SOLONG tinamaan ang mahigit P70 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto. Aabot sa P70,166,400 ang napanalunan ng mananayang nakasapol ng kombinasyong 08-27-26-11-06-29 nitong Lunes ng gabi. Sinasabing ang winning ticket ay binili sa Tagum City, Davao del Norte. Samantala, walang tumama sa mahigit P27.6 milyong premyo sa 6/45 Mega Lotto (16-34-02-40-15-41).
Read More »Oil depot sa Pandacan alisin — SC
INIUTOS ng Korte Suprema na tanggalin at ilipat ang oil depot na kaslaukuyang nasa Pandacan, Maynila. Sa botong 10-2, bumoto ang mga mahistrado ng Kataastaasang Hukuman para ideklarang labag sa Saligang Batas at Manila City Ordinance No. 8187 na nagbibigay-pahintulot sa pagtatayo ng oil depot sa Pandacan. Inutusan din ng Korte Suprema si Manila Mayor Joseph Estrada na tingnan ang …
Read More »Malabong magkasundo ang mga Marcos at Aquino
SUNTOK sa buwan ang pinapangarap ni Senador Bongbong Marcos na pakikipagkasundo sa pamilya Aquino partikular kay Pangulong Noynoy, kaisa-isang anak na lalaki ni Tita Cory at Ninoy. Ito ang katotohanang dapat nang tanggapin ng sambayanan at ng mga Marcos dahil hindi ordinaryong kasalanan ng bawat isang pamilya sa isa’t isa. Sa parte ng mga Aquino, buhay ang naging kapalit ng …
Read More »Biyahe ng PNR hanggang Calamba na (Simula Disyembre 2)
HANGGANG Calamba, Laguna na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) simula sa Disyembre 2. Ayon kay Jo Geronimo ng PNR Operations, ito’y makaraan maayos ang mga daanan ng tren, partikular ang San Cristobal Bridge. Aniya, P45 ang magi-ging pasahe mula Tutuban hanggang Calamba at tinatayang wala pang dalawang oras ang biyahe. Inaasahang malaki ang matitipid ng mga bumibiyahe mula …
Read More »Negosyante itinumba sa Bulacan
NAMATAY noon din sa pinangyarihan ng krimen ang isang 53-anyos negosyante makaraan pagbabarilin ng apat kalalakihan na lulan ng isang kotse sa harap ng isang supermarket sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Tadtad nang tama ng bala ang biktimang kinilalang si Romualdo dela Cruz, residente ng Brgy. Bagong Barrio, sa bayan ng Pandi, Bulacan. Ayon sa inisyal …
Read More »Traffic rerouting para sa QC Night Run
INABISOHAN kahapon ng mga organizer ng First Quezon City International Marathon-Night Run ang mga motorista hinggil sa mga isasarang lansangan sa Nobyembre 29, 2014 – mula 12 ng tanghali hanggang 12 ng hatinggabi – upang bigyang daan ang engrandeng running event. Kabilang sa mga isasara ay: – Inner lanes ng westbound at eastbound direction ng Quezon Avenue, mula Sto. Domingo …
Read More »2 todas sa anti-drug raid sa Las Piñas
DALAWA ang patay sa pagsalakay ng mga pulis sa hinihinalang drug den sa Brgy. Talon Singko, Las Piñas City kahapon. Ayon kay Las Piñas Police Chief Boyet Samala, dakong 6 a.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang target na bahay para magsilbi ng search warrant ngunit agad silang sinalubong ng mga putok. Sa pagsiklab ng barilan, napuruhan ang suspek na …
Read More »12-anyos nakabingwit ng higanteng hito
NABINGWIT ng 12-anyos na si Lawson Boyte ang record-setting na 114.1 librang hito mula sa Mississippi river. Ayon sa batang mula sa Oak Grove, Louisiana, “Tinitingnan ko lang para ayu-sin iyong bingwit ko at nang hatakin ko, may bumaltak pabalik sa ilog.” Sa kabila na tumitimbang lang si Boyte ng 100 libra, nagawa niyang hanguin mula sa ilog ang dambuhalang …
Read More »Amazing: ‘Karibal’ ni Barbie inilunsad
INILUNSAD na ang ‘average-sized’ doll na si Lammily na inaasahang magiging karibal nina Barbie at Cindy. (ORANGE QUIRKY NEWS) MAAARI nang mabili ang ‘average-sized’ doll na inaasahang magiging kakompetensiya nina Barie at Cindy, makaraan ang matagumpay na crowdfunding campaign. Nagdesisyon si Nickolay Lamm, 25, mula sa Pittsburgh, na lumikha ng manika base sa ‘measurements’ ng average 19-year-old American woman. Nakapag-ipon …
Read More »Feng Shui: 6 crystal balls magpapalakas sa enerhiya
ILAGAY ang crystals sa bowl o ano mang magandang container na yari sa earth material, katulad ng clay, porcelain o ceramics. DAHIL ang crystal at stones ay kumakatawan sa earth feng shui element energy, ang 6 crystal balls feng shui cure ay maaaring gamitin sa erya ng bahay o opisina na maaaring makinabang sa earth element. Mahalagang maunawaan ang …
Read More »Ang Zodiac Mo (Nov. 25, 2014)
Aries (April 18-May 13) May darating na balita kaugnay sa hindi mo inaasahang break sa career. Taurus (May 13-June 21) Kung ikaw ay bibiyahe sa eroplano, asahan ang posibleng delays, lost baggage o masamang panahon. Gemini (June 21-July 20) Aktibo ang iyong subconscious mind ngayon. Maaaring ikaw ay may kakayahan sa paghuhula. Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi ito ang mainam …
Read More »Panaginip mo, Interpret Ko: Eroplano nag-landing sa tulay (2)
Maaari rin namang nagpapahiwatig ang bungang-tulog mo ng patay o naaagnas na sitwasyon o isyu na dapat harapin. Posibleng paalala rin ito sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang tapusin ang ganitong sitwasyon o relasyon. Kapag nanaginip ng ukol sa eroplano, ito ay may kaugnayan sa pagkagapi o pag-overcome ng mga balakid sa buhay at pag-angat sa bagong …
Read More »It’s Joke Time
Rap: Oy, ba’t nag-kagulo sa bahay ni Joey kanina? Rex: Kasi nakahuli si Joey ng one-foot long na alupihan. Rap: One-foot daw, sira! Meron bang alupihan na iisa ang paa? ***** Rap: Oy, pare, ba’t mukhang asar ka? Rex: Kasi napanaginipan ko kagabi na nasa Miss Philippines contest ako at pinaligiran ng mga seksing Filipina. Rap: Anong nakakaasar do’n? Swerte …
Read More »Mahal Kita pero… (Ako’y Isang Aswang) (Ika-11 Labas)
NAKALIGTAS SI NANAY MONANG SA MGA KABARANGAY PERO UMAYAW NANG INAYANG MAGPADOKTOR “Di po ba’t nu’ng gabing maganap ang sinasabi n’yong paglapa ng aswang sa mga alaga n’yong hayop ay ‘di naman kabilugan ng buwan? Paano po ‘yan?” pagtatanong pa ni Gabriel sa matandang lalaki. Natigilan ang kausap ng aking nobyo. Isa man sa mga naroroon ay wala na na-mang …
Read More »Rox Tattoo (Part 24)
PLANADO NA LAHAT KINA ROX AT DADAY PATI ANG KASAL PERO MAY PATAWAG SI MAJOR Doon sila nagsama ni Daday. Nagpundar siya ng kanilang mga gamit. Isa-isa niyang inihanda ang mga bagay na kakailanganin nila sa pagpapakasal. Pati na siyempre ang pagdedekoras-yon sa simbahan at salaping gagastusin sa reception. “Handang-handa na ang lahat,” pagmamalaki niya kay Daday. “At ngayon pa …
Read More »Sexy Leslie: Nasugatan ang ari
Sexy Leslie, Bakit po nasugatan ang ari ko at sobrang hapdi matapos makipag-sex sa partner ko? 0921-2143732 Sa iyo 0921-2143732, Siguro dahil hindi ka pa man totally wet ay ipinasok na ng partner mo ang kanya, talagang ang labas niyan, nagkakaroon ng gasgas ang iyong vaginal wall na nagiging sanhi ng paghapdi. Next time, tell your partner to be …
Read More »Pacquiao look-alike tinibag ni Shiming
BUKOD kay eight-division world champion Manny Pacquiao, nanggulpi rin ang isa pang matikas na bagong alaga ni Freddie Roach na si two-time Olympic Gold medalist Shou Shiming noong Linggo. Bago binugbog ni Pacquiao si Chris Algieri at talunin via unanimous decision ay nanaig din ang pambato ng China na si Shiming laban sa ka look-alike ni Pacman na si Kwanpichit …
Read More »Taha masaya sa panalo ng Purefoods
ISANG sorpresa para sa Purefoods Star Hotdog ang impresibong laro ng back-up center na si Yousef Taha noong Linggo. Naging bayani si Taha sa 77-74 panalo ng Hotshots kontra Meralco sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna, dahil sa anim na krusyal niyang puntos sa huling dalawang minuto upang iakyat ang kanyang koponan sa ika-apat na panalo kontra sa tatlong …
Read More »La Salle, FEU, Ateneo, UST nakauna ng panalo (UAAP Women’s Volleyball)
TINALO ng dating kampeong De La Salle ang Adamson University, 25-23, 24-26, 25-14, 25-17, upang maiposte ang una nitong panalo sa UAAP Season 77 women’s volleyball tournament noong Linggo sa The Arena sa San Juan. Nagtala si dating Most Valuable Player Ara Galang ng 27 puntos mula sa 14 na supalpal at walong digs upang pangunahan ang Lady Spikers sa …
Read More »Sadorra bumabanat sa UT Dallas Chess
BUMANAT ng dalawang sunod na panalo at isang draw ang sinulong ni Pinoy grandmaster Julio Catalino Sadorra upang makisalo sa second to 10th spot matapos ang round four ng 2014-UT Dallas Fall Fide Open Chess sa Texas, USA kahapon. Tabla ang laban ni US-based Sadorra kay GM Andrey Stukopin (elo 2556) ng Russia matapos ang 22 moves ng Queen’s Gambit …
Read More »RoS kontra NLEX
PAKIKISALO sa Alaska Milk sa itaas ng standings ang hangad ng San Miguel Beer sa pakikipaghamok kontra Globalpot sa PBA Philippine Cup mamayang 4:15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ikaapat na sunod na panalo naman ang Target ng Rain Or Shine kontra NLEX sa ikalawang laro sa ganap na 7 pm. Ang Beermen at may 6-1 record …
Read More »Kim Chiu, naiyak; Vice, pinasalamatan si Willie (ABS-CBN, kumamada ng 34 tropeo; GMA 12 lang)
ni Roldan Castro STAR studded ang naganap na 28th PMPC Star Awards for TV na dinaluhan nina Coco Martin, Richard Yap, Vice Ganda, Boy Abunda, James Reid, John Estrada, Jose Manalo, Toni Gonzaga, Nash Aguas, Maja Salvador, Ruffa Gutierrez, Michael V , Vicky Morales, Rufa Mae Quinto, Sunshine Cruz, Yasmien Kurdi atbp.. Iginawad naman ang kauna-unahang German Moreno Power Tandem …
Read More »Movie nina Ate Vi at Angel, heavy drama at pang-Mother’s day presentation ng Star Cinema
PARA sa forever supporters ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay muli siyang mapapanood sa pelikula kasama si Angel Locsin sa susunod na taon mula sa Star Cinema. At kung hindi kami nagkakamali ay pang-Mother’s Day presentation daw ito, sabi ng Star for All Seasons. Heavy drama ang nasabing pelikula dahil may sampalan daw sina Ate Vi at Angel kaya’t natanong …
Read More »Luis, umayaw sa pelikula
Supposedly ay kasama pala si Luis Manzano sa pelikula nina Ate Vi at Angel pero umayaw daw ang binata. “Originally talaga kaming tatlo, parang ang anak ko, ayaw niya na ibebenta (ipo-promote) ‘yung relationship nila ni Angel. Masyadong malaki ang respeto ni Lucky sa relationship nila ni Angel, ayaw niyang ma-commercial. Ayaw niya na baka mapaglaruan, so it’s the respect. …
Read More »Mother Lily, makikisosyo sa Star Cinema
Samantala, natanong naman si Mother Lily Montevedre na katabi ni Governor Vilma at siyang nagpa-presscon kung bakit hindi niya ipinagpo-produce ng pelikula ang Star for All Seasons. Natawa muna ang lady producer, “It’s hard for me to say this, I always talk to Malou Santos (Star Cinema managing producer), sabi ko, ‘Malou, pagbigyan mo naman ako, gusto kong magsosyo’. Sana, …
Read More »