Thursday , June 4 2026
Donation Box

Simbahan sa Munti nilooban  
LIMOS NA P50K NILIMAS NG 2 MENOR-DE-EDAD

NILIMAS ng dalawang binatilyong edad 14 at 18 anyos ang P50,000 limos o donasyon sa isang simbahang Katoliko, sa lungsod ng Muntinlupa, kasama ang dalawang cellphone, nitong Sabado ng gabi, 1 Marso.

Ayon sa Muntinlupa CPS, naganap ang insidente ng pagnanakaw dakong 9:00 ng gabi kamalawa, sa Parish Office ng St. Peregrine Laziosi Parish, sa National Road, Brgy. Tunasan, sa nabanggit na lungsod.

Nadiskubre ito ng isang kahera ng simbahan dakong 4:30 ng madaling araw nitong Linggo, 2 Marso, saka iniulat sa guwardiya at sa Muntinlupa CPS.

Natuklasan ng guwardiya na sinira ang kandado ng main door ng Parish Office pati ang kandado ng donation box na naglalaman ng pera.

Nabatid sa imbentaryong ginawa ng simbahan na P50,000 donasyon at dalawang cellphone ang nawawala.

Nang balikan ang kuha ng CCTV, makiktia ang dalawang Kabataang responsable sa insidente ng nakawan – parehong nakasuot ng itim na kamisetang mahaba ang manggas, ang isa ay naka-facemask at ang isa ay may hood.

Nagsagawa ng manhunt operation ang Muntinlupa MPS na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek sa Soldiers’ Hills Village, sa Brgy. Putatan, kung saan narekober ang P50,000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …