Thursday , June 4 2026

AFAD: License renewal sa gun show

111014 AFADHinikayat kahapon ng mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) ang mga may-ari ng baril na may delingkuwenteng lisensiya na makibahagi sa gun license caravan sa 2014 Defense & Sporting Arms Show (DSAS) na gaganapin sa Nobyembre 13 hanggang 14, 2014 sa 5th Floor, Building B, SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ayon kay AFAD President Jethro T. Dionisio, nakikipagtulungan ang kanilang organisasyon sa Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Division (FED) upang maibsan ang backlog ng mga gun license na dapat nang i-renew.

Nitong mga nakaraang buwan, ilang lugar na sa Metro Manila ang naabot ng PNP-FED/AFAD caravan upang magproseso ng License to Own and Possess Firearms (LTOAPF) sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Naniniwala ang mga AFAD official na magandang oportunidad ang 2014 DSAS upang magsumite ng mga LTOAPF dahil ito ay dinaragsa ng libo-libong gun enthusiast bawat taon.

Tampok din sa apat na araw ng gun show ang mga modernong baril, bala at shooting paraphernalia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …