Wednesday , July 24 2024
Yordenis Ugas vs Manny Pacman Pacquiao
Yordenis Ugas vs Manny Pacman Pacquiao

Sa unanimous decision
UGAS WAGI VS PACQUIAO

NABIGONG muling makuha ni Filipino boxing legend at 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao ang WBA welterweight belt nang talunin ng Olympic bronze medalist mula Cuba na si Yordenis Ugas via unanimous decision sa T-Mobile Arena, Las Vegas, Nevada nitong Sabado, 21 Agosto (Linggo, 22 Agosto – oras sa Maynila).

Sa kanyang unang laban matapos ang dala­wang taong pahinga, nadomina ng batang boksingerong si Ugas ang boxing ring sa pamama­gitan ng kanyang mas malilinis na jab at mga suntok.

Napiling humalili ni Ugas, 35 anyos, sa orihinal na kalaban ni Pacquiao na si Errol Spence, Jr., matapos magkaroon ng pinsala sa mata habang nag-eensayo at kinailangan sumailalim sa operasyon.

Sa score cards, nagkaisa ang desisyon ng mga judge pabor kay Ugas sa mga puntos na 115-113 at dalawang 116-112.

“That’s boxing. I had a hard time in the ring making adjustments. My legs were tight. I’m sorry I lost tonight, but I did my best,” pahayag ng 8-division champ at boxing legend matapos ang laban.

Matatandaang tinang­ga­lan ng WBA title si Pacquiao at ibinigay ito kay Ugas pagpasok ng taong 2021 dahil sa hindi pagi­ging aktibo ng Pambansang Kamao sa boxing.

Gayondin, pin­sa­la­matan ni Ugas si Pacquiao para sa opor­tunidad na makalaban niya ang boxing legend kahit dalawang linggo lamang ang training niya.

“I told you I am the champion of the WBA and I showed it tonight. A lot of respect for (Pacquiao), but I won the fight,” pahayag ni Ugas.

Usap-usapan ang pagre­retiro ni Pacquiao sa boxing matapos ang 72 laban sa loob ng 26 taon simula noong 1995, matapos ang kanyang ika­walong pagkatalo.

Samantala, nang tanungin kung tatakbo siya sa pagka­pangulo sa 2022, sinabi ni Pacquiao na maglalabas siya ng pinal na anunsiyo sa susunod na buwan.

About hataw tabloid

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *