LIMANG Chinese drug lords ang ‘pinalaya’ ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng dalawang buwan, pagbubunyag ni Senator Panfilo Lacson nitong Huwebes. Ayon kay Lacson, may kopya siya ng mga bilanggong kalalaya lang sa New Bilibid Prison (NBP) at natuklasan na apat sa kanila ay convicted Chinese drug lords. Ani Lacson, sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching …
Read More »Nauusong pamboboso sa spycam may parusa sa South Korea
NAGSAGAWA ng protesta ang libo-libong mga Koreana sa Seoul para ireklamo ang sinasabi nilang ‘spycam porn’ para hilingin ang mas mabigat na kaparusahan sa mga ‘Peeping Tom’ o mga naninilip o bosero. Simula buwan ng Mayo, nagsagawa ng sunod-sunod na demonstrasyon sa kabisera ng South Korea ang iba’t ibang grupo ng kababaihan para batikusin ang umiiral na lantarang pamboboso ng …
Read More »3 tulak dakip sa Maynila
NAARESTO ang tatlong suspek sa pagbebenta ng bawal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa nakalipas na magdamag. Kinilala ang mga suspek na sina Norham Lumban, 19; at Ricardo Pilarta, 51, nadakip sa Loyola St., kanto ng Recto St., Brgy. 395, Zone 41, sa Sampaloc. Habang 12:00 am, nadakip ang 37-anyos na si Christian Jose sa Zapanta …
Read More »Nueva Ecija Gov. Umali, sinibak na opisyal, bitbitin palabas ng opisina — DILG
INATASAN na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang PNP Region 3 at ang Nueva Ecija provincial director na bitbitin palabas ng kanilang opisina ang lahat ng mga suspendido at nasibak na local executives, kabilang si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, na una nang hinatulang masibak ng Office of the Ombudsman dahil sa kasong katiwalian. …
Read More »Baseco sinuyod ng MMDA para linisin sa obstruction
MAAGANG nagsimula ang mga tauhan ng MMDA ng kanilang clearing operations sa Baseco sa Port Area, Maynila, kahapon. Ilan sa mga kinompiska at inalis na sagabal ang mga kariton, bakal, bakod, trapal at kahoy na pinagsisilungan o taguan ng mga personal na bagay. Hindi rin pinalagpas ang mga kariton ng sorbetes, bisikleta at pedicabs na isinampa o hinila ng towing …
Read More »May-ari ng bodega ng hot meat kakasuhan
IPINAAASUNTO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ilang indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak, pagbebenta at distribusyon ng hot meat sa Maynila. Sa pahayag ng alkalde, ipinag-utos niya sa hepe ng City Legal at Business Permits and Licensing Office na ihanda ang kaso laban sa mga nasabing indibidwal o grupo. Pananagutin din aniya ang mga may-ari ng mga …
Read More »Navy exec patay sa banggaan sa Zambales
HINDI nakaligtas ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos makabangaan ng kaniyang minamanehong kotse ang isang pampasaherong bus sa bayan ng San Antonio, sa lalawigan ng Zambales nitong Lunes ng gabi, 26 Agosto. Idineklarang dead on arrival sa San Marcelino District Hospital ang biktimang kinilalang si Private First Class Joseph Bill Ignacio, 26 anyos, tubong lungsod ng Zamboanga, at nakatalaga …
Read More »BRIA Homes: Hindi kailangan manalo sa lotto para magkabahay
DITO sa Filipinas, maraming tumataya sa lotto. Sa hirap ng buhay sa ating bansa, ang mga Filipino ay nangangarap at umaasa na sa isang iglap, ang lotto jackpot ay makapagbibigay sa wakas ng maginhawang buhay para sa pamilya. Kapag tatanungin ang napakaraming Filipino na tumataya sa lotto kung ano ang gagawin nila sa pera sakaling manalo, hindi na nakagugulat ang …
Read More »Lalaki nahuling nagnanakaw… Jesuit volunteer na titser patay sa saksak, abogada sugatan
PATAY ang isang babaeng gurong Jesuit volunteer habang malubhang nasugutan ang kasamang abogado nang paulit-ulit silang saksakin ng lalaking nahuli nilang nagnanakaw sa loob ng kanilang tinitirahang kubo sa bayan ng Pangantucan, lalawigan ng Bukidnon nitong Biyernes ng gabi, 23 Agosto. Kinilala ni P/SSgt. Michael Villasan ng Pangantucan police ang biktimang si Genifer Buckly, 24 anyos, mula sa bayan ng …
Read More »P19.5-M pinsala ni Ineng naitala sa Ilocos Norte
UMABOT sa P19.5 milyon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Ineng. Isinialalim nitong Sabado, 24 Agosto, ang lalawigan sa ‘state of calamity’ matapos mag-iwan ang malakas na ulan ng dalawang patay, lubog na sakahan at taniman, at mga bakang nagkalunod sa baha. Ayon kay Marcell Tabije, pinuno ng Ilocos Norte Provincial …
Read More »Ramon Tulfo ini-libel rin ng ex-justice secretary (Kasong libelo tambak na)
NAGSAMPA na rin ng kasong libelo ang dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa aniya’y malisyoso at nakasisirang kolum na inilabas niya sa The Manila Times at Facebook posts noong Abril. Bukod kay Tulfo, na kinasuhan ng four counts ng libel at nine counts ng cyberlibel, kinasuhan din ng four counts ng libel at …
Read More »Apela sa Ombudsman: Final verdict vs Gov. Umali ipinalalabas
NANAWAGAN sa Office of the Ombudsman ang pangunahing nagreklamo para mahatulan ng habambuhay na diskalipikasyon si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na maglabas ng certificate of finality sa naging desisyon ng anti-graft body noong 14 Nobyembre 2016. Sa kanyang dalawang-pahinang sulat sa Ombudsman, sinabi ni Edward Thomas F. Joson na batay sa resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman, napatunayang guilty si …
Read More »20% real property tax reduction nilagdaan ni Isko
PIRMADO na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Ordinance No. 8567 na gumagarantiya ng 20 porsiyentong kabawasan sa real property tax ng mga taga-Maynila mapa-pribado man o commercial na lupa. “There is a need to adopt a more progressive and equitable revenue system to help our taxpayers from the detrimental effects of economic downturn, “This may be achieved through …
Read More »Yasay ‘idinamay’ sa asunto ng Banco Filipino officials
INARESTO si dating Foreign Affairs secretary at dating Securities and Exchange Commission chairman, Perfecto Yasay Jr., ng mga pulis-Maynila alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court (MRTRC). Sa ulat ng MPD-PIO, 3:00 pm kahapon nang dakpin si Yasay sa kanyang bahay sa Milano Residences, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City. Kasalukuyang nakakulong si Yasay …
Read More »Gina Lopez, pumanaw na sa edad 65
SUMAKABILANG-BUHAY na ang chairman ng ABS-CBN Foundation na kilala ring environmental advocate, si Regina Paz “Gina” Lopez sa edad na 65 dahil sa multiple organ failure. Lubos na dalamhati ang naramdaman ng mga taga- ABS-CBN sa biglang pagyao ni Lopez. Narito ang kanilang official statement. “Lubos na nagdadalamhati ang ABS-CBN sa pagpanaw ng chairman ng ABS-CBN Foundation na si Regina Paz ‘Gina’ Lopez. “Sa pagpanaw ni …
Read More »PLDT Gabay Guro honors 2019 graduating scholars thru event, Accelerated
YEAR after year, the movers and shakers behind PLDT-Smart Gabay Guro always find creative ways to strengthen, uphold and uplift the plight of its scholars by ensuring that these students will be recipients of high value education to give them a fair fighting chance despite the limitations of their respective lives. In a testimonial dinner hosted by Gabay Guro recently at the Grand Ballroom of …
Read More »Beer garden sa Lawton ipinasara ni Isko
ISINARA sa night out goers ang beer garden na matatagpuan sa bahagi ng Lawton sa Maynila. Alinsunod ito sa kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipagbawal ang pagbebenta at pagbili ng alak sa 200 radius mula sa mga paaralan sa lungsod. Ipinasara umano ang mga nasabing tindahan ng alak dahil sa reklamo ng Intramuros Administration na umano’y …
Read More »Campus ‘militarization’ mahigpit na kinondena sa UP system-wide protest
MULA sa University of the Philippines (UP) Diliman Campus na simbolikong isinara ng mga estudyanteng nagpoprotesta ang makasaysayang Palma Hall upang ipaabot sa pamahalaan na tutol sila sa mungkahing magtalaga ng mga pulis at sundalo sa loob ng UP campuses, sumabay ang iba pang mag-aaral sa UP Visayas. Hindi bababa sa 100 mag-aaral mula sa UP Visayas ang lumahok sa …
Read More »Nueva Ecija governor sinibak ng Ombudsman
INATASAN ng Office of the Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kanilang desisyon na nagtatanggal sa puwesto kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, matapos mapatunayang guilty sa ilegal na paggamit ng kanyang pork barrel noong siya congressman pa. Bukod sa pagpapatanggal bilang gobernador, kasama rin sa November 14, 2016 decision na pirmado ni Graft …
Read More »120 Chinese workers na-Dengue sa Bataan
HINDI bababa sa 120 empleyadong Chinese nationals ng isang coal-fired power plant ang tinamaan ng dengue virus sa bayan ng Mariveles, sa lalawigan ng Bataan. Ayon kay Godofredo Galicia, Jr., chairman ng committee on health ng Bataan provincial board, dinala sa pagamutan ang mga apektadong Tsino upang malapatan ng lunas. Nabatid na nagtatrabaho ang mga nasabing dayuhan sa GN Power …
Read More »Gerard Butler, bibida sa Angel Has Fallen
ILANG beses siyang nasaktan, ngunit hindi siya kailanman napabagsak. ‘Yan si Gerard Butler sa papel na Secret Service Agent Mike Banning sa global box office hits na Olympus Has Fallen (2013) at London Has Fallen (2016). Ngayong 2019, ang tinatawag na ”the President’s top guardian angel” ay haharap muli sa labanang susubok sa katatagan ng kanyang katawan at isipan. Tulad ng ipinahihiwatit ng titulo ng pelikula, Angel Has Fallen at ang tanong, paano …
Read More »Direktiba ni Digong sa renewable energy dedma kay Cusi
BINATIKOS ng grupo ng mga kinatawan ng consumer na tagapagtaguyod ng environment at clean energy, at ‘coal-affected communities’ ang Department of Energy (DOE) na pinamumunuan ni Sec. Alfonso Cusi dahil sa hindi pagsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), na paunlarin ang Renewable Energy (RE) at bawasan ang paggamit ng uling o …
Read More »Foreign recruiters blacklisted, tiwaling agencies suspendido
UMABOT sa 21 foreign recruitment agencies at direct employers ang inilagay sa blacklist habang 19 pasaway na local recruitment agency ang pinatawan ng suspensiyon o kinansela ang lisensiya sa patuloy na kampanya ng gobyerno upang linisin ang overseas placement industry, ayon sa labor department. Sa ulat ni administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kay Labor Secretary Silvestre …
Read More »9 Koreano timbog sa kasong Phishing
NADAKIP ang siyam na Korean nationals sa operasyon na ikinasa ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) matapos magnakaw ng impormasyon ang mga suspek upang gamitin sa transaksiyong pampinansyal at ilipat sa ibang bakanteng tarheta sa Angeles, Pampanga, noong Sabado. Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Jung Ju Wan, Kim Tae Yang, …
Read More »Sa Kamara… Reyna ng Appro ‘kusinera’ rin ng PDAF scam
NAMUMUO ang isang bagong iskema ng korupsiyon sa Kamara ng mga Representante na posibleng maghunos bilang “bagong Napoles scam.” Ayon sa ilang taga-Committee on Appropriations, ang nilulutong iskema ay tila inobasyon ng tradisyonal na ‘pork barrel scheme’ na kinokontrol ng binansagang “Reyna ng Appro” na sinabing retiradong director. Katuwang ng retiradong director ang inirekomenda niyang pamangkin para makontrol ang badyet …
Read More »