Saturday , December 13 2025

hataw tabloid

Mas pinaniniwalaan si papa

Dahil sa pagpapakatotoo ni Julian Estrada sa presscon ng movie nilang Relaks, It’s Just Pag-ibig ng Cornerstone entertainment, nag-react talaga ang nega sa ngayong si Julia Barretto na hindi raw totoo ang pronouncement nito na naging sila before. Hahahahahahahahahaha! Katawa naman. Ang tagal nang pinag-uusapan ‘yan at hindi naman big deal before dahil mga showbiz wannabe palang kayong dalawa. Pero …

Read More »

Emperador, binili ang Whyte & Mackay sa halagang P31 bilyon

Inuusisa ni Whyte & Mckay blender Richard Paterson ang bote ng Dalmore 64 – ang pinakamahal na whisky sa buong mundo.   MATAGUMPAY na nakumpleto ng Emperador Inc. ang pagbili sa higanteng kumpaya ng alak na Whyte & Mackay Group Limited at mga kasama nitong kumpanya noong Oktubre 31 sa halagang 430 million British pounds o katumbas ng 31 bilyong …

Read More »

Manolo, sobrang blessed sa pagkakasama sa Hawak Kamay

ni Roldan Castro LAST three weeks na ang seryeng Hawak Kamay na unang serye ni Manolo Pedrosa paglabas ng PBB All In. Ano ang feeling na naging bahagi siya ng serye ni Piolo Pascual? “Nagulat po ako..na hala may show na po ako, primetime po tapos kasama si Piolo. Grabe…naisip ko po na sobrang blessed po ako at nabigyan po …

Read More »

Aktres, mukhang nilamukos ang buhok nang dumalo sa isang event

ni Ronnie Carrasco MUKHANG nagkamali yata ng event na pupuntahan ang isang aktres. Supposedly, isang pagtitipon ‘yon where beauties across the land had converged. In fairness, super ganda naman ang aktres who served her “purpose” with her sorry, not-so-stunning presence. Mukha lang kasing mamahalin ang kanyang isinuot na gown, sadly, she failed to carry it well in stark contrast sa …

Read More »

Open na naman ang XTV KTV Bar sa Macapagal Blvd., Pasay City! (Bantayan ng Task Force Anti-human trafficking)

PROSISANG impormasyon ang ipinaabot sa inyong lingkod hinggil sa muling pagbubukas ng XTV KTV Bar d’yan nakatago sa likod ng Hobbies sa Macapagal Blvd., Pasay City. Kung hindi po tayo nagkakamali, ito ‘yung KTV bar na dati nang ni-raid ng Pasay City police dahil nag-o-operate na walang business permit at at nahulihan pa ng Chinese prostitute. Pero sa hindi malamang …

Read More »

Open na naman ang XTV KTV Bar sa Macapagal Blvd., Pasay City! (Bantayan ng Task Force Anti-human trafficking)

ISANG impormasyon ang ipinaabot sa inyong lingkod hinggil sa muling pagbubukas ng XTV KTV Bar d’yan nakatago sa likod ng Hobbies sa Macapagal Blvd., Pasay City. Kung hindi po tayo nagkakamali, ito ‘yung KTV bar na dati nang ni-raid ng Pasay City police dahil nag-o-operate na walang business permit at at nahulihan pa ng Chinese prostitute. Pero sa hindi malamang …

Read More »

Ulo at ari ng bangkay hinahanap (Para makilala ang biktima)

CEBU CITY – Pahirapan ang paghahanap sa pugot na ulo at pinutol na ari ng biktimang itinapon sa liblib na lugar sa Brgy. Biga, lungsod ng Cebu. Ayon kay Supt. Ricky Delilis ng Toldedo City Police Station, nanatiling blanko ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagpatay at pagdispatsa sa bangkay ng biktima. Sinabi ni Delilis, walang saksi sa krimen at wala …

Read More »

Excuse me Mr. Che Borromeo, bagman mo ba si alias Nap?

ISANG nagsisiga-sigaan at nagpapakilalang katiwaldas ‘este katiwala raw ng natalong Konsehal na si LECHE ‘este CHE BORROMEO ng TASK FORCE ORGANIZED VENDING (TFOV) ang lubhang iniiyak at inirereklamo ng maralitang vendors sa Maynila. Take note Yorme Erap dahil issue po ito ng maralitang vendors! Hindi lang mga vendors sa Divisoria ang kinokolektong ni alias Nap maging sa Carriedo Quiapo, Blumentritt …

Read More »

78th Anniversary National Bureau of Investigation

GINAWARAN ng Certificate of Appreciation si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap sa ika-78 anibersaryo ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon. Nagsilbi rin siyang hurado sa ginanap na painting and photo exhibit sa NBI National Headquarters sa Taft Ave., Ermita, Maynila. (BONG SON)

Read More »

Malaya kang kumalas sa admin (PNoy kay Binay)

HINDI na nakapagpigil si Pangulong Benigno Aquino III para buweltahan si Vice President Jejomar Binay. Ito’y kasunod nang pagbatikos ni Binay sa administrasyon sa kabiguang maresolba ang mga problema ng bansa gaya sa kahirapan, MRT at korupsyon gayon din ang Cabinet na miyembro ng trapo. Sinabi ni Pangulong Aquino, kung may pagpuna ay dapat “constructive criticisms at magsabi ng solusyon.” …

Read More »

Biyaheng Florida… seguridad ng pasahero ang nauuna

UNDAS, tapos na ha. Oo tapos na nga… nakauwi rin ako at pinuntahan ang puntod ng aking mahal na tatay sa Tuguegarao, Cagayan. Naging masaya naman ang pag-uwi hindi lang dahil sa nagkita-kita kaming magkakapatid bagamat may mga hindi nakauwi dahil alangan ang petsa ngayon ng Undas, kundi nagkita rin uli kami ni mommy at kuya ko maging ang kanyang …

Read More »

APD Alvin Borero, Joyce Velunta tumangging sangkot sa human trafficking

SA ngalan ng patas na pamamahayag, nais natin ibahagi sa inyo ang paliwanag ng dalawang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sina Airport Police Alvin Borero at Joyce Velunta na itinuturong sangkot sa human trafficking sa NInoy Aquino International Airport (NAIA). Ngayon nga, habang pinaghahanap ng Bureau ng Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) si Annaly …

Read More »

Gloria humirit ng 9-day house arrest (Para sa burol ng apo)

HINILING ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para makadalaw sa burol at makadalo sa libing ng apo. Nitong Linggo ng umaga ay pumanaw habang nasa Philippine Heart Center ang 1-taon gulang na apo ni Arroyo sa anak na si Luli. Sa inihaing mosyon ni Laurence Hector Arroyo, abogado …

Read More »

4 Chinese kinasuhan sa P7-B shabu

PORMAL nang sinampahan ng Department of Justice (DoJ) ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act sa Pampanga Regional Trial Court (RTC) ang apat Chinese national na naaresto sa magkahiwalay na raid at nakom-piskahan ng P7 bilyon ha-laga ng shabu. Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Sections 8 (Manufacture of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals) ng RA No. …

Read More »

BoC PORT of CDO dapat bantayan!

NATAPOS na po ang UNDAS pero ang mga HUDAS at mga raket sa Bureau of Customs (BoC) ay nagpapatuloy pa rin po. Tulad nitong balita na mayroon umanong nangyari na hindi maganda sa pantalan ng CAGAYAN DE ORO bago ang Undas. Mayroon daw dumating na 110 containers, containing imported rice na lumabas o pinalusot sa kanilang pantalan and declared something …

Read More »

Mag-anak tinambangan (Mag-asawa patay, 2 anak sugatan)

RIZAL – Patay ang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang dalawa nilang anak makaraan pagbabarilin ng apat lalaking lulan ng dalawang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Rizal PNP director, Sr. Supt. Bernabe Balba ang mga namatay na sina Nelson Go, 56, at Ruby, 52, residente ng Blk. 7, Lot 10, Phase 2C2, Metro Manila Hills Subdivision, Brgy. San …

Read More »

Ginang tigok sa tumakas na Phil. Rabbit

AGAD binawian ng buhay ang isang 48-anyos ginang makaraan masagasaan ng isang bus sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Melchora Batino, ng 1553 Kundiman Street, Sampaloc, Maynila. Habang pinaghahanap ang hindi nakilalang driver nang hindi naplakahang passenger bus ng Phillippine Rabbit. Ayon kay SPO1 Garbin ng Manila Traffic Bureau, dakong 12:05 a.m. nang masagasaan ng bus …

Read More »

Sanggol iginapos ng ama sa kama

DAVAO CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang ama ng 9-buwan sanggol na iniwan sa inuupahang kwarto sa loob ng dalawang araw at itinali ang dalawang paa sa kama. Kinilala ng Sta. Ana PNP ang ama na si Jerry Iwag, isang buwan pa lamang na nangungupahan sa Purok 3, Brgy. 25-C, lungsod ng Davao. Ayon kay Supt. Royina Garma, hepe …

Read More »

Bakasyon ni Ona ‘forced leave’ (Dahil sa Ebola)

NILINAW ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang kinalaman sa kalusugan ang pagliban o vacation leave ni Health Sec. Enrique Ona. Taliwas ito sa inihayag ni Ona na ang dahilan ng kanyang leave of absence ay para magpagaling. Sinabi ni Pangulong Aquino, may mga tanong sila kay Ona partikular sa vaccination campaign at iba pang isyung hindi niya masagot. …

Read More »

Parolado utas sa ratrat ng tandem

PINAULANAN ng bala hanggang mapatay ang isang ex-convict ng dalawang hindi nakilalang suspek na lulan ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Patay noon din si Vincent Carriaga, 40, biyudo, ng 67 Propetarios  St., Cartimar, Pasay City. Base sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, dakong 6:50 p.m. nang mangyari ang pamamaril sa north …

Read More »

Opisyal ng Subic Customs pinarangalan, nagbabala vs smugglers

SUBIC BAY FREEPORT – Pinarangalan ng Bureau of Customs ang isang opisyal at mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Subic dahil sa pagpigil sa tangkang pagpuslit palabas ng  Subic Freeport ng mga imported item na nagkakahalaga ng P5 milyon. Pinarangalan nitong Oktubre 27 sina Manolo Arevalo, officer in charge ng CIIS-Intelligence Division at mga tauhan …

Read More »

Mister at kabit huli sa akto ni misis

KALABOSO ang isang lalaki at sinabing kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto ni misis na naghahalikan sa loob ng kanilang kwarto sa San Mateo, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Nestor Lita, Jr., 24, nakatira sa Brgy. Sto. Niño, San Mateo, at Estrella Rivera, 42, nakatira sa Brgy. Cupang, …

Read More »

SLSU student todas sa hazing (4 sa 11 suspek tukoy na)

KILALA na ng pulisya ang apat sa 11 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na mga suspek sa pagkamatay ng dating estudyante ng Southern Luzon State University (SLSU) dahil sa hazing. Ayon sa pulisya, bago bawian ng buhay ang 24-anyos na si Ariel Inopre sa Bicol Medical Center sa Naga City nitong Linggo ng madaling araw ay nagawa niyang ipagtapat …

Read More »

Tondo ex-chairman, bata todas sa ambush (1 pa kritikal)

PATAY ang isang 65-anyos dating chairman at 9-anyos batang babae habang kritikal ang isa pang biktima na na-damay sa insidente makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila. Agad binawian ng buhay si Ely Saluib ng Gate 17, Parola Compound, tinamaan ng anim bala ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng …

Read More »