Thursday , June 4 2026

Mayor, 1 pa dinukot ng lumusob na NPA (Pulis, sundalo patay; 4 sugatan, Sa Occidental Mindoro)

110914_FRONT copyDINUKOT ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang alkalde ng Paluan, Occidental Mindoro at administrator nito, Biyernes ng hapon.

Ayon kay SPO1 Nilo Poja, communications officer ng Occidental Mindoro Police, dakong 3:30 p.m. nang lusubin ng mga rebelde ang munisipyo ng Paluan.

Sinasabing nagbihis sundalo ang mga rebelde at nagpanggap na mag-iinspeksyon.

Dito aniya dinukot ng tinatayang 50 miyembro ng NPA si Paluan Mayor Carl Michael Pa-ngilinan at ang administrator na si Engr. Carl Yambao.

Ngunit ilang oras lang ang nakalipas, natagpuan din ang alkalde at ang administrator ma-lapit sa Calauagan River na iniwan ng tumakas na mga rebelde.

Isang pulis at isang sundalo ang namatay sa pag-atake ng NPA habang apat na pulis ang sugatan.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …