ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY kaabang-abang na namang sorpresa si Senadora Imee Marcos, talagang it’s the most wonderful time of the year at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog niya na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na YouTube channel sa Disyembre 23. Kaya naman libo-libong Imeenatics at netizens ang mga naghuhulaan kung tungkol saan ang content. …
Read More »ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services namahagi ng biyaya
AABOT sa 400 katao ang nabiyayaan ng pamasko mula sa ALEE Rendering Facility at SLSJ Trucking Services sa pamamagitan ni Solomon “Ka Sol” Jover, kasama sina Emmanuel Guma Felix, Annie Villano, at Edna Bernardo na halos tradisyon na at taon-taon ang pamamahagi ng biyaya gaya ng bigas, groceries, at cash upang maging masaya at may mapagsaluhan sa araw ng Pasko …
Read More »Nadine positibong marami ang magtutungo ng mga sinehan para manood ng MMFF entries
HINDI raw talaga planong isali ang pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre, ang Deleter ng Viva Films kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng aktres nang makapasok sa Metro Manila Film Festival 2022. Ayon sa mahusay at awardwinning actress, “I’m really looking forward to see ‘Deleter.’ Nakatutuwa rin na this time around, I will see myself again on the big screen. Sobrang excited akong makita ang pelikula namin.” …
Read More »
Sa Olongapo
CARETAKER NG LUPA NATAGPUANG PATAY
TINITINGNAN ng mga awtoridad ang posibleng foul play sa pagkamatay ng isang caretaker sa Brgy. Sta. Rita, lungsod ng Olongapo, nitong Lunes, 19 Disyembre. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na mayroong mga sugat sa bandang kilikili ang biktimang kinilalang si Jonathan Hadley, 47 anyos, natagpuang wala nang buhay sa lupaing kanyang binabantayan. Ayon sa mga imbestigador, nakatanggap sila ng impormasyon …
Read More »
Sa pagbaha at landslides
DAAN-DAANG RESIDENTE SA BICOL INILIKAS
INILIKAS ng mga lokal na opisyal ang hindi bababa sa 127 pamilya o 417 katao patungo sa mga evacuation center sanhi ng patuloy na pag-ulan mula noong Linggo, 19 Disyembre, ilang insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa ang naiulat sa rehiyon ng Bicol. Ayon kay Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol, naiulat ang …
Read More »P2-M halaga ng ari-arian natupok sa sunog sa Ifugao
TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumagal nang dalawang oras sa isang tindahan ng muwebeles at dalawang bahay sa bayan ng Lagawe, sa lalawigan ng Ifugao nitong Lunes ng gabi, 19 Disyembre. Nabatid na sumiklab ang apoy sa tindahan ng muwebles sa Brgy. Cudog dakong 11:00 pm na kalaunan ay kumalat sa mga katabing …
Read More »Mindmovers Team A naghari sa Pacquiao chess tilt
MANILA — Pinagharian ng Mindmovers Team A ang katatapos na Maharlika Pilipinas Chess League’s Manny Pacquiao International Open Chess Festival Side Event (Team 3 on 3). Nasa gabay nina Mr. Van Lanuza, Mr. Rafael Ansay, at Engr. Mark Oliver Ingcad, ang Mindmovers Team A na binubuo nina International Master Eric Labog, Jr., Jay Troy Teves, at Jan Clifford Labog ay …
Read More »Gold sa criterium event si Maritanya Krog
VIGAN CITY – Pamilya ng mga siklista, pinadyak nina Emmanuel Arago at Maritanya Krog ang gold medal sa criterium event ng PSC – Batang Pinoy National Championships – Cycling na nagsimula at nagtapos sa Provincial Capitol Diversion Road, Ilocos Sur. Naghari ang 13-anyos na si Arago ng Batangas City sa Boys Under 13 matapos irehistro ang 36 minuto at 05 …
Read More »Fernandez, Magbojos humakot ng gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy
ILOCOS SUR – Humakot ng gintong medalya sina Jathniel Caleb Fernandez ng Baguio City at Adrianna Jessie Magbojos ng Sta. Rosa sa Archery sa Philippine Sports Commission – Batang Pinoy na ginanap sa San Ildefonso, Central School. Tig-limang gold medal ang pinana ng 9-anyos na si Fernandez at Magbojos sa Under 10 Boys at Girls sa event na suportado ng …
Read More »
Dalawang gabing nanguna sa Twitter trend list
MGA BAGONG PALABAS SA ABS-CBN, IPINAKITA SA TRENDING CHRISTMAS SPECIAL
PATULOY ang ABS-CBN sa paglikha ng mga dekalidad at makabuluhang mga palabas sa susunod na taon matapos nitong ipakita ang mga dapat abangang bagong show sa 2023 noong Linggo (Disyembre 18) sa trending na Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: ABS-CBN Christmas Special 2022. Ipinasilip ng kompanya ang anim na bagong serye na dapat abangan, kasama na rito ang Dirty Linen na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, …
Read More »Asawa ni Andrew Schimmer pumanaw na
SUMAKABILANG-BUHAY na ang asawa ni Andrew Schimmer na si Jhoromy Rovero kahapon ng gabi matapos ang isang taong pakikipaglaban sa sakit na hypoxemia. Si Andrew ang naghayang ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang video post sa kanyang Facebookaccount. Lahad ni Andrew, nasa taping siya ng Family Feud Philippines ng GMA7 nang makatanggap ng tawag mula sa mga doktor sa ospital dahil bigla raw nawala ang blood pressure …
Read More »Anne Curtis balik-acting sa 2023
MATAPOS ang panganganak at pagtutok sa pag-aalaga ng unica hija nila ni Erwan Heussaff kay Dahlia, balik-acting na si Anne Curtis. Kinompirma ito mismo ni Anne noong Monday sa kanyang fans bilang tatlong taon na rin naman siyang nawala sa paggawa ng pelikula. Isang fans kasi ang nag-request kay Anne na magbalik-drama na ito. Isinama ng fan ang screenshots ni Anne sa Magpasikat number niya sa It’s Showtime na …
Read More »DonBelle magsasama sa isang teleserye
KASUNOD ng tagumpay ng kanilang launching project sa small at big screen, magsasama sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa kanilang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN. Sa pahayag ng ABS-CBN pangungunahan ng DonBelle ang cast ng Can’t Buy Me Love. “Abangan ang first-ever teleserye ng ‘New Gen Phenomenal Love Team,’” ayon sa trailer na ipinakita sa isinagawang Christmas special. Ang Can’t Buy Me Love ang magsisilbing latest career milestone ng DonBelle bilang …
Read More »Julia gustong makatrabaho si Ate Vi
PAGKATAPOS maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano mas madalas mapapanood si Julia Montes pagdating ng 2023. May kasunod agad kasing project ang aktres na tiyak ikatutuwa ng fans niya. Ang tinutukoy namin ay ang action film na Topakk na sobrang ikina-excite ni Julia. “Siguro ang maise-share ko lang sa buong pagfi-film ko ng movie, na-inspire ako to work ulit. ‘Yun ‘yung parang naging dating sa akin …
Read More »Bagong set ng The Voice Kids coach ipinakilala
MAGBABALIK ang Rock icon na si Bamboo sa upcoming season ng The Voice Kids sa 2023 at makakasama niya ang dalawang bagong coach sa pagme-mentor ng mga future singing champion. Si Bamboo, ay original coach ng programa simula nang ito’y mag-umpisa noong 2013 sa kanilang adult edition, at muling sumubok na magwagi sa Kids edition mula nang magwagi mula sa kanyang kuwarda si Elha Nympha noong 2015. …
Read More »Ilang tagpo sa Teen Clash ipinasilip: Jayda, Aljon, Markus bibida
INI-RELEASE na ng ABS-CBN ang first glimpse ng Teen Clash, isang adaptation mula sa popular na Wattpad novel at magtatampok kina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at Markus Paterson. Isang teaser ng Black Sheep production ang ipinakita noong Linggo kasabay ng pagpapakita ng Christmas special ng ABS-CBN. Kasama ito sa omnibus trailer ng Kapamilya titles na dapat abangansa 2023. “Ang well-loved online novel, isa nang iWantTFC teen series. …
Read More »
John Prats, direktor ng two-part special sa ikatlong pagkakataon
STAR-STUDDED ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL, NAGPALIGAYA SA MGA FILIPINO
DALAWANG gabi na puno ng musika, pag-ibig, at ligaya ang naghintay sa bawat pamilyang Filipino dahil ipinalabas na ang Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022 noong Disyembre 17 at 18. Ang 2022 ABS-CBN Christmas Special ay may temang pasasalamat sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon at pagbibigay-pugay sa Panginoon, pamilya, kaibigan, at sa komunidad na pinagkukunan natin …
Read More »Heaven inaming posibleng ma-fall kay Ian… kung binata ito
HINDI kataka-taka kung hindi napigil ni Heaven Peralejo na sabihing hindi imposibleng ma-fall siya kay Ian Veneracion. Magkasama ang dalawa sa Nanahimik Ang Gabi, entry ng Rein Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2022 at idinirehe ni Shugo Praico. Ani Heaven, nakikita niya sa aktor ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki na boyfriend at husband material. “With all the qualities that he have, I think kung binata …
Read More »Globe, Kumu magkaisa sa #UniteVsHunger ng The Hapag Movement
MASAYANG sinalubong ng Globe sa pakikiisa ng Kumu, ang pinakamalaking Pinoy social entertainment app, bilang pinakabagong partner para sa Hapag Movement. Ang pagsasanib-puwersa ay nagmarka sa Hapag Movement’s bilang kauna-unahang official digital platform collaboration na makapagbibigay ng dagdag na channel para sa #UniteVsHunger campaign na makatutulong itaas ang kaalaman ukol sa food insecurity at para mas maging madali sa publiko na …
Read More »Angelica Cervantes, misteryosang sex worker sa An Affair to Forget
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG at exciting na pelikula ang An Affair to Forget na mapapanood sa Vivamax Original Movie, simula December 23, 2022. Tampok dito sina Sunshine Cruz, Allen Dizon, Karl Aquino, & Angelica Cervantes, at mula sa direksiyon ni Louie Ignacio. Ukol ito sa isang napariwarang anak, at isang asawang nandiyan pero parang wala, ito ang araw-araw …
Read More »Star Magic workshops sasabak sa unang Hybrid Workshop sa Canada
SA pagtatapos ng 2022, sasabak sa isang hybrid face-to-face workshop sina Direk Rahyan Carlos kasama ang kanyang coaches at mentorssa Toronto, Canada sa pakikipagtulungan kina Ms. Rechelle Everden at Mr. Chalen Lazerna ng AMP Studios Canada—ang opisyal na partner ng ABS-CBN’s Star Magic for Acting, Voice and Dance Workshops sa Canada. Series ng face-to-face workshops para sa Acting and Voice ang gaganapin sa December 14 at 15. Sinimulan na …
Read More »Parada ng mga Artista gagawin sa Dec 21
I-FLEXni Jun Nardo SANIB-PUWERSA ang pamunuan ng MMDA at bahagi ng 2022 Metro Manila Film Festival para masigurong mas maraming tao ang mahikayat nila upang pasukin ang sinehan sa December 25, ang simula ng festival. Nakipagsaya rin ang mga opsisyales sa media, at may pa-raffle na ngayong lang muling ibinalik ngayong maluwag na ang restrictions. Wala naman silang ambisyon na maging P1-B ang kita ng …
Read More »Driver ng truck nalito traffic enforcer binangga, patay
HINDI na nadala sa ospitalatagad namatay ang isang 44-anyos traffic enforcer nitong Martes ng hapon, 13 Disyembre, nang masagasaan ng truck sa bayan ng Carmona, lalawigan ng Cavite. Ayon sa ulat mula sa PRO-4A PNP nitong Miyerkoles, 14 Disyembre, nakatayo ang biktimang si Sammy Osena sa gilid ng highway sa Brgy. Maduya, sa nabanggit na bayan, dakong 1:30 pm nang …
Read More »
Lumihis paglapag sa Batanes runway
EROPLANO NAPINSALA, SANGGOL, PASLIT, 2 PILOTO, 3 PA LIGTAS
LUMIHIS ang isang light aircraft, may sakay na limang pasahero kabilang ang isang sanggol at 2-anyos paslit, sa nag-iisang runway ng bayan ng Itvatan, lalawigan ng Batanes, nitong Miyerkoles ng umaga, 14 Disyembre. Lumapag ang maliit na eroplanong pag-aari ng Fliteline Airways, dakong 8:01 am nang mawalan ng kontrol sa kaliwang preno. Ang eroplano ay nasa pangangalaga nina Captain Adrian …
Read More »
Sa Sultan Kudarat
ANAK NG ALKALDE, EMPLEYADO TODAS PAMAMARIL
DALAWA katao ang namatay kabilang ang anak ng alkalde, habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng pamamaril sa bayan ng Lutayan, lalawigan ng Sultan Kudarat, nitong Martes ng gabi, 13 Disyembre. Kinilala ni P/Capt. Leonel Delasan, hepe ng Lutayan MPS, ang mga biktimang sina Datu Naga Mangudadatu, 30 anyos, anak ng alkalde ng Lutayan; at Dennis Hadji Daup, …
Read More »