Thursday , July 7 2022
dead gun police

Sa Negros Oriental… Abogadong may death threats tinambangan, patay sa ospital

CEBU CITY — Isang abogado ang pinaslang, habang ang kanyang misis ay sugatan nang sila ay tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motor­siklo sa Sitio Looc, Bara­ngay Poblacion, Guihu­l­ngan City, Negros Orien­tal, pasado 2:00 pm, kahapon, 23 Hulyo.

Sa ulat sinabing mi­na­maneho ng abogadong si Anthony Trinidad, 53, ang kanyang puting sports utility vehicle (SUV ) na Subaro, nang biglang umarangkada ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki na ang isa ay armado, ayon kay P/Lt. Col. Bonifacio Tecson, hepe ng Guihul­ngan police station.

Bumunot umano ng baril ang angkas ng motor­siklo saka pina­putukan si Trinidad at ang asawang si Novie Marie.

Nawalan ng kontrol sa sasakayan si Trinidad kaya nabangga niya ang trisikad na napinsala ang driver.

Agad itinakbo ang mga biktima sa Guihul­ngan District Hospital ngunit Trinidad ay idine­klarang dead on arrival ng attending physician.

Ang asawa ni Trini­dad ay inilipat sa Duma­gue­te City, ang kapitolyo ng Negros Oriental.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo at dalawang slugs ng kalibre .45 baril.

Ayon kay Tecson, nag-imbestiga sila para kilalanin ang mga suspek ganoon din ang motibo sa pamamaslang.

“There’s a possibility that this has something to do with the cases he handled,” ani Tecson sa ilang mamamahayag.

Aniya, nauna nang sinabi ni Trinidad may natatanggap siyang death threats.

“He requested us to give him police escorts whenever he had hearings in Guihulngan. And we did give him escorts because we found the threats to be valid,” pali­wanag ni Tecson.

Sinabi ni Tecson na gusto nilang malaman kung bakit nasa Guihul­ngan ang abogado kaha­pon.

Nais din umano nilang palalimin ang imbestigasyon para alamin kung sino ang mga galit kay Trinidad o kung mayroon siyang mga kaaway.

Samantala, humiling ng pang-unawa ang pamilya ng biktima, sa kanilang pansamantalang pananahimik.

Sa social media post ng kapatid ng pinaslang na biktima na dating mamamahayag na si Andrea Trinidad, sinabi niyang, “I am posting this here and please forgive me if I don’t reply to your calls and messages. I am as devastated as the rest of our family. Please allow us to grieve for the moment. My brother, Anthony, is the most kind-hearted person I know. It’s hard to fathom why this happened.”

About hataw tabloid

Check Also

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

Leave a Reply