This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAGA CITY – Arestado ang isa sa itinuturing na high ranking official ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na may patong-patong na kaso.
Kinilala ang suspek na si Reynaldo Hugo, tubong Bato, Camarines Sur, gumagamit ng 10 iba’t ibang alyas at kilala rin sa kanyang codename na Karding.
Ayon kay Lt. Col. Sisenando Magbalot, tagapagsalita ng 9th Infantry Division (ID) Philippine Army, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng pinag-isang pwersa ng mga sundalo at Philippine National Police sa Brgy. Gulod, Cabuyao, Laguna.
Si Hugo ay miyembro ng executive committee (EXECOM) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) at ng Regional Operational.
Dinakip siya sa bisa ng warrant of arrest para sa patong-patong na kasong kinabibilangan ng 5 counts of murder, multiple murder, multiple frustrated murder, attempted homicide, arson at frustrated murder.
Nabatid na si Hugo ang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Private First Class Larry Magalong noong 2011 sa bayan ng Labo, Camarines Norte, at ang kanyang grupo ang umatake sa bayanihan team sa Brgy. Maot sa nasabing bayan na ikinamatay nina Cpl. Amado Perillo, Jr., PFC Paulo Orticio, PFC Teodoro Ojeda, Jr., isang sibilyan at pagkasugat ng isa pa.