Human trafficking rumaragasa sa Iloilo Airport (Paging: SOJ Leila de Lima)

bangeles iloiloTALAMAK ngayon ang salyahan at palusutan diyan sa Iloilo airport. Ayon sa ating Bulabog boy, dito raw ngayon dumaraan ang mga pasahero na kadalasan ay na-o-offload sa tatlong terminal ng NAIA.

Tinatayang Bente hanggang trenta pasahero ang dumaraan araw-araw sa nasabing airport kaya kung susumahin sa benteng pasahero na lang na handang magbayad ng 30K makalabas lang ng bansa, maliwanag na 600K everyday ang take home ng mga sinasabing players na mahilig magpalusot sa Iloilo airport.

Aba parang tumatama pala sa lotto araw-araw ang diskarte ng mga hinayupak?! Hindi pa kasama riyan ang mga parating na Bombay at mga tsekwa at mga blacklisted na foreign nationals!

Ano naman kaya ang gagawing aksyon ng pakaang-kaang ‘ata na Immigration Comm. Fred Mison kung mapatunayan na totoo lahat ang mga nasabing impormasyon!?

Mas maganda siguro kung umpisahan na ang imbestigasyon bago na naman sumambulat ang balita sa mata ng iba pang kritiko.

Any comments I/O Bangeles of BI-Iloilo?