Thursday , September 21 2023

Prank callers sa Hotline 911 aarestohin — Gen. Bato

PINAALALAHANAN ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang publiko sa mahalagang paggamit sa nationwide 911 hotline.

Ginawa ng heneral ang paalala kasunod nang naitalang maraming bilang ng nanloloko o prank calls sa unang araw nang ‘activation’ ng 911 numbers.

Nagbanta ang PNP chief, malalaman ang mga tumatawag na ginagawang biro ang 911 at sila ay aarestohin.

Batay sa record ng PNP monitoring center, mula nang buksan ang 911 hotline dakong 12:01 am kahapon, umaabot na sa 2,475 calls ang natanggap.

Ngunit 75 tawag lamang ang lehitimo at umaabot sa 304 ang prank calls. Habang 1,119 ang drop calls.

Sa ngayon aniya, ang inisyal na magreresponde sa panahon ng emergency kung idaraan sa 911 ay mga pulis.

Tiniyak ni Dela Rosa, inalerto na rin ang 18 regional offices, 85 provincial offices, 1,100 city police offices at ang limang  police districts sa Metro Manila sa mga pagresponde mula sa mga tawag na manggagaling sa publiko sa pamamagitan ng 911 hotline.

About hataw tabloid

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *