Monday , November 18 2024

Brian Bilasano

Chairman sa Maynila ‘tinangkang’ itumba (SAP beneficiary binura sa listahan?)

gun shot

HINDI pumutok ang baril ng isang lalaki nang asintahin ang isang barangay chariman dahil sa galit nang alisin sa listahan ng benepisaryo ng Special Amelioration Program (SAP) sa San Miguel Maynila kamakalawa ng hapon. Arestado ang suspek na si Aiman Musa, 37 anyos, residente sa Malangas Street, San Miguel, Maynila makaraang pagtangkaan ang buhay ng biktimang si  Hashim Amatonding, chairman …

Read More »

46 ‘kupitan’ ng barangay target ni Isko

MAHAHARAP sa masusing imbestigasyon ang 46 barangay chairpersons dahil pagpapaliwanagin ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga isyung ‘kupitan’ ngayong panahon ng pandemyang COVID-19. Ang 46 barangay chairpersons ay inireklamo dahil ‘kinukupitan’ ang bilang ng ayuda gaya ng nawawalang sauce ng spaghetti, hindi naibigay na financial assistance, pang-uumit ng grocery items at iniimbak sa barangay hall na ginawang bodega. Kaugnay …

Read More »

Mag-ingat sa fake news ng ‘poli-virus’ — Yorme Isko  

NAGBABALA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa publiko na maging maingat sa ‘poli-virus’ o political virus na kasabay na nanalasa ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.   Ang tinatawag na ‘poli-virus’ ay may taglay umanong katangian ng isang makasariling politiko na nagsasamantala sa situwasyon para makapagpakalat ng fake news o maling impormasyon na layong makapanira ng kalaban …

Read More »

2017 Outstanding Cop, nagpaanak ng buntis

NAIRAOS nang maayos ang panganganak ng isang 23-anyos ginang sa pagtulong ng isang outstanding cop ng Valenzuela City Police, na kasalukuyang duty frontliner sa Barangay 764 Zone 83, San Andres, Maynila kamakalawa. Sa ulat ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-Ps6), nakapanganak nang maayos si Shiela Mae Villegas, sa kanilang bahay sa tulong ni P/Lt. Jhonn Florence Alacon, …

Read More »

62-anyos stall owner positibo sa COVID-19; Trabajo market lockdown  

Covid-19 positive

TOTAL lockdown ang Trabajo Market nang matuklasang nagpositibo sa coronavirus ang isang negosyante ng karne sa nasabing palengke. Isa ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa palengke habang isa ang person under investigation (PUI) at isa ang person under monitoring (PUM). Isang negosyante ng karne ang kompirmadong naospital sa Philippine General Hospital (PGH) at nitong Sabado ng gabi lumabas ang resulta …

Read More »

Pagawaan ng pekeng alcohol bistado, Tsinoy arestado

KALABOSO ang isang Tsinoy na nagmamanupaktura ng pekeng alcohol matapos ireklamo ng kanyang mga kapitbahay at opisyal ng barangay, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ni MPD PIO P/Lt. Col. Carlo Manuel, kinilala ang suspek na si Robert Tiu Teng, may address sa Dayao St., Tondo, Maynila at nadakip rin ang ilang tauhan na hindi pa pinangalanan …

Read More »

‘Social distancing’ nilabag… Tupada sinakote, 5 katao kalaboso

Sabong manok

SA MASIKIP at mainit na preso magdaraos ng self quarantine ang limang lalaki matapos maaresto nang salakayin ng Manila Police District (MPD) ang ilegal na tupada sa Parola Compound, Tondo, Maynila. Ayon kay MPD Station 2 commander, P/Lt. Col. Magno Gallora, Jr., nadakip ang mga suspek na sina Jose Gerry Quilator, 48 anyos; Reynaldo Francisco, 43; Gijainquit Bacordo, 49; Arnel …

Read More »

Isko: Arroceros Forest Park, permanenteng forest park na

NILAGDAAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Ordinance No. 8607 na nagdedeklarang ang isang bahagi ng lupa sa Arro­ceros St., ay isang forest park sa kabiserang lungsod ng bansa. Ayon sa ulat, dating pag-aari ng dating Depart­ment of Education and Sports (DECS) ang Arroceros Forest Park at ang pagdedeklara rito bilang ordinansa ay baha­gi ng naging plataporma ni …

Read More »

P49.3-M Manila Muslim Cemetery ordinance, aprub kay Yorme

APROBADO kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Ordinance No. 8608 na magsasakatuparan sa pagtatayo ng Manila Muslim Cemetery. Pormal na nilagdaan ni Mayor Isko ang city ordinance at naglaan ang Manila City Council ng P49.3 milyon para sa development ng sementeryo na itatayo sa Manila South Cemetery. Napagalaman na kabilang sa proyekto ang pagpapatayo ng Cultural Hall, gayondin ang …

Read More »

Wala nang ibebentang pag-aari ng Maynila — Isko… ‘Privatization’ sa panahon ni Yorme tinuldukan

TINIYAK ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tuldukan na ang “privatization” sa mga pasilidad na pag-aari ng lokal na pama­halaan ng Maynila. Napagalaman ni Mayor Isko, tila walang napapala sa privatization bagkus ay nagdudulot ng pagkatalo at kawalan sa panig ng lokal na pamahalaang lungsod. Kaugnay nito, ipinag-utos ng alkalde na kani­lang itutuloy ang kam­pan­ya sa kalinisan par­tikular sa …

Read More »

Sa utos ni Yorme: Intsik arestado sa pagdura sa loob ng fast food chain

IPINADAKIP ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Police District, ang isang Chinese national na nag-viral sa social media dahil sa ilang beses na pagdura sa  isang kilalang fast food chain sa Maynila. Kinilala ang ina­restong Chinese national na si Jinxiong Cai, alyas Willy Choi, 35 anyos, nagpakilalang nego­syante, at residente sa Room E, 45/F, Orchard Garden, Masangkay St., Tondo. …

Read More »

Sa utos na manhunt ni Yorme… Suspek sa pagbaril at holdap sa mami vendor kalaboso

NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang holdaper na namaril at malubhang nakasugat sa isang mami vendor, kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Pahayag ng suspek na si Alexander Ogdamina, residente sa Blk.1 Gasa­ngan, Baseco Compound, Port Area, ‘ipapayo niya sa mga biktima ng holdap na ibigay na lang ang mga gamit kaysa mabaril …

Read More »

Health care employees paglalaanan ng libreng tirahan — Mayor Isko

MAAYOS at libreng matutuluyan ang ibibi­gay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­so sa health workers  ng anim na district hospital sa Maynila kabilang ang mga kawani ng Manila Health Department na malayo ang inuuwian at hirap sa araw-araw na pagbiyahe. Inihayag ito ni Moreno sa ginanap na kauna-unahang  Consultative Meeting  kasama ang  Medical Health Sector na dinalohan nina Vice Mayor Honey …

Read More »

Super health centers sa bawat distrito ng Maynila — Isko

SA KAUNA-UNA­HANG pagkakataon ay magkakaroon ng super centers ang bawat distrito ng Lungsod ng Maynila bilang alay ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Maynila. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna, super centers na maituturing matapos masaksihan ang iniharap na plano ni Manila Health Depart­ment (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan sa …

Read More »

“No to kotong” sa panahon ni Yorme Isko (400% increase sa koleksiyon ibinida ng MTPB)

TUMATAGINTING na 400% ang itinaas ng koleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kompara noong nakalipas na taon. Ito ang ipinagmalaki ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga empleyado ng Manila City Hall, sa kanyang talumpati kamakalawa. Base sa pahayag ni Mayor Isko, iniulat ni MPTB chief Dennis Viaje na ang anim na buwang kinolekta ng nakaraang administrasyon ay katumbas lamang …

Read More »

Montero nagwala sa Raon… Babae patay sa freak accident (6 pedestrians sugatan)

PATAY agad ang isang babaeng pedestrian habang anim ang isinugod sa dalawang pagamutan nang mapitpit at masoro ng isang Montero SUV na umuugong ang makina at mabilis na umatras sa kinaroroonan ng mga biktima sa Quiapo, Maynila. Patingkayad at tila nabali ang likod ng babaeng biktima nang mapitpit ang katawan ng Mitsubishi Montero, may plakang RKM-602 nang tila magwala ang …

Read More »

‘Komisyoner’ sa maralita… Nanghihingi ng ‘picture’ isumbong kay Isko

HUMIHINGI ng tulong si Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga Manileño upang tuluyan nang matuldukan ang mga ‘enterprising individuals’ na nagpapahirap sa maralitang taga-lungsod. Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Isko ang mga residente ng lungsod na agad ipaalam sa kanya ang mga tinaguriang ‘Eddie’ at ‘Patty’ na tila mga ‘komisyoner’ na nanghihingi ng komisyon o ‘picture’ sa mga  pinagkakalooban ng  …

Read More »

Chinese at Romanian national… Bangkay ng 2 ‘alien’ iimbestigahan sa nCoV

dead

DALAWANG dayuhan ang namatay sa karaga­tan ng Filipinas ang isinasailalim ngayon sa imbestogasyn kaugnay ng 2019 novel coronavirus (nCoV). Ang isang bangkay ay natagpuang walang buhay at palutang-lutang sa tubig, isang Chinese national na may sukbit pang backpack sa tapat ng MJ Cafe sa Manila Bay sidewalk, Malate, May­nila kahapon ng umaga. Base sa ulat ng Manila Police District (MDP) …

Read More »

Traffic enforcer tinakasan… Tsekwang alien nasakote droga nakuha sa SUV umarestong parak sinumpit ng laway

NASAKOTE ng Manila Police District (MPD) ang  isang 50-anyos Chinese national na nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang takasan ang dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isang traffic violation kahapon ng umaga sa Binondo na nagtapos sa panulukan ng Tayuman at Abad Santos Avenue Tondo sa lungsod ng Maynila. Sa ulat, kinilala ang suspek na si …

Read More »

Missing taxi driver natagpuang patay sa loob ng drum sa Port Area

NAKALUBOG ang ulong patiwarik nang matagpuang ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang abandonadong palikuran kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Jamal Tagsayan ng Barangay 647, Zone 67, San Miguel, Maynila na positibong kinilala ng kanyang ina na ang nawawala niyang anak. Nabatid …

Read More »

Pulis igalang ‘wag katakutan — Isko

NAIS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso na ganito ang muling mangyari sa kanyang panahon ng panunung­kulan sa lungsod ng Maynila. Kasabay ito ng pag­hikayat ni Isko sa mga  opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) na  maibalik ang respeto ng mamamayan sa mga pulis tulad noong mga naunang panahon. Ito ay pahayag Mayor Isko sa kanyang pagsa­salita sa harap ng …

Read More »

10K barangay officials, bubulabugin ni Isko

BUBULABUGIN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 10,000 barangay officials sa Maynila upang makiisa sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa paglilinis at pagsasaayos ng Lungsod. “Balewala ang pagliling­kod nang tapat at sigasig ng gobyerno kapag ang tao, ‘di nag-participate… impor­tante na tulungan ninyo ang city government hindi para sa atin kundi para sa mga susunod na …

Read More »

Sa unang anim na buwan ng termino… VM Lacuna pinasalamatan ni Yorme Isko

LUBOS ang pagbibigay-pugay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Bise-Alkalde na si Honey Lacuna-Pangan at sa lahat ng tumulong sa kanya sa konseho  at sa pamahalaang lungsod na naging daan sa tagumpay at patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng Manileño, sa unang anim na buwan ng panunungkulan bilang punong ehekutibo at ama ng lungsod.  Ayon kay Mayor …

Read More »

2 BIFF member timbog, sangkap ng pampasabog nakompiska sa Maynila

BAGSAK ang tatlong gulong ng isang sports utility vehicle (SUV) dahil sa tama ng bala lulan ang dalawang nadakip na hinihinlang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na nakompiskahan ng sangkap na pampasa­bog, sa isinagawang ope­rasyon ng mga tauhan ng  National Capital Region Police Office – Regional Special Operation Unit (NCRPO-RSOU) sa lungsod ng Maynila, kamakalawa ng hapon. Sa …

Read More »