Friday , July 26 2024

Micka Bautista

600 bagong recruits na pulis sa PRO3 nanumpa sa tungkulin

600 bagong recruits na pulis sa PRO3 nanumpa sa tungkulin

PINANGASIWAAN ni Police Regional Office 3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong recruit na pulis kasunod ng kanilang presentasyon ni PColonel Rudecindo L. Reales, Deputy RD for Operations kamakalawa, Nobyembre 20 sa PRO3 Parade Ground, Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Ang 600 matagumpay na mga aplikante ay binigyan ng ranggong …

Read More »

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

PATAY ang isang estudyante habang sugatan ang isang pasahero  makaraang araruhin ng isang pampasaherong bus ang loob ng terminal ng isang mall sa Barangay Ibayo, Balanga, Bataan kamakalawa ng gabi. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Balanga City Police Station {CPS, nakaparada ang bus sa terminal nang biglang matapakan ng drayber ang accelerator pedal dahilan para ito ay umandar at …

Read More »

Sa National Children’s Month
Kamalayan, karapatan, at kagalingan ng mga bata sa Bulacan itinataas

National Children’s Month Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre, itinampok ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagsasagawa ng mga gawaing magtataas sa kamalayan hinggil sa karapatan ng mga bata sa probinsiya. May temang “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all!” naghanda muli ng iba’t ibang aktibidad ang PSWDO sa pakikipagtulungan ng …

Read More »

Drug dealers, lawbreakers, arestado sa Bulacan

Bulacan Police PNP

SA SUNOD-SUNOD na operasyon ng pulisya na isinagawa ng Bulacan PNP, humantong sa pagkahuli sa mga indibidwal na sangkot sa mga paglabag sa batas kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga. Batay sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang anti-illegal drug operation ng Balagtas MPS sa Brgy. Wawa, Balagtas, ay nagresulta sa …

Read More »

Pampanga mayor 30 araw kalaboso

Mexico Pampanga

IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs kahapon, 15 Nobyembre, ang detensiyon kay dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang ng 30 araw matapos ma-contempt dahil sa paglabag sa mga panuntunan ng panel. Si Tumang, ibinandera ng komite, dahil sa umano’y paglabas ng mga detalye ng isang executive session na idinaos kaugnay sa imbestigasyon ng panel sa ilegal na droga. Ang …

Read More »

Mga operasyon ikinasa ng Bulacan PNP
10 tulak, 8 suspek sa krimen hinakot 

Bulacan Police PNP

DINAKIP ngmga tauhan ng Bulacan PPO ang 10 hinihanalang drug peddlers, limang wanted persons, at tatlong law offenders sa iba’t ibang operasyon na isinagawa nitong Miyerkoles, 7  Nobyembre. Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, magkakahiwalay na buybust operations ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del Monte, Meycauayan, …

Read More »

Sa Pampanga at Bulacan  
‘Big time’ tulak, 3 pa, timbog sa P3.4-M shabu

Sa Pampanga at Bulacan ‘Big time’ tulak, 3 pa, timbog sa P3.4-M shabu

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang ‘big time’ na tulak ng droga at ang kanyang tatlong kasabuwat na nakompiskahan ng tinatayang P3,400,000 halaga ng hinihinalang shabu matapos ikasa ng mga awtoridad ang drug entrapment operation sa open parking area ng isang mall sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite, nitong Martes, 7 Nobyembre. Kinilala ang mga suspek na sina Hedwig Ramos, …

Read More »

Anim na natatanging palengke sa bulacan pinarangalan

Bulacan

Anim na pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Bulacan ang binanggit para sa kanilang natatanging pagsisikap sa pangangalaga sa kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili at mga tindero. Sa awarding ceremony na ginanap sa Kapitolyo ng Bulacan Gymnasium sa Lungsod ng Malolos kamakalawa, iginawad ang mga parangal na “Huwarang Palengke” sa tatlong malalaking palengke at tatlong maliliit na palengke sa lalawigan …

Read More »

Election code violators timbog sa Bulacan PNP

COMELEC BSKE Elections 2023

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga tauhan ng Bulacan PNP ang mga lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) sa lalawigan nitong Sabado, 4 Nobyembre. Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, dinakip ang dalawang indibidwal na parehong lumabag sa RA 10591 kaugnay sa Omnibus Election Code sa pagsasagawa ng Oplan Sita sa bayan ng …

Read More »

Sa kampanya ng Bulacan PNP vs krimen
5 LAW OFFENDERS TIKLO

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang limang indibidwal na sinabing lumabag sa batas sa ikinasang kampanya kontra kriminalidad ng Bulacan PNP, nitong Sabado, 4 Nobyembre. Batay sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Pulilan at Angat MPS na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang drug suspects. Nakompiska mula sa …

Read More »

 687 pulis ikakalat sa sementeryo, kolumbarya sa Bulacan

Bulacan Police PNP

ANIM-na-raan at walumpu’t pitong (687) mga tauhan ng Bulacan PNP na binubuo ng 108 Reactionary Standby Support Force (RSSF), 323 ang ipapakalat para isekyur ang mga sementeryo at kolumbarya, 207 para masiguro ang mga lugar ng convergence, at 49 road safety marshals sa pagdiriwang ng bansa ng All Saints Day at All Souls Day sa Bulacan.  Magpapakalat din ng karagdagang …

Read More »

13 tomador tiklo sa liquor ban

liquor ban

ARESTADO ang labingtatlong indibiduwal sa paglabag sa pinairal na Omnibus Election Code  o Liquor Ban kaugnay sa pagdaraos ng  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Brgy. San Manuel, San Jose del Monte at Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo provincial director ng Bulacan PPO ang mga tauhan ng SJDM City Police Station …

Read More »

Kandidatong barangay kagawad kalaboso sa vote buying

103023 Hataw Frontpage

DALAWANG araw bago ang halalan ay dinakip ng mga awtoridad ang isang negosyante na tumatakbong kagawad  dahil sa pamimili ng boto sa Pandi, Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala ni Police Lt.Colonel Rey Apolonio, hepe ng Pandi Municipal Police Station {MPS kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek ay kinilalang si Danilo Sebastian, 52, na …

Read More »

Sa Guiguinto, Bulacan
3 SALOT NA TULAK NG DROGA ISINUKA NG KALUGAR, HOYO

shabu drug arrest

ARESTADO sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad laban sa iba’t ibang uri ng krimen, ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga, itinuturing na salot ng kanilang mga kabarangay sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan nitong Sabado ng gabi, 21 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nahuli ang tatlong suspek …

Read More »

2023 Coop Month trade fair, kumita ng mahigit P200K 

Alexis Castro Bulacan Coop Month trade fair

Bilang isa sa mga tampok sa pagdiriwang ngayong taon ng Cooperative at Enterprise Month, may P261,930 ang kabuuang kinita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office matapos isagawa ang Cooperative and Enterprise Month Trade Fair kung saan kabilang din ang DTI Diskwento Caravan at KADIWA ng Pangulo na ginanap sa harap ng Gusali …

Read More »

Multi-cab tinagis ng bus, sakay na brgy. secretary tumilampon nagulungan patay

road accident

Nasawi ang isang kawani ng barangay matapos tumilampon at magulungan ng bus na nakatagis sa sinasakyang multi-cab sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng umaga. Sa ulat na ipinadala ng San Jose del Monte City Police Station {CPS} kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktima ay kinilalang si Angelica Catague y Nofies, 26. …

Read More »

Matagal na alitan tatapusin sana sa bala, negosyante inireklamo arestado

gun shot

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagpapaputok ng baril sa kaalitang kapitbahay sa Paombong, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ang suspek na kinilalang si Juanito Pajenmo, 41, negosyante ng Blk 27 Lot 17 Northville 4-B Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan. Batay sa ulat …

Read More »

Miyembro ng CPP-NPA sa Bulacan sumuko

Boluntaryong sumuko sa tropa ng pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BULPPO), ang sumuko ay kinilala bilang si Alyas Ka Ome, 32, mangingisda, miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), na kumikilos sa coastal areas ng …

Read More »

  Mahigit 2 libong pugante sa Central Luzon nai-selda

arrest prison

Dahil sa walang patid na pagtugis ay naaresto ng kapulisan mula sa  Police Regional Office 3 ang mahigit dalawang libong pugante sa Central Luzon na may matitinding pagkakasala sa batas. Ayon kay PRO3 Regional Director PBgeneral Jose s Hidalgo Jr., mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, 2023, ang mga operatiba ng  PRO3 ay matagumpay na nadakip at nai-selda ang kabuuang 2,223 …

Read More »

  Bayan ng Santa Maria sa Bulacan handa na sa Undas 2023

Santa Maria Bulacan Undas

Ibayong paghahanda ang isinasagawa ng pamahalaang lokal at kapulisan ng Santa Maria, Bulacan para sa nalalapit na Undas sa Nobyembre 1. Sa atas ni Mayor Omeng Ramos ay pinangunahan ni Municipal Administrator Engr. Elmer B. Clemente ang pagpupulong ng mga barangay, pulisya, bureau of fire protection, mdrrmo, municipal health office, traffic management unit, at iba pa na maaaring makatuwang para matiyak …

Read More »

SMC, gov’t forge biggest CSR collaboration to clean up, rehabilitate Luzon rivers

SMC CSR rehabilitate Luzon rivers

Three years after it launched its landmark river cleanup and flood mitigation initiative–which has led to the removal of over 3 million metric tons of silt and solid wastes from the Pasig, Tullahan, and San Juan Rivers–San Miguel Corporation (SMC) is setting its sights on a more ambitious goal: cleaning up and rehabilitating three major river systems as well as …

Read More »

23 alkalde sa Bulacan suportado na maging highly urbanized city ang San Jose del Monte

SJDM Bulacan

Sa dalawang pahinang manifesto, ang 23 alkalde sa Bulacan ay  nagpahayag ng kanilang suporta para maging highly urbanized city ang San Jose del Monte sa Bulacan. “Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t-ibang munisipalidad at siyudad sa Lalawigan ng Bulacan ay nagkakaisa at buong tibay na sumusuporta sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan bilang isang Highly Urbanized …

Read More »

Baril, shabu, marijuana nakumpiska ng Bulacan police

Bulacan Police PNP

Sa sunod-sunod na pagkilos ng mga tauhan ng Bulacan PNP ay nadakip ang ilang lumabag sa batas at nakakumpiska ng baril, shabu at marijuana  sa operasyong isinagawa hanggang kahapon ng umaga. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa operasyong ikinasa laban sa iligal na droga sa Pandi, Bulacan ay naaresto ang dalawang indibiduwal …

Read More »

Mga Bulakenyong events professionals, nagsagawa ng kauna-unahang Bulacan Events Industry Ball for a cause

Bulacan Events Industry Ball for a cause

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtipon-tipon ang mga kilalang Group of Bulacan Events Professionals (GBEP) sa pinakahihintay at pinaka-engrandeng Luxe Noir Tropical Gala sa isinagawang 1st Bulacan Events Industry Ball para sa Nazareth Home for Children na ginanap sa Leticia’s Garden Resort and Events Place, Calumpit, Bulacan kamakailan.  Kasama ang kanilang Co-Founder at Chairman Katrina Anne Bernardo-Balingit at iba pang mga opisyal …

Read More »

SSS sa mga Employers: Hulugan ang kontribusyon ng lahat ng uri ng empleyado

SSS RACE Baliuag Bulacan

 Obligasyon ng mga employers na bayaran o hulugan ang kontribusyon sa Social Security System o SSS ng kani-kanilang mga manggagawa, anuman ang estado ng pagka-empleyo. Iyan ang binigyang diin ni SSS Vice President for Luzon Central 2 Division Gloria Corazon Andrada sa ginanap na Run After Contribution Evaders o R.A.C.E. campaign ng Social Security System o SSS-Baliwag branch. Bunsod ito …

Read More »