Tuesday , January 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

China, ‘nakikinabang’ sa sistema ni Chiz — Calleja

022625 Hataw Frontpage

Hataw News Team

NANINIWALA si Atty. Howard Calleja, professor ng batas sa Ateneo at La Salle na mistulang ‘nakikinabang’ ang China sa pahayag at pamamaraan ni  Senate President Francis “Chiz” Escudero sa paghawak sa impeachment complaint na isinumite sa senado laban kay Vice President Sara Duterte.

“Any delay in the impeachment protects VP Sara and weakens the administration’s political position against the Dutertes. For as long as the Dutertes remain politically strong, China will have a foot in our political door,” ani Calleja.

Aniya, maaaring mayroong dahilan si Escudero upang manimbang kabilang ang kanyang magiging relasyon sa kasalukuyang administrasyon,  upang mapanatili ang kanyang puwesto, ngunit ang pagkaantala ay hindi nagpapakita ng pagsisilbi sa bayan kundi sa ikalawang pangulo, sa mga Duterte at sa kanyang sarili.

Magugunitang ilang mga grupo at personalidad na ang nanawagan at humimok kay Escudero na sundin ang isinasaad ng Konstitusyon base sa salitang “forthwith” o agarang mag-convene ang mga senador bilang impeachment court sa sandaling natanggap nila ang reklamo mula sa mababang kapulungan ng kongreso noong 5 Pebrero ng taong kasalukuyan.

Ngunit, mas agarang nag-adjourn ang sesyon ng senado, isang oras matapos nilang matanggap ang  reklamo gayong mayroon pang hanggang 7 Pebrero ang kalendaryo ng lehislatura.

“It is unfortunate that one man has shifted the discussion to legal procedures instead of the issues of corruption and other high crimes,” dagdag ni Calleja.

Iginiit ni Calleja, ang masamang politika ay muling nakaaapekto sa batas kasunod ng pagsasabing: “nararapat ang mas mabuti para sa mga tao.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Sakit at kati ng lalamunan mula pa noong December kailangan ng alagang Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Ako po …

Villa Kabila Cádiz Spain

Kongresista nabuking sa pag-aaring multi-milyong dolyar na bahay

NABUKING ng investigative report ng  Rappler si Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez …

Lito Banayo Martin Romualdez Toby Tiangco

Lito Banayo pinuri katapatan ni Tiangco vs Romualdez

PINURI ng dating kinatawan ng Filipinas sa Taiwan at beteranong political strategist na si Lito …

ACE Store Opens at Baliwag Bulacan

Asia’s Biggest ACE Store Opens at Baliwag, Bulacan 

A new benchmark in home and building retail is set to begin on January 16, …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

30% OFF sa KRYSTALL HERBAL OIL 500 ML

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Ang promo …