SUGATAN ang isang driver makaraan magkarambola ang limang sasakyan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Sucat, Parañaque dakong 5:00 am nitong Huwebes. Ayon sa ulat, unang bumangga ang minamanehong dump truck ni Alvin Alcantara sa likod ng isang shuttle bus bago sumagi sa iniwasan ni-yang AUV. Sa bilis ng takbo, sumampa sa concrete barrier ang …
Read More »Bong Revilla magpapasko sa pamilya (Sa Bacoor, Cavite)
PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang nakapiit na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magdiwang ng Pasko kasama ng kanyang pamilya sa Bacoor, Cavite. Sa minute resolution na may petsang 20 Disyembre, pinahintulutan ng First Division ang mosyon ni Revilla na lumabas ng piitan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula 11:00 am hanggang 9:00 pm sa 24 …
Read More »De Lima pinayagan tumanggap ng bisita (Sa Pasko at Bagong Taon)
MAAARING tumanggap ng bisita si Senadora Leila de Lima sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon makaraan payagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. Ayon sa opisina ng senadora, maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa 24 Disyembre hanggang ala-1 ng madaling araw ng 25 Disyembre at sa mismong araw ng Pasko mula …
Read More »Tribal leader patay sa NPA (Sa Davao del Norte)
BINAWIAN ng buhay ang tribal leader ng Ata Manobo na si Datu Benandaw Maugan makaraan pagbabarilin ng sinabing mga miyembro ng New People’s Army sa Purok Luno-luno, Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao Del Norte, nitong Linggo ng hapon. Ayon sa pamangkin ng biktima na si Jason, galing sa bukid ang kaniyang tiyuhin at nang makauwi sa kanilang bahay ay ipinatawag siya …
Read More »Konsultasyon sa same-sex marriage hirit ng Simbahan (Kasunod ng OK ni Duterte)
MAKARAAN ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suporta sa same-sex marriage, nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na dapat magkaroon muna ng dialogo ng lahat ng stakeholders o lahat ng may kinalamang partido, para matiyak na ang anomang polisiya ay nabuo makaraan ang malawakang konsultasyon. Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, secretary ng permanent committee on public …
Read More »NPA nananatiling pinakamalaking banta sa bansa (Ayon kay Gen. Bato)
INIHAYAG ni Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa, ang rebeldeng komunista ang nananatiling pinakamalaking banta sa kaayusan at kapayapaan ng bansa. “‘Yung threat ‘pag sinabi mong level of threat magkapantay lang ‘yan sa terrorism at since labeled naman na terrorist ang NPA (New People’s Army) ‘di ba, kasama na ‘yan sa terrorism. So ‘yan ang mabigat na …
Read More »Babala sa Biliran residents sapat — OCD official
INIHAYAG ng local disaster official nitong Lunes, sapat ang kanilang abiso sa mga residente sa lalawigan ng Biliran kaugnay sa planong paglilikas bunsod ng pagdating ng bagyong Urduja nitong nakaraang Sabado. “Noong una pa po, hanggang sa kahuli-hulihan, we have been advocating for preemptive evacuation,” pahayag ni Office of Civil Defense Region 8 Director Edgar Posadas, ito aniya ay dahil …
Read More »Hospitals kasado na sa Pasko at Bagong Taon (Tiniyak ng DoH)
ININSPEKSIYON ng mga opisyal ng Department of Health (DoH) ang ilang malalaking ospital sa Kamaynilaan para tiyakin ang kahandaang tugunan ang mga mabibiktima ng paputok. Kabilang sa mga ospital na ininspeksiyon ang Rizal Medical Center sa Pasig, Quirino Memorial Medical Center (Labor Hospital) sa Quezon City, at ang University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc, Maynila. Ang inspeksiyon ay pinangunahan …
Read More »Bagyong Vinta tatama sa Pasko
POSIBLENG maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area na tatawaging Vinta, at maaaring tumama sa Pasko. Patuloy itong sinusubaybayan ng ahensiya dahil inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo. Ayon sa PAGASA, mataas pa rin ang tsansang lalakas ito dahil nananatili pa sa dagat. Sa forecast ng PAGASA, posible itong pumasok ng PAR sa …
Read More »31 patay, 49 missing kay Urduja (9,775 katao stranded)
UMABOT sa 31 ang patay habang 49 ang nawawala sa mga eryang hinagupit ng bagyong Urduja, ayon sa ulat ng Malacañang, nitong Lunes ng hapon. Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, Jr. ang update sa news conference sa Naval State University bago ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Biliran para sa situational briefing. Sa 31 bilang ng mga namatay, …
Read More »VP Robredo sorpresang bumisita sa QMMC para sa pasyenteng mga bata (Namahagi ng pamasko)
BUMISITA si Vice President Leni Robredo sa mga batang pasyente ng Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City nitong Linggo, para sa isang maagang pagdiriwang ng Pasko. Kasama ni Robredo na dumalaw sa Pediatrics ward ng nasabing ospital ang anak na si Tricia, isang medical student at executive director ng Jesse M. Robredo Foundation (JMRF). Sa pagbisitang ito, nakasalamuha ng …
Read More »Bato nakipag-jam sa Bilibid inmates
BAGO ang kanyang pagkakatalaga sa Bureau of Corrections (BuCor), ang magreretirong si Philippine National Police chief, Director General Ronald dela Rosa ay nakipag-jam sa mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Biyernes. Ayon sa ulat, umawit si Dela Rosa sa harap ng daan-daang mga preso sa NBP. Napag-alaman, habang umaawit si Dela Rosa ay sinasabayan ito …
Read More »Sa Bilibid: Drug lords ibabalik sa Bldg. 14 — Gen. Bato
INIHAYAG ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Linggo, nais niyang ang mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP) ay maibalik sa “Building 14.” Sinabi ni Dela Rosa, magsasagawa siya ng “accounting” sa lahat ng drug lords sa national penitentiary kapag nakaupo na siya sa puwesto sa Bureau of Corrections. “Ibalik ko silang lahat …
Read More »Garin, Abad haharap sa technical malversation sa Dengvaxia
POSIBLENG maharap sa kasong technical malversation sina dating Health secretary Janette Garin at dating Budget secretary Florencio Abad bunsod ng pagkakasangkot sa P3.5 bilyon pagbili ng Dengvaxia vaccine, ayon kay Senador JV Ejercito, nitong Linggo. Ayon kay Ejercito, ang nasabing halaga na ginamit sa vaccination program ay hindi bahagi ng General Appropriations Act for 2015. Nabatid din sa gina-nap na …
Read More »Vinta susunod sa landas ni Urduja
ANG bagyong papasok sa Philippine Area of Res-ponsibility (PAR) ay maaaring sumunod sa landas na dinaanan ng bagyong Urduja, ayon sa pahayag ng PAGASA weather forecaster, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, ang bagyong Vinta ay maaaring pumasok sa PAR sa Martes o Miyerkoles at tahahakin ang dinaanan ni Urduja. “Posible pong tatahakin ng paparating na bagyo ang daan …
Read More »232 areas sa 2 rehiyon sa Visayas binaha
MAHIGIT 200 areas sa dalawang rehiyon ng Visayas ang nalubog sa baha bunsod ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Urduja. Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang 10:00 pm bulletin nitong Sabado, ka-buuang 232 areas sa Eastern at Western Visayas ang nalubog sa baha. Hanggang nitong Linggo ng umaga, tanging …
Read More »Takot kay Yolanda binuhay ni Urduja (Sa Tacloban)
TUMINDI ang pagbaha sa Tacloban bunsod nang ilang araw na pag-ulan dulot ng bagyong Urduja, kaya muling bumalik ang takot ng mga residente sa kanilang naranasan bunsod ng super typhoon Yolanda na lubusang puminsala sa lungsod, apat taon na ang nakararaan, ayon sa local officials kahapon. Tatlo katao ang namatay bunsod ng bagyong Urduja (international name: Kai-tak) na patuloy na …
Read More »26 patay, 23 missing sa Biliran landslide
UMABOT na sa 26 katao ang kompirmadong namatay habang 23 ang nawawala bunsod ng landslide at pagbaha sa ilang mga lugar sa lalawigan ng Biliran, ayon sa ulat ng local officials, nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Biliran Governor Gerry Boy Espina, inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na isailalim ang buong lalawigan sa state of …
Read More »Pinakamatandang pating nadiskobre sa Atlantic Ocean
ISANG 512 taong gulang na pating ang natagpuan sa karagatan ng North Atlantic. Sinasabing ang Greenland shark ang pinakamatandang nabubuhay na vertebrate sa mundo. Maaari rin umano itong mas matanda pa kay Shakespeare. Sa pamamagitan ng pagsukat sa laki ng pating, nahinuha umanong ito ay nabubuhay na noon pang taong 1505. Ang Greenland shark ay lumalaki ng 1 centimeter sa …
Read More »Tesorero, tanod patay sa ambush (Tserman, driver sugatan)
BINAWIAN ng buhay ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. Annanuman, bayan ng San Pablo, Isabela, nitong Miyerkoles. Ayon sa imbestigas-yon, lulan ng owner-type jeep sina barangay captain Briscio Gammaru, barangay treasurer Rey Mabborang, barangay tanod Bonifacio Lumabi at driver na si Kingberly Antonio ng Brgy. Dalena, San Pablo. Papunta sila …
Read More »Mag-lola sugatan sa landslide sa Tacloban (Bahay nabagsakan ng poste)
SUGATAN ang dalawa katao makaraan mabagsakan ng poste ng koryente ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Tacloban City, nitong Huwebes ng tanghali. Ayon sa ulat, nangyari ang landslide sa Artemio Mate Avenue bandang 12:00 ng tanghali. Salaysay ni Remedios Cebu, nakarinig sila ng malakas na ingay at pagkaraan ay nabagsakan ng poste ang kanilang bahay. Nasugatan sa paa …
Read More »Urduja lumakas nagbanta sa Timog Luzon, Visayas
BAHAGYANG lumakas ang tropical storm Urduja at inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau PAGASA, kahapon. Sa 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA, ang bagyong Urduja ay may taglay na lakas ng hangin hanggang 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras. Ang bagyo ay huling namataan sa …
Read More »14,000 pulis babantayan ng PNP (Tinurukan ng Dengvaxia)
INIUTOS ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pag-monitor sa kondisyon ng 14,000 pulis na tinurukan ng dengue vaccine Dengvaxia. “To those unfortunately vaccinated by this, I am giving instructions to Dr. [Edward] Carranza, director of Health Service, to monitor everything…kawawa naman kung may mangyari,” pahayag ni Dela Rosa makaraan bisitahin ang mga sugatang pulis …
Read More »Aquino humarap sa Dengvaxia probe sa senado (Pagbili ng Dengvaxia idinepensa)
HUMARAP si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga senador sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersiyal na dengue vaccine. Katulad ng inaasahan, mariing pinabulananan ni Aquino ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ukol sa kontrobersiyal na bakuna. Ayon kay Aquino, walang ano mang anomalyang naganap sa naging transaksiyon sa naturang programa ng pamahalaan …
Read More »77-anyos lolo, 1 pa patay sa posporo (5 sugatan, Senior citizen nawawala)
PATAY ang dalawa katao habang lima ang sugatan at isa ang nawawala makaraan masunog ang ilang kabahayan sa Loreto St., Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang 30 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan matupok ang 10 bahay. Napag-alaman, nagsimula ang sunog bandang 10:20 at naapula dakong 11:23 am. Umabot ang sunog sa ikaapat na …
Read More »