Thursday , July 7 2022

Kaso ng dengue sa bansa higit 130,000 na — DOH

UMABOT sa mahigit 130,000 kaso ng dengue sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo ayon sa Department of Health (DOH).

Sa panayam ng media kay Health Under­secretary Eric Domingo araw ng Miyerkoles, sinabi nitong patuloy na duma­rami ang kaso ng dengue sa bansa sa kabila ng activation ng regional health clusters ng NDRRMC.

Ang higit 130,000 kaso ng sakit mula Enero hanggang kalagitnaan ng Hulyo ay halos doble na ng naitalang bilang sa kaparehong panahon noong 2018.

Ilan sa mga rehiyon ay naabot na ang epidemic levels tulad ng Calabar­zon at Mimaropa.

Mas mababa ang kaso sa ilang rehiyon kompara noong 2018 sa Regions 1, 2, 3 at National Capital Region.

Dahil dito, sinabi ni Domingo na mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa Department of Education (DepEd) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Pupulungin ngayon araw ng Biyernes sa May­nila ang lahat ng health regional directors para sa updates hinggil sa dengue at para malaman kung kinakailangan ng addi­tional supplies para sa sakit.

Samantala, sinabi ni Domingo, ilan sa mga pasyente sa mga kalapit lalawigan ay dinadala na sa Maynila.

Sa ngayon aniya ay may ilang pasyente sa San Lazaro Hospital mu­la sa mga lalawigan ngu­nit kaya pa aniyang i-accommodate ng ospital.

Tiniyak ng health official na sapat ang suplay ng dugo at kaunti lang ang kaso na kinaka­ilangan ang blood trans­fusion. Sinabi ni Domingo, hindi lang sa Filipinas nararanasan ang pagtaas ng kaso ng dengue kundi maging sa ibang bansa at tinutugunan na rin ito ng World Health Orga­nization (WHO).

About hataw tabloid

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

Leave a Reply