Wednesday , March 22 2023
Cynthia Villar Migz Zubiri

SP race sa pagitan nina Zubiri at Villar tapos na

TULUYANG nang sumuko si Senadora Cynthia Villar sa labanan ng Senate President sa pagitan nila ni re-elected Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Ito ay matapos na ihayag ni Villar sa isang ambush interview na nagbibigay-daan na siya kay Zubiri sa usapin ng Senate President.

Dahil dito tanging hihintayin na lamang kung sino ang magiging kalaban ni Zubiri para maihalal na Senate Minority Leader.

Ngunit hindi pa naman pinal ang kumposisyon ng committee chairmanship maliban na lamang sa pag-amin ni Villar na mananatili sa kanya ang Committee on Agrarian Reform at Agriculture and Food.

Kaugnay nito napag-alaman natin mula sa mapagkakatiwalaang source na mauupo namang Senate President Pro-Tempore si returning Senator-elect Loren Legarda samantalang si  re-elected Senator Joel Villanueva naman ay uupong Senate Majority Leader.

Mananatili namang hahawakan ni Senador Sonny Angara ang Senate Committee on Finance at hahawakan ni Senadora Nancy Binay ang pananatili sa kanya ng committee na Tourism  at makukuha niya ang Senate Committee on Accounts .

Ngunit batay sana sa orihinal na plano ay nais na ilukok si Senadora Imee Marcos na kapatid ni elected President Ferdinand “Bongbong” Marcos subalit hindi na pinahintulutan pa lalo na’t kumpirmadong uupong House Speaker si elected Rep. Martin Romualdez na pinsang buo  ng mga Marcos.

Hindi naman kinumpirma pa ng source natin kung mananatili sa senador na Marcos ang kanyang komite o madaragdagan ba ito o mababago pa.

Sa ngayon ay tanging ang committee  chairmanship na lamang ang pinag-uusap kung sinu-sino ang mamumuno  dito.

Idinagdag pa ng source na mukhang si comebacking senador Alan Peter Cayetano ang mamumuno bilang Senate Minority Floor Leader.

Bagamat ang naturang puwesto ay hinahangad ni dating Senate President Koko Pimentel.

Agad namang nagpasalamat si Zubiri sa pagbibigay daan sa kanya ni Villar upang makamit nila ang tinatawag na super majority.

 Tiniyak naman ni Zubiri na mananatiling isnag independent ang senado sa kabila ng ilan sa mga miyembro ng super majority ay kaalyado ni Marcos.

Makukuha naman ni Senador Francis Tolentino ang Blue Ribbon committee, mananatili naman kay Senadora Grace Poe ang Committee on Public Services, hahawakana naman ni SEnador Win Gatchalian ang Senate Ways and Means Committee at Basic Education  , kay Senador Francis “Chiz” Escudero naman ang Committee on Justice  and Human Rights, si Marcos naman ang siyang mamumuno sa Committee on Foreign Relations, Senador Ramon Revilla ang Public Works, samanatalang si Senador JV Ejercito naman ang hahawaakn ng Local Government at Higher Education.

Pamumunuan naman ni Senator-elect Robin Padilla ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes  samanatalang si Mon Tulfo naman ang Committee on Energy.

Binigyang-linaw naman ni Zubiri na hindi kailangan ng isang abuagdo sa hahawakang committee ni Padilla.

Tinukoy pa ni Zubiri na hahatiin nila ang Committee on Labor , Employment and Human Resources Development matapos na makalikha ng Department of Migrant Workers.   (Nino Aclan)

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …