ANG ginawang pagmasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa ating mga pulis ay sapat nang dahilan para itigil ang pagpasa ng kongreso sa Bangsamoro Basic Law (BBL) sa-pagkat malinaw pa sa sikat ng haring araw na wala silang respeto sa ating republika at awtoridad. Tama ang desisyon ni Senador Ferdinand Marcos Jr. na itigil ang pagdinig sa BBL hangga’t walang makabuluhang paliwanag ang MILF. Kailangang magbayad nang mahal ang mga kriminal na gumawa ng kalapastanganan sa ating mga pulis. Walang palusot mula sa MILF ang magbibigay katarungan sa kalupitan nilang ipinamalas sa ating mga pulis.