Wednesday , May 1 2024

Sa integrasyon ng IPSC sa airfare LBP employees nawalan ng trabaho

111014 terminal feeKUNG sakaling matuloy na ang integrasyon ng P550 international passenger service charge (IPSC) na naka-TRO pa ngayon, o mas kilala sa tawag na terminal fee, sa pasahe sa eroplano, e mawawalan ng trabaho ang hindi kukulangin sa 100 contractual employees ng LBP.

Sila ‘yung LBP agency contractual employees na nakakontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa paniningil ng terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero dahil isinama na sa airfare ang terminal fee, hindi na kailangan ang hiwalay na booth o kahera para rito. At d’yan naisakripisyo ang LBP employees.

Maraming LBP employees ang umiiyak ngayon dahil alam nila na anytime ay masisibak na sila sa kanilang trabaho sa airport. Karamihan sa kanila ay more than 20 years na rin na naglingkod sa NAIA.

Napakasakit at napakalungkot na kung kailan magpa-Pasko ay saka pa sila mawawalan ng trabaho.

Ang tanong lang natin, may alternatibong solusyon ba ang MIAA management para sa LBP employees na mawawalan ng trabaho?

O maidaragdag sila sa listahan ng mga jobless o walang trabaho sa ilalim ng ‘Daang Matuwid’ ni PNoy!?

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *