Friday , June 2 2023
Don Ramon Bagatsing Honey Lacuna Isko Moreno
Don Ramon Bagatsing Honey Lacuna Isko Moreno

Manilenyo nagdarasal sa mabilis na paggaling nina Mayor Isko at VM Honey — Bagatsing

Inihayag kahapon ng dating konsehal at ngayon ay negosyanteng si Don Ramon Bagatsing na nagdarasal ang mga Manilenyo para sa mabilis na paggaling nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Kasalukuyang naka confine sa Santa Ana Hospital sina Mayor Isko at Vice Mayor Honey dahil sa COVID-19.

“Sila talaga ang nangunguna sa laban kontra CoVid, I’ve seen them in action myself, silang dalawa ‘yung starter na lumalaban, ayaw nila magpahinga. They lead by example. Kaya lahat ng frontliners sa Maynila ganado magtrabaho at handang isabak ang kanilang sarili para sa kapakanan ng iba” sabi ni Bagatsing.

Sa latest report, mild ang sintomas ni Mayor Isko, at si Vice Mayor Honey naman ay makalalabas na sa mga susunod na araw.

Halos lahat ng mga hospital at quarantine facilities ay puno na ng mga taong may CoVid-19, pero ang magandang balita, pawang mild ang sintomas at agad gumagaling.

“Alam na natin kung paano labanan ang covid, sundin lang natin mga protocols, please po. Magpabakuna po tayo agad,” ani Bagatsing.

“Yorme and Honey are the Ultimate Frontliners. They are willing to risk their lives. That’s why Manila is praying, and we are all praying for their speedy recovery,” pahayag ni Bagatsing.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *