This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang 35-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang nakatayo sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Virgilio Avelino, residente ng Phase 4G, Package 6, Block 13, Lot 2, Brgy. 176 Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na sina Joey Cadena at George Bandillo, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, dakong 10 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.
Naninigarilyo ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang suspek at siya ay pinagbabaril saka mabilis na tumakas.
Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpaslang.