Thursday , January 2 2025

hataw tabloid

Crawford tinibag si Indongo sa 3rd

ITINANGHAL na undisputed super lightweight champion si Terrence Crawford pagkatapos gibain si Julius Indongo para agawin ang korona nito sa IBF at WTA. Tangan naman ni Crawford ang korona sa WBA at WBC. GINULPE ni Terrence “Bud” Crawford si Julius Indongo sa 3rd Round para lumuhod sa lona sa nalalabing 1:38 na sinaksihan ng boxing fans kahapon sa Lincoln, Neb. …

Read More »

Talayan Village fire victims, ire-relocate ng PRRC

Lubos ang kalungkutang nadama ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia matapos ang malaking sunog na tumupok sa kabahayan at nakaapekto sa 700 pamilyang naninirahan sa Talayan Village sa Quezon City. Sa loob lamang ng apat na oras, nasunog ang dikit-dikit na mga bahay sa Calamba St., Extension ng Barangay Talayan, nakaraang Biyernes …

Read More »

120 katao arestado sa OTBT ops sa Pasig

arrest prison

UMABOT sa 120 katao ang hinuli ng mga pulis sa One Time Big Time operation sa Pasig City, karamihan ay mga tambay sa kalsada na walang pang-itaas na damit, ayon sa tala ng Pasig Philippine National Police (PNP). Ang mga nabanggit ay inaresto simula nitong gabi ng 19 Agosto hanggang umaga ng 20 Agosto, dahil sa paglabag sa iba’t ibang …

Read More »

Pamilya ng natokhang umalma vs bintang na pusher (Sa Quezon City)

gun dead

NAPAGKAMALAN lang, ito ang paliwanag ng mga kaanak ng isang lalaking sinasabing may diperensiya sa pag-iisip na napatay ng mga pulis sa isang operasyon kontra ilegal na droga kamakailan. Napatay si Leover Miranda, 39, makaraan umanong manlaban habang inaaresto ng mga pulis malapit sa kanyang bahay sa Quezon City noong 3 Agosto. Wala sa drug watchlist si Miranda, ayon sa …

Read More »

P30-M jackpot sa Grand Lotto 6/55 sapol nitong Sabado

MAY tumama na sa P30 milyon jackpot ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa draw nitong Sabado ng gabi. Ang winning combination para sa 6/55 jackpot ay 03-44-25-07-55-52. Samantala, walang nanalo sa P20,727,800 jackpot ng Lotto 6/42 nitong Sabado. Ang winning combination para sa 6/42 jackpot ay 35-37-29-16-11-06.

Read More »

Utos ng DoJ: NBI pasok sa kaso ni Kian

INATASAN ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos. Sa department order na inisyu nitong Biyernes, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na imbestigahan at magsagawa ng case build-up sa pagkamatay ni Delos Santos, na napatay sa anti-illegal drugs operation sa Caloocan City …

Read More »

Kian ‘drug courier’ ng ama, uncles — Dela Rosa

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa, ang Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos ay nagsilbing drug courier ng kanyang sariling ama at ilan niyang tiyuhin, base sa impormasyon mula sa hepe ng Caloocan City police. Dagdag ni Dela Rosa, ayon sa impormasyon mula sa intelligence community, ang ama ni Delos Santos …

Read More »

Ka-deal sa droga ni Kian inilabas

INIHARAP sa mga mamamahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo ang isang “tulak ng droga” na sinasabing nakakatransaksiyon ni Kian Lloyd Delos Santos, ang Grade 11 student na napaslang kamakailan sa operasyon ng pulisya. Salaysay ng sinasabing drug pusher na si Renato “Nono” Loveras, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo niya nakakatransaksiyon si Delos Santos. Tahasang sinabi ni …

Read More »

Murder cases sa QC tumaas sa drug-related killings

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) chief, Director Guillermo Eleazar, ang pagtaas ng bilang ng murder cases sa lungsod ay dahil sa drug-related deaths. “Kung ico-compare sa previous year, talagang tumaas siya [murder]. Pero ang tinitignan namin ay ang tumaas ay yung mga drug-related murder cases,” pahayag ni Eleazar. Ang ipinaliliwanag ng QCPD chief ay hinggil sa halos 100 …

Read More »

Pulis patay sa anti-drug ops sa Cebu (Nasa drug list ni Digong)

shabu drugs dead

TALISAY CITY – Patay ang isang pulis at kanyang misis sa anti-illegal drugs operation sa Brgy. Pooc, Talisay City, Cebu, nitong Martes. Si PO3 Ryan Quiamco ay nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente, habang ang misis niyang si Rizalyn, ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital. Ayon sa pulisya, ang transaksiyon ay dapat maganap sa South Road Properties, ngunit biglang nagpaputok …

Read More »

Pagpapasara sa MMDA Worker’s Inn pinalagan

NAGKAROON ng tensiyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Workers Inn o Gwapotel sa Bonifacio Drive, Maynila makaraan puwersahang palabasin at paalisin ang mga nanunuluyan at mga concessionaire roon. Nabigla sila nang isara ng mga security guard ang inn at ipaskil ang notice na sarado na ito dahil sa safety pre-caution. Umalma ang mga naninirahan dito lalo’t ito lamang ang …

Read More »

27 dalagita nasagip, 4 bugaw kalaboso (Sa bar sa Maynila)

human traffic arrest

NASAGIP ng pulisya ang 27 menor-de-edad mula sa dalawang KTV bar sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, sinalakay ng police Anti-Human Trafficking Division ang mga naturang lugar dahil sa impormasyong sangkot sa flesh trade. Ayon sa isang dayuhan, ibinibenta rito ang mga babae sa mga parokyanong dayuhan o negosyanteng Filipino sa halagang P2,000 hanggang P3,000. Umaabot …

Read More »

Richard Gutierrez sinampahan ng kasong perjury, falsification ng BIR

SINAMPAHAN ng mga kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktor na si Richard Gutierrez nitong Miyerkoles kaugnay ng kanyang umano’y pag-iwas sa pagbabayad ng buwis. Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ), nagsampa ang BIR laban kay Gutierrez ng pagsusumite ng pekeng annual income tax return, anim bilang ng pagsusumite ng pekeng quarterly value-added tax (VAT) returns, …

Read More »

25 patay sa 24-oras anti-crime ops sa Maynila (Bulacan ‘di titigil sa operasyon kontra droga)

UMABOT sa 25 katao ang napatay sa magkakahiwalay na anti-crime raids sa Maynila nitong Huwebes, halos 24 oras makaraan ang anti-drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng 32 katao sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sinabi ni Supt. Erwin Margarejo, Manila Police District spokesman, nagsagawa ang mga pulis ng 18 operasyon sa Maynila na nagresulta sa …

Read More »

Barangay election tuloy pa rin

KUNG pagbabasehan ang batas, tuloy ang barangay election sa darating na Oktubre. Isang panukalang batas pa lamang ang pagpapaliban ng eleksiyon sa barangay na pumasa sa committee level ng Kamara nitong nakaraang Lunes. Ibig sabihin, mahabang proseso pa ang dadaanan ng panukulang postponement ng barangay election na tiyak na hihimayin ng House of Representatives at Senado. Hindi kailangan magdiwang ang …

Read More »

Mag-utol na Parojinog negatibo sa drug test

NEGATIBO si detenidong Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kanyang kapatid na lalaki, sa paggamit ng ilegal na droga, ayon sa Philippine National Police, kahapon. Walang nakitang bahid ng methamphetamine o shabu ang mga awtoridad sa urine sample ni Parojinog at sa kanyang kapatid na si Reynaldo Jr., ayon kay PNP Crime Laboratory chief, Insp. Yela Apostol sa press …

Read More »

Kenneth Dong inaresto ng NBI sa rape case (Nagpalusot ng P6.4-B shabu)

INARESTO ang isang negosyante at sinasabing Customs “middleman” na si Kenneth Dong, nitong Martes ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape. Naganap ang pag-aresto makaraan dumalo si Dong at ilang NBI officials sa pagdinig ng Senado kaugnay sa P6.4 bilyon shabu shipment mula sa China. Ang kasong rape laban kay Dong ay sinasabing inihain ng isang 33-anyos …

Read More »

Erap nag-utos ng imbestigasyon

PINAIIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pagpaslang sa isang pulis-Maynila na ayon mismo sa Manila Police District (MPD) ay pangunahing suspek sa pagpatay sa isang babaeng pulis at sangkot umano sa droga. Matapos mabalitaan ang pananambang kay PO2 Mark Anthony Peniano, agad tinawagan ni Estrada si MPD director Chief Supt. Joel Coronel upang paimbestigahan mabuti ang kaso at …

Read More »

MPD police binistay sa 25 bala (Suspek sa pinatay na lady cop)

PATAY ang isang pulis na maghahatid ng anak sa paaralan makaraang bistayin sa bala ng mga nakamotorsiklong kalalakihan sa Ayala Boulevard, Ermita, Maynila nitong Martes. Batay sa kuha ng CCTV malapit sa Technological University of the Philippines (TUP), sakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek nang pagbabarilin nila si PO3 Mark Anthony Peniano na angkas ang kanyang anak, pasado 8:00 …

Read More »

23 drug suspects todas sa Bulacan (Sa magdamag na operasyon)

UMABOT sa 23 hinihinalang drug users ang napatay sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng pulisya ng Bulacan, mula nitong Lunes ng gabi hanggang kahapon ng umaga. Kabilang sa mga napatay ay kinilala sa mga alyas na Egoy, Tom, Enan, Justin, Berth, Alvin, Chris, Jerom, Yayot, Allan Tato, Arnold, Willy, Jeffrey, Eugene, Macoy at Pugeng Manyak. Ayon kay Senior Supt. Romeo …

Read More »

Mag-ingat sa bird flu virus

HINDI biro ang avian flu virus na tumama sa daan-daang libong manok, itik at pugo sa Pampanga. At lalong hindi biro ang posibleng animal-to-human infection, sa sandaling hindi ito maabatan ng ating pamahalaan. Kaya ngayon pa lamang ay dapat paigtingin ang pagmo-monitor sa mga manok na itinitinda sa mga pamilihan upang matiyak na hindi kontaminado ng virus. Hindi lamang ang …

Read More »

Pinatalsik na Liga prexy itinalaga sa HUDCC (Anak ni Joey Marquez)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jeremy Marquez, anak ng aktor at dating Parañaque City Mayor, na si Joey Marquez, bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council. Nilagdaan ni Duterte ang appointment paper ni Jeremy nitong 10 Agosto 2017. Nagsilbing barangay captain ng BF Homes sa Parañaque City nang tatlong termino si Jeremy ngunit pinatalsik bilang …

Read More »

Maglabas ng ebidensiya vs Paolo Duterte

MINSAN na namang lumutang ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Davao City vice mayor Paolo sa usapin na may kinalaman sa korupsiyon. Ito nga ay nang ibulalas ng isang resource person ang pangalan ng presidential son sa congressional hearing noong isang linggo tungkol sa mga iregularidad sa Bureau of Customs. Matindi ang paninindigan ng pangulo …

Read More »

83-anyos lolo, bebot nakompiskahan ng bala sa NAIA

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang ilang bala ng baril mula sa isang 83-anyos lolo, at isang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nitong Linggo. Unang nakuhaan ng bala sa bulsa ang senior citizen na si Bencaben Tomacas nang dumaan sa x-ray machine ng NAIA. Pasahero siya ng Cebu Pacific at biyaheng Cagayan de Oro. Samantala, maghahatid ng pasahero si …

Read More »