Tuesday , December 7 2021

Lagon Hari sa 3rd eliminations ng World Slasher Cup (2015 World Slasher Cup 8-Cock Inv’l Derby)

082914 Sabong manok

Walang hirap na nilusutan ni Engr. Sonny Lagon ang huling araw ng eliminasyon sa 2015 World Slasher Cup sa Smart Araneta Coliseum. Nagtagumpay siya sa lahat ng apat na laban sa pamamagitan ng kanyang mga entry na BlueBlade RJM-1 at BlueBlade RJM-3 na nagpakawala ng kanyang mga sikat na sweater crosses, Machine Kelsos at ang malalakas n Joe Good Greys.

Determinado naman si Gov. Eddie Bong Plaza na depensahan ang kanyang titulo bilang World Slasher champion. Kaya naman siniguro niyang pasok pa ang dalawang entry sa kanyang listahan ng 2-pointers. Samantalang si Gerry Ramos, gamit ang mga manok ni Mayor Nene Aguilar, ay muli na namang nakapasok sa winners’ circle.

Wala ring talo at may tig-2 puntos na sina Ramon Montiero, Col. Echeveria, Buddy Robregado, Cong. Amante, Jack Chung, Abelardo Balota, Chito Umali, Atty. Art de Castro, Ferdie Eusebio, Frank Berin, Jet at Joel Fernando, Cano Daniel, Boni Salguet, Michael Masburn, William Mamba, Butch Cambra, Rhemy Medrano, Jess Muradaz, Ka Ador Pleyto at Jessymin Raquid.

Kahapon ay muling dumagundong ang Big Dome para sa ikalawang round ng semifinals. Sumalang dito ang 80 sultada na may layong makaabot sa 4-cock grand finals.

About hataw tabloid

Check Also

Luke Walton Alvin Gentry

Coach Luke Walton tinanggal ng Sacramento Kings

NA-PROMOTE si Sacramento Kings associate head coach Alvin Gentry sa interim head coach pagkaraang sipain …

Conor McGregor

Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022

NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot   …

Denice Zamboanga Drex Zamboanga

Denice, Drex Zamboanga magbabalik-Pilipinas

MAGBABALIK sa bansa  si Filipina ONE Championship Atomweight Denice “Lycan Queen” Zamboanga pagkaraan ng mahaba-haba …

Miguel Leon Tyson Mike Tyson

Anak ni Iron Mike gustong lumaban sa England

IPINAKITA ni Miguel Leon Tyson, anak ng pamosong dating heavyweight champion Iron Mike Tyson, ang …

Kamaru Usman Canelo Alvarez

UFC’s Usman gustong makaharap sa ring si Canelo

INULIT ni UFC welterweight champion Kamaru Usman ang matindi niyang hamon kay super middleweight boxing …

Leave a Reply