Thursday , June 4 2026
Globe at Home
Globe at Home

Problema sa koneksiyon? Aksiyon ng Globe At Home inaasahan sa panahon ng tag-ulan o lockdown

SA KASALUKUYANG pandemya, umulan man o umaraw ay sinisiguro ng Globe At Home na ang mga problema sa internet ng kanilang customers ay agad maaksiyonan.

Pursigido ang Globe At Home na maihatid ang pinakamahusay na serbisyo sa mga customer kahit sa tag-ulan, lalo lat mahalaga ang matatag at maaasahang internet connection sa panahong ang mga pamilya ay nagtatrabaho at nag-aaral sa bahay.

May mga programang naisagawa ang Globe At Home para sa pag-aayos ng mga serbisyo nito para mabawasan ang abala na maaaring maihatid ng malakas na pag-ulan at hangin sa internet connection ng mga customer, kahit pa may  quarantine restrictions mula sa gobyerno.

Ilan dito ang pagdagdag ng bilang ng technicians na tutugon sa requests ng customers, mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 safety protocols, at ang paggamit ng online apps nito upang makapag-apply ng request para sa mga repair o installment ng kanilang mga connection.

“Tinitiyak ng Globe na mananatiling connected ang mga customers para ma-enjoy nila ang aming services. 

“Ipinagpapagpatuloy namin ang aming serbisyong maaasahan, kaya gumagawa kami ng mga hakbang para masiguro na mapaglingkuran sila kung kinakailangan,” pahayag ni Margaret Dizon, Globe Vice President for Customer Field Services, Broadband Business.

Bukod sa pag-apply ng repair requests gamit ang mga online o digital channels tulad ng Globe At Home app, nagawa rin palaguin ng Globe ang bilang ng technical teams ng kanilang accredited install at repair partners ng halos 80% nitong taon kompara sa FY2020.

Tiniyak ng Globe At Home sa mga customer nito na mahigpit na sinusunod ng mga tauhan ng kompanya at ang mga kaakibat na authorized technicians nito ang mga COVID-19 safety protocol, kabilang ang pang-araw-araw na mga pagsusuri sa kalusugan, pagsusuot ng mga personal na kagamitan para sa proteksiyon (PPE) at mga gamit sa ulan, at pananatili ng pamantayan sa kalinisan.

Mahigpit na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng impaestruktura at pagbabago bilang kritikal na mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-aambag sa 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online nakiisa sa PH-JPN Friendship

NUSTAR Online nakiisa sa PH-JPN Friendship

NAGING bahagi ang NUSTAR Online sa isa sa pinakamalaking selebrasyon ng kultura at pagdiriwang ng mga Hapon …

TNT kathryn Bernardo

Kathryn kayang hulaan hinaharap mo sa bagong video

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA isang nakaaaliw na video, balik-comedy si Kathryn Bernardo para tulungan ang mga TNTsubscriber na …

Institute for Climate and Sustainable Cities ICSC

Sigalot sa Middle East naglantad ng kahinaan ng PH sa langis  
Renewable energy itinutulak bilang solusyon

ni Teddy Brul BINIGYANG-DIIN ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na kailangang palakasin …

Globe binago koneksiyon higit pa sa bilis sa The Blueprint QI 2026

Globe binago koneksiyon higit pa sa bilis sa The Blueprint QI 2026

BINUKSAN ng Globe Telecom ang taon gamit ang isang matapang na mensahe sa kanilang flagship quarterly media …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …