Monday , December 23 2024

Micka Bautista

Sa Mabalacat, Pampanga
DRUG MAINTAINER, 10 PAROKYANO TIKLO SA BITAG NG PULISYA

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang talamak na drug den maintainer kabilang ang kanyang 10 parokyano sa inilunsad na entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon at lokal na pulisya sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng tanghali, 12 Pebrero 2022. Isinagawa ang napagkasunduang buy bust operation sa South Daang Bakal, Brgy. Dau, …

Read More »

6 siga sa Bulacan inihoyo

prison

ARESTADO ang anim na indibiduwal na sinasabing mga tigasin at may mga pagsuway na ginawa sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 6 Pebrero. Dinakip ang mga suspek sa iba’t ibang krimen ng naganap sa mga bayan ng Balagtas, Marilao, Sta.Maria, at lungsod ng Malolos. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel …

Read More »

Sa Bataan
UNVAXXED BAWAL LUMABAS NG BAHAY, BAWAL SA PUVs

Bataan

INAPROBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang isang ordinansang naglilimita sa paggalaw ng mga indibiduwal na hindi bakunado laban sa CoVid-19. Nilagdaan ni Bataan Gov. Albert Garcia ang Provincial Ordinance No. 2 Series of 2022, na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsakay sa mga pampublikong transportasyon ng mga hindi bakunado. Gayonman, exempted rito ang mga nangangailangan ng essential goods …

Read More »

P2-M shabu nasabat sa tulak ng Cavite, timbog sa Pampanga

shabu drug arrest

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang dayong tulak sa isinagawang anti-illegal drug bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 6 Pebrero. Nagkasa ang magkasanib na elemento ng RPDEU-3, SCU3-RID, at Mexico Municipal Police Station (MPS) ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Lagundi, …

Read More »

Sa Bulacan
2 MENOR DE EDAD, 14 PA NAKALAWIT NG PULISYA

Bulacan Police PNP

SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ang dalawang menor de edad, tatlong magnanakaw, dalawang drug suspects, at siyam na wanted persons hanggang Martes ng umaga, 8 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, dinampot ang …

Read More »

Sa Tarlac
SANGGOL, 2 PA PATAY SA COVID-19

Covid-19 dead

TATLO ang iniulat na namatay kabilang ang isang bagong silang na sanggol dahil sa komplikasyong dulot ng CoVid-19 sa lalawigan ng Tarlac. Kinompirma ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, isang araw pa lamang matapos iluwal ang babaeng sanggol nang bawian ito ng buhay sa bayan ng Concepcion. Samantala, residente ng bayan ng Capas ang 52-anyos lalaking namatay habang ang isa pang …

Read More »

Siga ‘pag kargado ng alak kelot timbog sa ‘boga’

gun ban

ARESTADO ang isang lasing na lalaki matapos isumbong sa mga awtoridad kaugnay sa ginagawang pagwawala habang may hawak na baril sa harap ng kaniyang bahay sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 7 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Willy Salazar ng Brgy. …

Read More »

Proclamation rally ng ‘Agila at Tigre’ sa PH Arena dinumog

Bongbong Marcos Sara Duterte proclamation rally Micka Bautista Photo

DINUMOG ng libo-libong tagasuporta ang naging proclamation rally nina presidential at vice presidential aspirants Ferdinand Marcos, Jr., at Sara Duterte sa Philippine Arena, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 8 Pebrero. Dinalohan ng iba’t ibang personalidad mula Luzon, Visayas at Mindanao ang programa na tinampukan ni Toni Gonzaga bilang host. Nagsara ang mga entry at exit points …

Read More »

Pumalag sa checkpoint
ARMADONG RIDER, TODAS SA ENKUWENTRO

dead gun

BUMULAGTA ang isang lalaki matapos pumalag at magpaputok ng baril sa isang COMELEC checkpoint sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat na nakalap mula sa pulisya sa Nueva Ecija, kinilala ang napaslang na suspek na si Aldrin Manalang, 33 anyos. Ayon sa mga awtoridad, pinahinto si Manalang sa checkpoint nang biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Dito …

Read More »

Sa SJDM City, Bulacan
MOST WANTED RAPIST, 2 KRIMINAL NASAKOTE

San Jose del Monte CSJDM Police

MAGKAKASUNOD na nasukol ng mga awtoridad ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang pinaghahanap sa kasong panggagahasa, sa ikinasang anti-criminality operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 5 Pebrero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang most wanted person ng lungsod kabilang ang dalawang pinaghahanap na …

Read More »

Lumabag sa Omnibus Election Code
PASAWAY NA GUN OWNER TIKLO

arrest prison

DERETSO sa kaloboso ang isang lalaki sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, matapos arestohin ng pulisya dahil sa pagwawala sa isang barangay habang may hawak na baril nitong Sabado, 5 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS), napag-alamang nagresponde ang mga operatiba matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa isang nagwawalang lalaki …

Read More »

Sa Bulacan
CHINESE NATIONAL ARESTADO SA KATOL AT INSECTICIDES

Arrest Posas Handcuff

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng mga produktong walang lisensiya o permiso sa mga kinauukulan sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 4 Pebrero. Kumagat sa pain na inilatag ng mga tauhan ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na kinilalang si Shi Yun Chung, 51 anyos, vendor, residente …

Read More »

Rapist ng Tacloban timbog Bulacan

prison rape

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan ang isang lalaking may kinahaharap na reklamong panggagahasa sa menor de edad niyang nobya sa lungsod ng Tacloban, lalawigan ng Leyte. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Rommel Ochave, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Raymart Adolfo, 23 anyos, isang bartender. Nadakip ang suspek ng pinagsanib …

Read More »

Sa Angeles City, Pampanga
4 NAGPAPAKALAT NG PEKENG PERA NASAKOTE NG NBI

Arrest Posas Handcuff

ARESTADO ang apat kataong pinaniniwalaang nagpapakalat ng mga pekeng pera sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Sa pahayag na inilabas ng ahensiya nitong Martes, 2 Pebrero, kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga suspek na sina Joeylyn Castro, Virgilio Yalung, Zenia Andres, at Marilyn Lucero. Nabatid …

Read More »

Mag-asawa timbog sa boga, shabu

lovers syota posas arrest

ARESTADO ang mag-asawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Brgy. Sapang Balas, sa bayan ng Dinalupihan, lalawigan ng Bataan. Sa ulat mula sa Dinalupihan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mag-asawang sina Diosdado Romero, 54 anyos, at Fatimah Abella na nakuhaan ng apat na maliit na pakete ng hinihinalang shabu, marked …

Read More »

Sa Bocaue, Bulacan
TRABAHADOR ARESTADO SA HOSTAGE-TAKING

Sa Bocaue, Bulacan TRABAHADOR ARESTADO SA HOSTAGE-TAKING Micka Bautista

ISANG ORAS muna bago tuluyang napigilan ang pagwawala ng isang lalaki kasunod ng pangho-hostage sa isang babae matapos masukol ng nagrespondeng mga awtoridad sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng umaga, 31 Enero. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronnie Pascua, hepe ng Bocaue Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si alyas Loloy, trabahador sa …

Read More »

Sa 7 araw SACLEO sa Bulacan
P4-M DROGA KOMPISKADO 370 LAW OFFENDERS TIKLO

Bulacan Police PNP

NASABAT ang kabuuang P4 milyong halaga ng ilegal na droga at nasakote ang 370 law offenders sa isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan police mula 24 Enero hanggang nitong Linggo, 30 Enero 2022. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, naipon ang P4,043,099.60 halaga ng ilegal na droga …

Read More »

Sa Angeles City, Pampanga
8 PULIS NG CIDG, 2 CHINESE NAT’LS, PINOY TIKLO SA ROBBERY

arrest, posas, fingerprints

WALONG police officers at tatlo pang suspek, kabilang ang dalawang Chinese nationals ang dinakip sa tangkang robbery sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga, Miyerkoles. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 3, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa tangkang pagnanakaw sa isang bahay sa Diamond Subdivision, Brgy. Balibago ng mga armadong kalalakihang nakasibilyan pero nagpapakilalang mga pulis. “May …

Read More »

‘Damo’ ipinadala sa courier service nabuking ng PDEA

Damo ipinadala sa courier service nabuking ng PDEA

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki sa Hermosa, Bataan dahil sa pagtanggap ng marijuana kamakalawa. Sa ulat mula sa PDEA Bataan Office, kinilala ang naaresto na si Christian Jomar, ng Barangay San Pedro, sa nabanggit na bayan. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang naturang tanggapan mula sa isang courier service company na isang …

Read More »

Kabayanihan ng SAF 44 ginunita sa Bulacan

Bulacan PNP Rommel Ochave SAF 44

NAGBIGAY-PUGAY ang Bulacan PNP sa kabayanihan ng 44 Special Action Force (SAF) troopers na isinakrapisyo ang kanilang buhay pitong taon na ang nakararaan sa kalunos-lunos na trahedya na naganap sa Maguindanao noong 25 Enero 2015. Ang mga napaslang na 44 SAF commandos ay binigyang parangal sa isang seremonya na paglalatag ng korona sa Camp General Alejo S. Santos, lungsod ng …

Read More »

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

fire sunog bombero

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab ang malaking sunog, nitong Miyerkoles ng hapon, 19 Enero. Naganap ang insidente ng sunog sa Sitio Tabing Ilog Villarica, Brgy.  Poblacion, sa naturang bayan. Sa panimulang imbestigasyon ng mga tauhan ng Sta. Maria Bureau of Fire Protection at batay sa pahayag ng ilang testigo, nagsimula …

Read More »

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

dead gun police

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio Boundary, Brgy. Caalibangbangan, lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Miyerkoles, 19 Enero 2022. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na suspek sa alyas na Tolits, samantala ang nasugatang pulis ay si Pat. Aizar Hajar, kasalukuyang nakatalaga sa Sta. …

Read More »

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

Bulacan Police PNP

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam na iba pa sa serye ng mga anti-drug sting na ikinasa ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 19 Enero. Kinilala ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Hallasgo, alyas Tisoy.  Batay …

Read More »