Thursday , July 7 2022

Beautéderm, nangungunang beauty and wellness ngayon

HABANG papalapit ng papalalapit ang countdown ng 10th anniversary celebration ng Beautéderm Corporation, patuloy ang kompanya sa pag-break ng new grounds sa pormal na pagpapakilala sa unang batch ng mga batang celebrity ambassadors nito sa ilalim ng Star Magic ng ABS-CBN, na kinabibilangan Carlo Aquino, Matt Evans, Ejay Falcon, Alex Castro, Hashtag Ryle Santiago, Jane Oineza, Kitkat, at Ria Atayde.

Itinatag ang Beautéderm ni Rhea Anicoche-Tan noong 2009 at kinakatawan ng kompanya ang prinsipyong mag-uumpisa ang kagandahan kapag inalaagan ang ating mga sarili at kapag ito ay ating ginawa, tayo ay magiging mas malusog, at magpapamalas ng kagandahan hindi lamang sa panlabas maging sa panloob.

Bilang isa sa mga pangunahing lider ngayon sa beauty and wellness industry, pinahahalagahan ng Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo sa mga FDA Notified products nito, na gumagamit ng mga plant-based na sangkap na ginawa para makapagbigay ng mabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta. Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands ng Beautéderm ay kinabibilangan ng Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang Reverie by Beautéderm Home na kinabibilangan ng koleksyon ng soy candles at room sprays; ang perfrume collection nito na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men, at marami pang iba – na lahat ay pawang top-selling sa merkado ngayon.

Sa kasalukuyan, may humigit sa 1,000 resellers ang Beautederm dito at sa ibang bansa sapagkat araw-araw itong nagde-deliver ng mga produkto  dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo sa malakas na partnership nito sa DHL. Mayroon din itong mga physical store sa buong bansa at isa sa Singapore; at mayroon din itong halos 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, singers, beauty queens, politicians, comedians, at social media influencers.

Ang mga achievement ng mga batang ambassador ng Beautéderm ay kasing diverse ng mga pabolosong produkto ng brand. Bawat isa sa kanila ay gumagawa ng kani-kanilang marka sa industriya.

Si Carlo Aquino ang pinaka-seasoned sa grupo bilang isa sa pinaka-mainit na leading man ngayon na mayroong consistent string of blockbuster at critically acclaimed movies under his belt; Nagsimula naman si Matt Evans sa ABS-CBN bilang kalahok sa unang season ng reality television show na Pinoy Big Brother: Teen Edition, at nag-evolve siya bilang isang accomplished character actor na lumabas sa maraming TV series at pelikula; bahagi si Ejay Falcon ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus at nagbida sa mga top-rating television series at blockbuster films.

Si Alex Castro naman ay isang singer at aktor na isa nang Board Member elect ng ika-4 na Distrito ng Bulacan, na kinabibilangan ng Marilao, Meycauayan, Obando, Sta. Maria, at ang siyudad ng of San Jose Del Monte; bahagi si Ryle Santiago ng It’s Showtime bilang isa sa mga Kilig Ambassadors na parte ng Hashtags. Kapag hindi siya nag-hohost sa top-rating noontime variety show ng Dos; nag-umpisa si Jane Oineza bilang child star sa Goin’ Bulilit at Kung Fu Kids. Lumabas na rin siya sa mga TV show at pelikula.

Isa naman si Kitkat sa mga mahuhusay na sexy comediennes at singer ng industriya na nakatanggap ng rekognisyon bilang Best Actress In A Featured Role sa 2016 Aliw Awards para sa kanyang paganap sa musicale na D.O.M. (Dirty Old Musical); at si Ria Atayde naman ay isang rising dramatic star na walang mintis ang husay sa mga pagganap sa mga box-office hits ng Star Cinema at mga top-rating na programa sa Dos.

Sina Carlo, Matt, Ejay, Alex, Jane, at Ria ay brand ambassadors ng amazing line of products sa ilalim ng Beautéderm habang si Kitkat naman ay brand ambassador ng Slender Sips ng RD Healthy Living Corporation, na sister company ng Beautéderm Corporation.

Nag-uumapaw sa kaligayahan ang aking puso dahil lumalaki ang aming pamilya sa Beautéderm,” sabi ni Rhea. “Naghahanda kami sa mga kapana-panabik na events at milestones na humbled ako na ibahagi ang lahat ng ito ‘di lamang sa aming brand ambassadors at sa mga kaibigan natin sa press ngunit pati na rin sa aming mga reseller at distributor.”

About hataw tabloid

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply