Wednesday , July 6 2022
CONTRACT TERMINATED red Rubber Stamp over a white background.

Kompanyang may ENDO ipasasara

IPASASARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kompanya, maliit man o malaki, na nagpapairal ng ilegal na “ENDO” O end of contract scheme o labor only contracting.

“Huwag n’yo akong hintayin na mahuli ko kayo. You will not only lose your money  you will also lose your funds,” ani Duterte.

Ang ENDO ay isang eskema nang paglabag sa Labor Code na ang manggagawa ay tinatanggal ng kanyang employer kapag umabot na sa limang buwan ang paninilbihan sa kompanya upang makaiwas sa pagbibigay ng mga benepisyo kapag umabot na sila sa anim na buwan pagtatrabaho.

Kailangan aniyang bayaran nang tamang suweldo at ibigay ang wastong benepisyo sa mga obrero dahil makabubuti ito sa ating bansa kaya’t dapat nang wakasan ng mga kapitalista ang ENDO.

“Ito ang pangako ko sa tao… bayaran n’yo ang tao sa tamang suweldo. Stop contractualization, it will not do good to our contry,” sabi ng Pangulo.

Nanghinayang ang Pangulo sa bilyon-bilyong pisong pondo ng Technical Education and Technical Skills Administration (TESDA) para bigyan ng teknikal na kaalaman ang mga mamamayan upang makapaghanabuhay ngunit hindi pinasusuweldo nang tama ng mga kapitalista.

Binalaan  din  ng Pangulo ang  manpower agencies na sobra-sobra  ang oras sa  trabaho  ngunit  ang  sahod  ay  mas  mababa  pa  sa  minimum wage, na itigil ang  ganitong  practice dahil hindi sila sasantohin.

Partikular  na  tinukoy  ni President Duterte  ang security agencies na  pag-aari ng  mga  retirado at aktibong heneral na pinagdu-duty ang security guards nang hanggang 24 oras  imbes otso oras lamang.

Hinimok  ng  Pangulo  ang  mga  contractual  na  gamitin ang hotline 911  at 8888 para  isumbong  ang  kanilang  employers  na  nagpapatupad  ng  contractualization.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III tapusin na sa 2017 ang ENDO.

Ani Bello hanggang katapusan ng 2016 ay tiyak na malaking porsiyento ng mga kaso ng ENDO ang mawawala at sa susunod na taon ay wala nang magiging biktima ng ENDO.

Ang sino mang magpatupad pa rin ng ENDO ay mapapatawan ng parusang pagkansela sa ‘certificate of registration’ ng kompanya,

Habang ang obrero na nabiktima ng ENDO ay magiging regular employee at ipagkakaloob sa kanya ang lahat ng benepisyong dapat niyang matanggap.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply