Thursday , June 1 2023
Novaliches-Balara Aqueduct 4 project Manila Water MWSS
Novaliches-Balara Aqueduct 4 project Manila Water MWSS

Novaliches-Balara Aqueduct 4 project ng Manila Water, malapit nang matapos

Ikinatuwa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang landmark milestone project na Novaliches-Balara Aqueduct 4 (NBAQ4) makaraang matagumpay na tumagos sa La Mesa Reservoir ang gamit na tunnel-boring machine (TBM) mula sa entry shaft nito sa Balara, Quezon City, na may 7-km ang layo.

Ang P5.5-B NBAQ4 project ay isa sa pinakamalaking water supply infrastructure projects sa pangunguna ng MWSS. Ang proyektong ito ay paglalatag ng ika-apat na aqueduct mula La Mesa Reservoir papuntang Balara Treatment Plants (BTP) 1 at 2 ang  isinasagawa ng Manila Water upang masigurong mananatiling maayos ang raw water transmission system.

Saksi ang piling panauhin nang tuluyang tumagos papalabas ang TBM cutter head mula sa konkreto ng La Mesa Reservoir exit shaft.

Inilunsad noong 28 Enero 2020, ang TBM “Dalisay” ay naglatag ng tubong may habang 7.3-kilometers at 3.1-meter diameter sa ilalim ng Commonwealth Avenue nang walang naging abala sa trapiko. Ang NBAQ4 ang kauna-unahang proyekto sa Metro Manila na gumamit ng TBM technology.

Sa pagtatapos ng pipelaying, ay tuluyan nang babaklasin ang TBM Dalisay at ang mga accessories nito at sisimulan na ang pagtatayo ng intake tower, outlet tower, at downstream network system.

Inaasahang matatapos ang proyektong ito sa Hunyo 2022. Katuwang ng Manila Water ang Arup na nagsisilbing project management consultant at ang NOVABALA joint venture na kinabibilangan ng mga design and building contractors na CMC di Ravenna (Italy), First Balfour, Inc. (Philippines), at Chun Wo Engineering (Hong Kong).

Sinabi ni MWSS Board of Trustees Chairman and OIC Administrator Gen. Reynaldo Velasco (Ret.) na ang flagship project na ito ng Manila Water ay malaking bahagi ng water security program ng naturang administrasyon.

“Part of the agency’s landmark achievements is coming up with interim and long-term water source projects to approximate at least 4,000 million liters per day (MLD) in the next 10 or 25 or, hopefully, 50 years,” ani Gen. Velasco.

Pinuri ni Gen. Velasco ang Manila Water dahil matagumpay nitong naisagawa ang water security component flasgship project. Napapanahon na ang rehabilitasyon ng tatlong aqueducts na kasalukuyang ginagamit at itinayo noon pang 1929, 1956, at 19868.

Ang nasabing aqueduct system ay patuloy na nagbibigay ng 1,600 million liters per day (MLD) na raw water sa BTP.

Ang NBAQ4 ay magsisilbing bagong aqueduct upang maisagawa ang samot- saring inspeksiyon at rehabilitation ng mga lumang aqueducts at masigurong hindi maapektohan ang water supply ng mahigit 7 million population sa East Zone concession area ng MWSS.

Nakapaloob sa NBAQ 4 project ang pagtatayo ng bagong intake facility sa La Mesa, paglalatag ng 1,000-MLD underground aqueduct, at konstruksiyon ng outlet facility sa BTP.

About hataw tabloid

Check Also

SM City Bataan

SM City Bataan: Another growth center and gateway to the province

SM City Bataan reflects the values of the local community with over 96% of the …

Rhea Tan Beautederm Miss Blanc Beauté Anna Valencia

Miss Blanc Beauté Anna Valencia, thankful sa Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IGINAWAD ng Beautéderm CEO Rhea Tan ang prestihiyosong Miss Blanc Beauté …

Krystall Herbal Oil

Solo mom na mahilig sa peanuts at iba pang kutkutin, temperature tumaas, iniligtas ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako si Sis Anna ng Dasmariñas, Cavite, 36 years old. …

Yvonne Benavidez

Lady boss ng Mega-C na si Yvonne Benavidez, ibabalik ang kanyang negosyo  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATATAG pa rin ang lady boss ng vitamins na Mega C …

Mr DIY Kramers

MR.DIY introduces Team Kramer as new brand ambassadors

Doug, Cheska, Kendra, Scarlett and Gavin are the new faces of MR.DIY in its ‘Family …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *