This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino ang nasa death row sa Indonesia dahil sa pagpuslit ng ilegal na droga.
Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Indonesia upang iapela ang kaso ng Pinoy.
Sa kanilang koordinasyon sa defense lawyer, naihain na ang formal application for judicial review noon pang Enero 19 sa District Court of Justice Sleman Yogyakarta.
Lahat aniya ng ayuda lalo sa judicial process ay ipinagkakaloob ng pamahalaan para sa nasabing kababayan.
Nakausap na rin ng DFA ang mga kaanak ng Filipino.