Tuesday , July 5 2022

Operasyon ng Mexican drug cartel nasa PH na — Duterte

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, nasa Filipinas ang operasyon Mexican drug cartel na Sinaloa, ang pinakamapanganib at pinakamakapangyarihang sindikato ng illegal drugs a buong mundo.

Sa kanyang talumpati sa courtesy call ng mga kasapi ng Parish pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), inilahad ni Duterte kung gaano na kalala ang problema sa illegal drugs sa bansa kaya naglulunsad ang kanyang administrasyon ng “drug war”.

Ginagamit aniyang transshipment point ng Sinaloa ang Filipinas dahil naghihigpit ang US sa pagpasok ng illegal drugs sa kanilang bansa.

“Is Mexico into us? Yes. Sinaloa  iyong cartel nila, tayo ang transshipment. Kasi in-entradicate sila ng mga Amerikano. Binomba sila. Kaya dito sila sa transshipment…. Active and Sinaloa. I never, never, never hoist a lie. I’m telling you,” ani Duterte.

Kung hindi aniya kikilos ang kanyang administrasyon ngayon ay narco-politicians na ang magpapatakbo ng bansa sa susunod na pitong taon.

Nagsibatan na aniya ang bigtime druglord sa takot mula nang maupo siya sa Palasyo kaya ang mga apparatus na lang o ang merkado ng illegal drugs ang kanyang dinudurog upang maubos na ang tatangkilik.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply