Thursday , June 4 2026

Philippine Republic Day, mahalaga sa ating pagkabansa — Koko

NAGPAALALA si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga Filipino sa kabuluhan ng “pagkilala sa ating pagkabansa at pagkakaroon ng malalimang pagmamahal sa bayan” kasabay ng paggigiit sa malaking ambag ng deklarasyon ng kauna-unahang malayang republika sa Asya sa Malolos, Bulacan sa pagdiriwang ng Philippine Republic Day bukas, 23 Enero.

“Madalas na nating makaligtaan ang yaman ng ating kasaysayan at ang halaga ng paggunita sa mahahalagang mga pangyayari sa ating kasaysayan. Ipinanalo natin ang isang mahirap na digmaan laban sa mga mananakop sa tarangkahan ng ika-20 siglo at nalikha ang kauna-unahang malayang estado ng Asya sa Bulacan.”

“Mahalagang maipagdiwang natin ang pangyayaring ito at maisapuso ang kabuluhan ng kalayaan, lalong-lalo sa mga kabataan,” ayon sa mambabatas mula sa Mindanao.

Noong nakaraang taon, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11014, na nagdeklara sa 23 Enero bilang special working holiday sa buong bansa.

Inaatasan ng nasabing batas ang National Historical Commission (NHC), sa pakikipag­tulungan ng Department of Education (DepEd), na maglatag at magsakatuparan ng mga pagdiriwang kaugnay sa First Philippine Republic Day.

“Isinaboy natin ang mga unang binhi ng ating pagkabansa nang nilikha ang Malolos Republic noong 1899 sa paraan ng pagratipika sa Malolos Constitution. Kadalasan, ang ganitong mga pangyayari ay ibinabaon na lamang sa mga history book, lingid sa kabatiran ng ating mga estudyante at kababayan na nakabaling ang pansin sa impormasyong dala ng social media,” diin ni Pimentel.

Dahil dito, iminungkahi ng senador na kailangang “pag-isipan nang husto ng NHC at DepEd ang malikhaing mga gawaing kakapit sa interes at pakikilahok ng publiko, sa gitna ng kalitohang dala ng mababaw na libangang kaa­kibat ng Internet Age.”

“Ang mga aral ng First Philippine Republic ay may kaugnayan pa rin at makabuluhan hanggang ngayon. Kailangan nating ipagdiwang ang 23 Enero nang may taimtim na paggalang at lubusang pagkilala sa kabuluhan nito,” dagdag ni Pimentel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …