Tuesday , January 25 2022

2 preso patay sa shootout (2 nurse ini-hostage sa Marikina BJMP)

NAUWI sa malagim na pagtatapos ang hostage drama na naganap sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Marikina nang mapatay sa shootout ang dalawang persons deprived of liberty (PDL) nang mang-hostage ng dalawang nurse nitong Huwebes ng hapon, 26 Agosto.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nagsasagawa ng medical check-up ang mga nurse sa mga preso nang agawan ng baril ang isang tauhan ng BJMP saka ini-hostage ang dalawang nurse sa ikalimang palapag ng pasilidad.

Tumagal ng 30 minuto ang negosasyon, hanggang makakita ng pagkakataon ang mga awtoridad at napatay ang dalawang PDL.

Kinompirma ni BJMP spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda na nagtangkang tumakas ang dalawang PDL at nagawang mang-agaw ng armas mula sa isang jail guard.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang BJMP kaugnay sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWANni Ed de Leon NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung …

Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar

Las Piñas City LGU pasado sa SGFH ng DILG

INIANUNSIYO nitong Huwebes, 20 Enero 2022, ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagpasa …

Para sa CoVid-19 test kits PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

Para sa CoVid-19 test kits
PITMASTER NAGBIGAY NG P100-M SA LGUs

SA PATULOY na pagsirit ng hawaan ng CoVid-19 sa bansa partikular sa Metro Manila, nag-donate …

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Leave a Reply