NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secretary Benjamin Diokno na maituturing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong Lunes, muling magbubukas ang sesyon ng dalawang kapulungan ng kongreso at sinabing huhusgahan ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami …
Read More »Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)
NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani. Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon. “Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito …
Read More »Marathon hearing tiniyak ni Legarda para sa 2019 budget
TINIYAK ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na prayoridad ng senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw Lunes, 14 Enero, ang pagpasa sa lalong madaling panahon ng 2019 proposed national budget na nabigong maiapasa noong Disyembre dahil sa umano’y kakapusan ng panahon kaya re-enacted ang budget ngayong buwan ng Enero. Ayon kay Legarda, hindi niya sasayangin ang pagsasagawa …
Read More »Raket sa PNP arms procurement bidding nabuking
BIGO ang namumuong ‘diskarte’ sa bidding process sa ilalim ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng armas at mga kagamitan ng pulisya. Ibinunyag ito ng ilang bidder na hanggang ngayon ay desmayado sa kanilang natuklasan. Anila, sa 11th hour matapos makapagsumite ng mga dokumento ang bidders, biglang nadiskubreng may nakasingit na ‘documentary requirements’ o ‘additional requirements’ sa bidding process na …
Read More »Produksiyon ng magsasaka, mangingisda, tataas (Sa climate smart training) — Villar
BUO ang paniniwala ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, na tataas ang produksiyon sa agrikultura sa bansa at magagawang makasabay ng mga mangingisda at magsasaka sa hamon ng moderisasyon at climate change matapos ang dinaanang training at pag-aaral sa isang climate smart training business school. Inihayag ito ni Villar sa kanyang pagdalo sa graduation ceremony ng …
Read More »Modernisasyon ng jeepney tinutulan (Sa Senado)
BINATIKOS ng ilang senador ang hindi makatarungang panukalang modernisasyon para sa mga pampublikong sasakyan katulad ng mga jeepney, na ipinanukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kina Senadora Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, nanguna sa pagdinig, at Senador Ralph Recto, hindi kakayanin ng mga kasalukuyang operator at mga driver ang panukalang modernisasyon. Sinabi …
Read More »Trillanes maaari nang lumabas sa senado
INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na anomang oras ay maaari na siyang makalabas ng gusali ng Senado ngunit hindi tinukoy kung deretsong uuwi ng kanilang tahanan o kung saan tutuloy pansamantala. Ito ay makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang arestohin ang senador nang walang warrant of arrest at maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa inihaing petisyong kumukuwestiyon …
Read More »Mocha isasalang sa Senate hearing
INIREKOMENDA ni Senadora Nancy Binay kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, ang pag-imbita kay Communications Group Assistant Secretary Mocha Uson, bilang isang resource speaker, sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa panukalang Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon kay Binay, makatutulong ito upang mapakinabangan si Uson ng pamahalaan …
Read More »Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado
READ: Collateral damage READ: BOL nadiskaril NIRATIPIKAHAN ng Senado ang bersiyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na pinagtibay ng Bicameral Conference Committee. Nakapaloob sa naturang bersiyon ng BOL na kailangan magpatawag ng plebisito ang pamahalaan, siyamnapu (90) hanggang isandaan at limampung (150) araw matapos itong malagdaan ng Pangulo. Sa plebisito ay aalamin kung payag ang mamamayan ng 39 barangay ng …
Read More »TRAIN 2 isinulong
MAKARAAN maramdaman ng taong-bayan ang resulta ng TRAIN Law ay agad inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang TRAIN Law 2 o panibagong tax reform package. Ayon kay Pangulong Duterte, ang TRAIN Law ay makatutulong para sa mga maliliit na manggagawa at negosyante Tinukoy ni Duterte na halos 99 porsiyento ng mga …
Read More »BBL aprub sa Senado
APRUB na ng Senado sa 3rd at final reading ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM). Ang BBL ang isa sa priority measures na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Dahil dito, magpupulong ang mga kinatawan ng dalawang kapulungan para magkaroon ng isang bersiyon na kanilang …
Read More »‘Ghost patients’ sinisi sa ‘pagbagsak’ ng PhilHealth
ISA sa posibilidad ng pagkakalubog sa utang ng PhilHealth ang tinawag na ‘ghost patients.’ Tahasang ito sinabi ni Senador JV Ejercito, chairman ng Joint Oversight Committee on the National Health Insurance sa isinagawang hearing kahapon. Ayon kay Ejercito, hindi yata siya makapaniwalang napakalaki ng binabayaran ng Philhealth sa ilang mga ospital sa kabila ng maraming reklamo na bigong maserbis-yohan ng …
Read More »Quarrying sa Montalban iprinotesta
NANAWAGAN ang ilang mga grupo sa pangunguna ng Bangon Kalikasan Montalban at Bantay Kalikasan kasama ang ilang mga pari, pastor at iba pang grupo ng simbahan, kabilang ang homeowners’ associations at transport groups laban sa patuloy na pagkakalbo ng Mount Parawagan. Apektado ang mga barangay ng Burgos, Manggahan, Balite, San Rafael, San Jose at pinakamalawak sa San Isidro na kontrolado …
Read More »Dagdag-pasahe sa LRT 1 iliban — Poe
IMINUNGKAHI ni Senadora Grace Poe na iliban muna ang planong pagtaas sa singil ng pasahe sa LRT 1 upang hindi lubhang mahirapan ang publiko lalo ang mga pasahero ng tren. Ayon kay Poe, hindi pa man nakaaahon ang mga mamamayan sa sunod-sunod na epektong dulot ng TRAIN law ay dagdag pasahe na naman ang kanilang kahaharapin. Tinukoy ni Poe na …
Read More »NHA ‘binomba’ ni Legarda (Sa bulok na ‘pabahay’)
NAIS ni Senadora Loren Legarda na panagutin ang mga opisyal at mga kontraktor ng National Housing Authority (NHA) dahil sa hindi ligtas at substandard na estruktura ng mga proyektong pabahay. Ayon kay Legarda, sapat na pondo ang ipinagkakaloob ng pamahalaan para matiyak na magkaroon nang maayos na pabahay para sa mga biktima ng kalamidad o sakuna at sa mga relokasyon …
Read More »Pondoc COA chief, 18 AFP officials kompirmado sa CA
KINOMPIRMA ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Roland Café Pondoc bilang Komisyoner ng Commission on Audit (COA) at nakatakdang magtapos ang kanyang termino sa 2 Pebrero 2025. Bukod kay Pondoc ay kinompirma rin ng komisyon sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, may ranggong brigadier general (Reserve); dating Metro Manila Developement Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa ranggong brigadier general …
Read More »No evidence vs Dengvaxia (Sa pagkamatay ng mga bata ) — PAO
INAMIN nina Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta at forensics consultant Dr. Erwin Erfe sa pagpapatuloy ng pagdinig sa House Committee on Health, na wala silang sapat na katibayan na Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng ilang mga bata lalo na ang may sakit na dengue. Ang pag-amin ay ginawa mismo ng dalawa sa pagtatanong ni Muntinlupa Congressman …
Read More »MRT spare parts dumating na
UMAASA si Senadora Grace Poe na maiibsan nang kaunti ang paghihirap ng mga pasahero ng MRT 3 makaraan iulat ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdating ng unang batch ng nabiling spare parts para sa mga sirang train. Bukod dito, kompiyansa si Poe na mayroong komprehensibong plano ang pamahalaan para ayusin ang serbisyo ng MRT 3 para sa mga pasahero. …
Read More »Wala pang ebidensiya laban sa Sanofi — DoH
ISANG masusing pag-aaral pa at imbestigasyon ang kailangan upang magkaroon ng konkretong solusyon kung may pananagutan o wala ang French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa kontrobersiyal na P3.5 bilyong dengue immunization program ng pamahalaan. Ito ay matapos aminin ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rolando Enrique Domingo sa kanyang pagdalo kahapon sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol …
Read More »BBL uunahin ng Senado kaysa Cha-cha — Sen. Aquino
KOMPIYANSA si Senador Bam Aquino na makapapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Senado sa Marso, idiniing makatutulong ito upang wakasan ang karahasan at terorismo sa Mindanao at mabigyan ng maganda at maunlad na buhay ang mga Muslim. “Uunahin na natin ang pagpasa sa BBL. We need this law in order to address urgent and pres-sing issues in the Bangsamoro …
Read More »BBL prayoridad ng Senado — Migz
TINIYAK ni Senador Juan Miguel Zubiri na prayoridad ng Senado ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Zubiri, itinakda niya sa susunod na linggo ang sunod-sunod na pagdinig upang matalakay ang naturang panukala. Tinukoy ng senador na gagawin ang pagdinig sa ilang bahagi ng Marawi, South Cotobato, Basilan at iba pang lugar na bahagi at apektado ng …
Read More »Las Piñas nagdaos ng 12th Parol Festival
ILANG araw bago ang Pasko, muling ipinakita ng mga residente ng Las Piñas ang kanilang galing sa paggawa ng kahanga-hanga at naglalakihang parol para sa 12th Parol Festival na ngayo’y isa nang okasyon taon-taon sa siyudad na nilalahukan ng Las Piñeros. Ang mga kalahok na parol sa festival ay yari sa recycled materials. Ito ay may sukat na 8 ft …
Read More »TRAIN bill ratipikado na sa Senado (Take home pay ng 7-M obrero tataas)
PINAGTIBAY ng Senado nitong Miyerkoles ang report ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagsasabatas ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill. Ang batas na ito ang sisiguro sa pagtaas ng take home pay ng mahigit pitong milyong manggagawa sa buong bansa. Bagama’t nauna nang inaprobahan ng dalawang Kapulungan na ilibre sa buwis ang taunang sahod na may …
Read More »21 outstanding cooperatives pinarangalan ng Villar SIPAG sa poverty reduction strategies
DALAWAMPU’T ISANG natatanging kooperatiba sa buong kapuluan ang kinilala ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) nina Sen. Cynthia A. Villar, former Senate President Manny Villar at DPWH Sec. Mark Villar, dahil sa kanilang natatanging poverty reduction strategies. Tumanggap ang bawat isa ng P250,000 “seed money” para makapagsimula ng bagong negosyo at mapalaki ang kanilang mga umiiral …
Read More »Guerrero kinompirma ng CA (Bilang AFP chief of staff)
KINOMPIRMA ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero. Bukod kay Guererro, kinompirma rin ng komisyon ang 40 pang miyembro ng AFP na may iba’t ibang ranggo. Kinompirma rin ng komisyon ang bagong miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na si Jose Catral Mendoza at apat pang …
Read More »