4 Sandiganbayan justices nag-courtesy call kay Digong (May hawak sa graft vs GMA)

NAG-COURTESY call kay Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na mahistrado ng Sandiganbayan Fourth Division kamakalawa ng gabi.

Nagtungo sa Presidential guest house o tinaguriang Panacanyang sa Davao City, sina Justices Jose Hernandez, Alex Quiroz, Samuel Martires, at Geraldine Faith Ong

Wala pang detalye na inilalabas ang Malacañang kung ano ang mahahalagang napag-usapan sa pulong

Ngunit hawak ngayon ng Sandigabayann 4th division ang kasong graft laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal- Arroyo kaugnay nang naunsiyameng NBN-ZTE deal.

May kasong graft din na nakasampa rito laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay at plunder case laban kay Masbate Governor Rizalina Lanete kaugnay ng PDAF scam.

( ROSE NOVENARIO )