Sunday , March 26 2023
Senate Philippines

124 panukalang batas, Isang resolusyon Inihain sa senado

EKSAKTONG 4:16 pm nang makapagtala ng bills and index ng senado ng 124 inihaing panukalang batas at isang resolusyon.

Nabatid, ang nagbabalik na si Senator Loren  Legarda ang kauna-unahang senador na naghain ng panukalang batas.

Tulad ng kanyang pangako noong kampanya, inihain niya ang panuklanag batas na isang mesa para sa bawat mag-aaral.

Sa unang ikot ng paghahain ng panukalang batas at resolusyon, binigyan ang mga senador ng tig-10 panukalang batas o resolusyon na maihahain. 

Kabilang sa mga naghain ng kanilang mga panukalang batas sina senators Joel Villanueva, Francis “Tol” Tolentino, Bong Go, Jinggoy Estrada, Sonny Angara, Koko Pimentel, Ramon  Revilla, Jr., at Lito Lapid.

Naghain din ng kanilang mga panukalang batas sina Senadora Riza Hontiveros at Cynthia Villar.

Maging si Senador Robin Padilla ay nakapaghain na rin ng kaniyang panukalang batas.

Kung tig-sampu ang mga senador, lima ang panukalang inihain ni Senador Lapid. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …