Wednesday , March 22 2023
duterte gun
duterte gun

Pulis o sundalo ‘di makukulong sa drug war – Duterte

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala ni isa mang pulis o sundalo na tumalima sa kanyang direktiba na utasin ang mga sangkot sa illegal drugs, ang makukulong habang siya ang presidente ng bansa.

Ito ang sinabi ni Duterte kaugnay sa panawagan ng 350 non-governmental organizations (NGOs) sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) at International Narcotics Control Board (INCB) na kondenahin ang Filipinas sa malalang paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa ngalan ng kampanya ng pamahalaan kontra-illegal drugs.

“Instead of kayong mga NGO mag — you go around lecturing ‘yung shabu — let alone ‘yung salvaging, salvaging… Huwag kayong pumasok diyan kayong mga anak. Kayo naghihintay lang ‘pag may matumba, ‘ah human rights violation’. Ako, I guaranteed, they will not go to prison, period. In the performance of duty itong mga ‘to, they will not…Not one of them will go to prison. Hanggang Presidente ako, wala ‘yung… I will allow a police officer or a soldier or an officer of the Armed  Forces, in the performance of their  duties, kasuhan ninyo, I would like to say now: They will never go to prison. Not under my watch,” ani Duterte.

Hinamon niya ang London-based International Drug Policy Consortium na binubuo ng 35 NGOs na ipagamot ang may 600,000 drug addicts sa bansa dahil sa paniwala na may sakit sila at hindi dapat patayin.

“Ngayon, itong mga NGO, you’ve been repeating this kind of sloganeering that a, you know, a drug addict — addiction is a disease, is an ailment. Sakit iyan. Hindi dapat patayin, dapat igamot. Okay itong six… Saan ba opisina ninyo? Itong 600,000 ibigay ko sa inyo bukas. Sabihin ko doon mga, ‘i-deliver ninyo ‘yan.’ Sino ‘yun? Iyong NGO. Hala sige, ipagamot mo.  Sabi mo sakit ‘yan. Sige, ibigay mo. Kayo na ang bahala. Human Rights? United Nations? Come here, you lecture dito,” sabi ni Duterte.

Ngunit ang mga pulis na sangkot sa krimen at nang-aabuso ng sibilyan ay kasama rin sa mga itinuturing niyang “basura” sa lipunan.

“Ngayon, itong mga pulis na kidnapper, itong mga nag lasing or spraying the armalite and killing civilians, well I’m sorry, kasali ’yan doon sa — basura ka sa akin tingin ko,” dagdag ni Duterte.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …

Leave a Reply