Wednesday , January 8 2025

hataw tabloid

Police scalawags timbrado na

INIUTOS ni Interior and Local Government Secretary Ismael Mike Sueno, ang pag-aresto sa police scalawags na sangkot sa criminal activities. Sinabi ni Sueno, may natitiktikang mga tiwaling pulis at sa susunod na mga araw ay magkakaroon ng mga resulta. Mahigpit ang bilin ng kalihim, nais niyang sa loob ng isang linggo ay magkaroon nang magandang resulta at may mahuhuling police …

Read More »

2 pagsabog sa Basilan pakana ng Abu Sayyaf

COTABATO CITY – Kombinsido si Lamitan City Vice Mayor Roderick Furigay, ang magkasunod na pagsabog kamakalawa ng gabi ay pakana ng isang urban terrorist group na may kaugnayan sa Abu Sayyaf. Una rito, nangyari ang unang pagsabog bandang 9:55 pm kamakalawa sa harap ng bahay ng pamilya Jacinto sa Flores Street, Brgy. Malakas, Lamitan City. Habang ang pangalawang pagsabog ay …

Read More »

2 detachment inatake ng BIFF, residente lumikas (Sa North Cotabato)

ALEOSAN, North Cotabato – Sinalakay ng armadong grupo ang dalawang detachment ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa lalawigan ng Cotabato kahapon. Ayon kay 34th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer, Colonel Angelo Lodenar, magkasabay na ina-take ng tinatayang 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang dalawang detachment ng CAFGU sa ilalim ng 38th IB sa Brgy. …

Read More »

Bangka lumubog sa CamSur, 10 katao nasagip

NAGA CITY- Nasagip ang 10 katao makaraan lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Caramoan, Camarines Sur, kamakalawa. Napag-alaman, patungo sana sa Matucad Island ang MB Camline,  sakay ang walong  turista at dalawang crew nito upang mag-island hopping. Nang makarating ang bangka sa bahagi ng Brgy. Paniman, hinampas ng malalakas na alon na ikinalubog nito. Agad …

Read More »

Swipe movie, napapanahon

EXCITING at napapanahon ang pelikulang ire-release ng Viva Films, at Aliud Entertainment, ang Swipe na mapapanood na sa Pebrero 1 na idinirehe ni Ed Lejano. Ang Swipe ay tamang-tama sa mahihilig sa internet. Ukol kasi ito sa mga online dating na ipakikita ng pelikula ang pangit at magandang naidudulot nito sa mga taong sumusubok humanap ng lovelife online. Rito pumapasok …

Read More »

Maxine Medina, gagamit ng interpreter

INIHAYAG ng pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe pageant na si Maxine Medina na gagamit siya ng interpreter. Ito ang sinabi ni Medina kahapon sa GMA News. Sinabi pa ni Medina na hindi pa niya tiyak kung magta-Tagalog siya o mag-i-Ingles kapag natanong ng mga hurado sakaling makapasok siya sa Top 6. Ani Maxine, “Siguro masasabi natin on that …

Read More »

Seguridad sa Miss U pageant kasado na (PCG magbabantay)

AABOT sa 2,000 pulis, sundalo, miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ide-deploy para sa seguridad ng coronation night ng Miss Universe 2017 sa Lunes, 30 Enero. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa loob at labas ng venue. Sinabi ni Albayalde, nasa 1,500 uniformed PNP personnel ang …

Read More »

SSS execs wala nang salary increase

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala nang aasahang salary increase ang mga opisyal ng Social Security System (SSS) at iba pang government corporations na wala siyang approval. Sinabi ni Pangulong Duterte, ito ay dahil nagpakasasa ang mga opisyal sa pera ng bayan. Ayon kay Pangulong Duterte, nagpalabas na siya ng naturang kautasan na wala nang dagdag suweldo o bonus ang …

Read More »

Kaso sa SAF 44 ipinababasura ni Aquino

IPINABABASURA ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa Office of the Ombudsman ang isinampang kaso laban sa kanya ng mga kaanak ng na-patay na 44 PNP-SAF members sa Mamasapano incident noong 2015. Nanindigan si Aquino, walang merito ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide na isinampa sa kanya dahil walang basehan ang argumento na siya ang dapat managot sa …

Read More »

Yaman ng Ampatuan ipinababawi ng Ombudsman

ombudsman

IPINABABAWI ng Office of the Ombudsman ang yaman ng yumaong si Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. Sa inilabas na 27 pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang mga yaman ni Ampatuan noong 2002, 2003, 2005, 2006 at 2007 ay hindi tumutugma sa kanyang kita sa kanyang posisyon. Aabot ang nasabing yaman sa mga taon na iyon sa …

Read More »

Pulis sa tanim-ebidensiya sinibak na (Nakita sa video) – NCRPO

SINIBAK na sa puwesto ang mga pulis na nakita sa video na ipinakita ni Sen. Panfilo Lacson, na nagtatanim ng ebidensiya. Kinompirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, sa isang lugar sa Metro Manila nangyari ang nasa video na isang operasyon. Nang makita ang video kamakalawa sa Senado, agad iniutos ni PNP chief, e Director …

Read More »

8-anyos anak ginahasa, ama arestado

CAUAYAN CITY, Isabela – Swak sa kulungan ang isang 39-anyos lalaki makaraan gahasain ang kanyang 8-anyos anak na babae sa Santa Fe, Nueva Vizcaya kamakalawa. Sa pagsisiyasat ng Santa Fe Police Station, ang biktimang si Nene ay hinalay mismo ng kanyang ama sa bukid. Makaraan ang panghahalay ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na mabilis na nagreklamo sa Santa …

Read More »

2 HS teachers timbog sa drug ops sa CDO

CARMEN, Cagayan de oro City – Arestado sa drug buy-bust operation sa Lumbia ang dalawang guro na hinihinalang tulak ng droga kamakalawa. Hindi nakapalag ang parehong high school teachers na sina Alex Dela Vega at Velijun Perez nang maaresto makaraan ang buy-bust operation. Ang dalawa ay nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Posible rin silang …

Read More »

Inmate nalapnos sa mainit na tubig ng pulis

LAOAG CITY – Nalapnos ang leeg at likuran ng isang preso makaraan mabuhusan ng isang pulis ng mainit na tubig sa bayan ng Sarrat sa lalawigan ng Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Errol Fiesta, residente sa Brgy. 14 sa nasabing bayan, habang ang pulis na nakabuhos ng mainit na tubig sa kanya ay si PO2 Baris. Ayon kay …

Read More »

P20.3-M yaman ni Sta. Isabel (Pulis nadawit na sa KFR)

UMAABOT sa P20.3 mil-yon ang net worth ng pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo. Sa pagdinig ng Senado sa pagpatay ng ilang pulis sa Korean businessman, sinabi ni Chief Supt. Roel Obusan, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), aabot sa P17.3 milyon ang net worth na idineklara ni Sta. Isabel …

Read More »

Joma Sison isinugod sa ospital sa Rome

ISINUGOD sa ospital si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) senior political consultant Jose Maria Sison kahapon ng umaga. Ito ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Sison sa closing ceremony ng third round ng peace talks sa Rome, Italy. Ayon sa Royal Norwegian Government (RNG), patuloy na bumubuti ang kondisyon ni Sison, co-founder ng Communist Party of the …

Read More »

‘Wag ako sisihin sa SAF 44 — Aquino

BINIGYANG-DIIN ni dating Pangulong Benigno Aquino III, hindi siya dapat sisihin sa Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 PNP-Special Action Force. Ginawa ni Aquino ang pahayag makaraan siyang batikosin ni Pangulong Rodrigo Duterte at sisihin sa madugong operas-yon noong 25 Enero 2015, dalawang taon na ang nakararaan. Sinabi ni Aquino, kabisado niya ang kalakaran sa Minda-nao, lalo ang konsepto ng …

Read More »

Cellphone ni PNoy busisiin — Aguirre

HINAMON ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng pahayag ng dating punong ehekutibo kaugnay nang pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Ayon kay Aguirre, isuko ni Aquino ang kanyang mobile phone para sa forensic examination upang malaman ang kanyang naging utos sa mga hene-ral sa operasyon, …

Read More »

Abusadong sugar mill itinanggi ng sakada

SA gitna ng mga akusasyon ng pang-aabuso, pagmamaltrato, at mga kaso ng “human trafficking” na inihain laban sa isang labor recruiter at sugar mill sa Tarlac, ilang magsasaka ang lumitaw at pinabula-anan ang bintang. Ayon kina Ricky Mahinay at Nancy Rama, kabilang sa halos 1,000 sakada o sugar workers na hinakot mula Mindanao upang magtrabaho sa Hacienda Luisita, gulat na …

Read More »

Labi ni Pawa sa Kuwait ililibing

NAGPASYA ang pamilya ng binitay na OFW na si Jakatia Pawa nitong  Miyerkoles, sa Kuwait ipalibing ang kanyang bangkay. “Nagdesisyon na rin kaming lahat na magkakapatid kasi sa batas ng Muslim, sa Islam, within 24 hours dapat maili-bing siya. Kung iuuwi pa namin ng Filipinas, baka pagdating dito sa amin sa Zamboanga, wala na ‘yung kapatid namin. Baka mangangamoy na …

Read More »

Tokhang sa QC area suspendihin (Hiling sa SC)

HINILING ng public interest law group sa Supreme Court kahapon na mag-isyu ng writ of amparo, naglalayong protektahan ang pamilya ng mga biktima ng “tokhang” operation sa Quezon City, sa “police harassment and intimidation” at suspendihin ang tokhang operation sa apektadong komunidad. Sinabi ng Center for International Law (Centerlaw), ang petisyong inihain ay kauna-unahan laban sa PNP’s “Oplan Tokhang” magmula …

Read More »

4 patay, 3 sugatan sa enkwentro sa Mindanao

COTABATO CITY – Apat ang patay at tatlo ang malubhang nasugatan nang magpatupad ng search warrant ang pulisya at militar laban sa isang alkalde dakong 5:20 am kahapon sa probinsya ng Maguindanao. Ayon kay Supt. Jimmy Daza, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM), nagpatupad sila ng search warrant operation sa Brgy. Saniag, Ampatuan, Maguindanao laban kay Mayor Rasul …

Read More »

ISIS pasok na sa droga

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalong lumala ang problema sa ilegal na droga sa bansa dahil sa pagpasok ng ISIS lalo sa Mindanao. Sinabi ni Pangulong Duterte sa Tacloban City, ang Maute group na nakianib na sa international terror group na ISIS, ay nagmamantine ng mga laboratoryo ng droga sa Mindanao. Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi basta-basta napapasok ang …

Read More »

127 inmates, palalayain ni Duterte

MAKALALAYA sa susunod na linggo ang aabot sa 127 preso sa pamamagitan ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive clemency makaraan irekomenda ng Department of Justice ang pagpapatawad sa kanila. Kinompirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Miyerkoles ang pagpapalaya sa 127 preso, ilang linggo makaraan isumite sa Malacañang ng ahensiya ang lista-han ng kanilang mga nominado para …

Read More »