nang pagbatikos ng ilang grupo’t personalidad. “If I’m in good health and no pressing matters to attend to, I might,” anang Pangulo sa isang press conference Cebu Pacific Cargo Terminal sa Pasay City nang tanungin kung makikipaglibing sa pamilya Marcos. Giit …

Read More »

Joma Sison nagpasalamat kay Duterte

PINASALAMATAN ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalaya sa mga consultant ng National Democratic Front (NDF) para makalahaok sa peace talk sa Oslo, Norway mula Agosto 20-27. Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Sison, batayan ng katatagan nang kanilang pagiging magkaibigan ni Duterte, ang matagal nang kooperasyon at parehong pagnanasang …

Read More »

CPP-NDF panel abala sa peace talks

SAGOT ng Royal Norwegian Government (RNG) ang lahat ng gastusin ng mga kinatawan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa paglahok nila sa peace talks sa Oslo, Norway. Sinabi ni dating Bayan Muna representative at NDF panel member Satur Ocampo bilang third party facilitator, ang RNG ang gagasta para sa transportation at accommodation …

Read More »

7 senador pinulong ni Digong

ISANG linggo bago simulan ng Senado ang imbestigasyon sa sinasabing extrajudicial killings dulot ng “drug war,” pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pitong senador sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sa meeting sa State Dining Room sa Palasyo, nakasalo sa hapunan ni Pangulong Duterte sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito Estrada, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, Ralph Recto, Richard Gordon, at …

Read More »

Kontrol sa pulisya at militar igigiit ni Duterte (Sa peace nego sa CPP)

IGIGIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling kontrolado niya ang pulisya’t militar sa idaraos na usapang pangkapayapaan ng kanyang administrasyon at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Oslo, Norway. Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi, inilahad ng Pangulo na sa kanyang pulong sa NDF panel sa Malacañang, tinalakay nila kung paano …

Read More »

Drug syndicates itinuro ng Palasyo sa summary killings

shabu drugs dead

KINOMPIRMA ng Palasyo, ang nagaganap na patayan kaugnay sa drug war ng administrasyong Duterte ay kagagawan nang magkakaribal na sindikato ng droga. Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo hinggil sa akusasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nagsusulong ng extrajudicial killings ang kampanya kontra-droga ng gobyerno at ginagamit si Pangulong Rodrigo Duterte at pondo …

Read More »

Duterte, gov’t funds ginagamit ng drug rings – CPP

IPINAGMALAKI ng Palasyo na umaani ng positibong resulta ang kampanya kontra-droga at krimen mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) hindi magtatagumpay ang “drug war” ni Duterte dahil hindi binibigyan ng solusyon ang ugat ng problema. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, batay sa ulat ng Philippine National Police …

Read More »

Baylosis, Tiamzons, Silva pinayagan magpiyansa

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagpayag ng hukuman na makapaglagak ng piyansa ang apat detenidong politikal na kabilang sa National Democratic Front (NDF) consultants para makalahok sa usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27. Pinahintulutan kahapon ni Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge Thelme Bunyi-Medina na makapaglagak ng piyansa sina NDF consultants Adelberto Silva, mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, …

Read More »

Paumanhin ni Duterte tinanggap ni Sereno

NANINIWALA ang Palasyo na nakikipagtulungan si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa gobyernong Duterte. Ito ang reaksiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pagtanggap ni Sereno sa paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maaanghang na mga salitang pinakawalan ng punong ehekutibo laban sa punong mahistrado. “The Chief Justice appreciates the President’s latest remarks. As previously announced, …

Read More »

Babaeng kritiko dudurugin ni Digong

DUDURUGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang isang babaeng opisyal ng gobyerno sa susunod na mga araw. Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa ng gabi sa Davao City, ‘wawasakin’ niya ang isa sa kanyang mga kritiko. “But I have a special ano kay ano. She is a government official. One day soon bitiwan ko iyan in public …

Read More »