dead gun police

Chairwoman niratrat ng tandem

ISANG barangay chair­woman ang pinagba­baril ng riding-in-tandem sa tapat mismo ng barangay hall sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Aileen Guitodong, 47, may-asawa, chair­woman ng  Barangay 314 Zone 31 District 3 at residente sa Tomas Ma­pua St., Sta Cruz, May­nila.

Nangyari sa tapat ng barangay hall ang pama­maril ng dalawang hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo at naka­suot ng face mask, helmet at jacket na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Dalawang tama sa katawan at ulo ang tuma­ma sa biktima mula sa kalibre 45.

Ayon kay Maricel Rubio, sekretarya ng biktima, kasalukuyan silang nagkukuwentohan nang dumating ang riding-in-tandem.

Bumaba ang angkas at naglakad patungo sa barangay hall saka pinag­babaril si Guito­dong saka mabilis na tumakas patungo sa direksiyon ng Lope De Vega St., Rizal Avenue.

Patuloy iniimbes­tigahan ng pulisya ang insidente.