Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Coco Martin Robin Padilla Lito Lapid

Sen Bong tuloy pagtulong sa industriya: Pelikula kasama sina Coco, Robin, at Lito tuloy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UMAASA si Sen. Bong Revilla na matutuloy ang pelikulang binabalak na pagsamahan nila nina Coco Martin, Sen. Robin Padilla, at Sen. Lito Lapid.

Humarap ang re-electionist na si Sen Bong noong Sabado, May 1, sa entertainment press bago sumabak sa ratsadang kampanya para sa 2025 mid-term elections sa Mayo.

At siyempre sa pagharap ng senador naurirat ito ukol sa mga plano niya bilang aktor at sa muling pagtakbo sa Mayo. Bagamat ayaw niyang pagtuunan ng pansin o pag-usapan ang politika, hindi nakaiwas ang senador lalo’t may konek din naman sa showbiz ang mga tanong ukol dito.

Limampu’t dalawang taon na ang senador sa showbiz at 30 taon na bilang public service. Marami na siyang naiambag at naitulong sa showbiz. Nagpapasalamat din ang senador na patuloy siyang sinusuportahan ng taumbayan. Ramdam niya ang pagmamahal ng tao sa mga naging pag-iikot niya nitong nakaraang pagsisimula ng official campaign period.

Natutuwa si Sen Bong o Tolomeee na madalas itawag sa kanya sa pag-iikot, na na-appreciate ang mga makabuluhang batas na naipasa niya lalo na nitong kasalukuyan niyang termino sa Senado katulad ng “Kabalikat sa Pagtuturo Act” (RA 11997), “Expanded Centenarians Act” (RA 11982), “Free College Entrance Examination Act” (RA 12006), “No Permit, No Exam Policy Prohibition Act” (RA 11984), at ang “Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act” (RA 11909).

Natanong si Sen Bong kung may solusyon pa ang patuloy na paghina ng pelikula sa takilya. Anang veteran actor-lawmaker, global phenomenon ito at hindi lang sa Pilipinas nangyayari. “Kailangan talaga maganda ang pelikula para humatak ng manonood at hindi aantayin na lang sa streaming o online.”

Sinabi pa ng aktor na, dapat mag-adjust ang industriya at pag-aralan kung paano mapapanatili ang viability ng pelikula, tulad ng pagbibigay ng incentives sa mga producer lalo na sa maliliit na kompanyang hirap makapasok sa sinehan.

Ukol naman sa Eddie Garcia Law na sinasabing nakasasakal o nagpapahirap lalo na sa mga prodyuser,  aminado itong nangangapa pa ang industriya. Pero aniya, naniniwala siyang makakasanayan din ito at magiging kapaki-pakinabang sa buong industriya. “Naniniwala ako na it is for the industry as a whole at hindi lang sa mga manggagawa.”  

Sinabi pa ni Tolomeee, sa Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na co-produced ng Imus Production, napatunayan niyang posible ang compliance ng hindi nasasakripisyo ang kalidad ng proyekto.

Usap-usapan din ang panukalang palawakin ang sakop ng MTRCB para masaklaw ang online at streaming content.  

“Hindi kasi tama na ‘yung mga online at streaming ay kung ano-ano na lang ang pwedeng ipalabas kahit hindi ito tumatalima sa kagandahang-asal, values, at kultura ng bansa,” giit ng aktor/politiko.

At sa tanong kung dapat na bang ipahawak ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga taga-showbiz industry, bukas si Bong sa ideang ito. “Pwede namang i-privatize na ‘yang MMFF para ang industriya na ang magdaos nito. In fact, sa tingin ko, wala namang hadlang na gumawa ng film festival ang industriya. Pero kapag ganyan, no government funds can be used for the purpose.

Pinag-aaralan din niya kung maaaring hikayatin ang Film Development Council of the Philippines(FDCP) na magtayo ng sariling film festival bilang alternatibo.

Ukol naman sa plano niya pagtapos ang eleksyon, public service ang priority niya, pero kung magkakaroon ng extrang oras at pagkakataon, gusto niyang tapusin ang naudlot niyang pelikula at isulong ang Season 4 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. 

Let’s cross the bridge when we get there,” ani Sen. Bong.

At sa pelikula nila nina Coco, Robin, at Lito, umaasa siyang matutuloy iyon. 

Iginiit din niyang hindi totoo ang tsikang ayaw niyang idirehe siya ni Coco dahil nai-starstruck daw ito sa kanila.

Tugon ng senador, “Ay, hindi naman totoo ‘yun,

“Hindi naman siya ang magdidirehe niyon, eh.”

Si Coco, mabait na bata, mabait. Alam ko, malaki ang naitutulong niya sa mga kasamahan natin sa industriya.”

Ayan, malinaw na ha at tigilan na ang pang-iintriga. Knowing Sen Bong and Coco for sure ang laging kapakanan ng industriya ang uunahin nila. At nakatitiyak tayong hindi titigil si Sen. Bong sa paghahatid ng “Aksyon sa Tunay na Buhay.” 

In fact, isa siya sa labis na kinagigiliwan ng mga kababayan natin, bilang lingkod-bayan at bilang artista.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …

NHA SJDM

Modernong Panunuluyan: Maralita naghahanap pa rin ng matatag na tahanan

MAHIGIT 500 maralitang residente at mga tagapagtanggol ng karapatang pantirahan ang nagmartsa patungong National Housing …

Brian Poe Llamanzares 2

Rep. Brian Poe nanawagan ng masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod

QUEZON CITY — Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe, PhD, MNSA ang …

Goitia Bongbong Marcos BBM

Goitia: Pagtulak ni Pangulong Marcos sa Matapang na Reporma at Panibagong Pamumuno sa Gobyerno

Sa panahong muling sinusubok ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos …

120925 Hataw Frontpage

9 ex-PNP officials 100 taon kulong sa AK-47 rifle scam

HATAW News Team PINATAWAN ng Sandiganbayan ng sentensiyang makulong ng 100 taon si dating Philippine …