Saturday , November 27 2021

Missing taxi driver natagpuang patay sa loob ng drum sa Port Area

NAKALUBOG ang ulong patiwarik nang matagpuang ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang abandonadong palikuran kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Jamal Tagsayan ng Barangay 647, Zone 67, San Miguel, Maynila na positibong kinilala ng kanyang ina na ang nawawala niyang anak.

Nabatid sa pamilya ng biktima na si Tagsayan ang taxi driver na may apat na araw nang nawawala makaraang pumasada.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 1:10 pm nitong 29 Enero sa loob ng isang CR sa Barangay 650, Zone 68, Port Area dahil sa masangsang na amoy.

Tinunton ng mga residente ang pinagmu­mulan ng mabahong amoy kaya’t nadiskubre ang bangkay.

Unang nakita ang nakalabas na mga paa ng biktima sa nasabing drum na nabubulok na at nakabalot ng plastic ang ulo.

Hindi pa matiyak kung may tama ng saksak o baril ang biktima.

Sinabi ng mga kaanak ng biktima na apat na araw nang nawawala  at ang minamanehong taxi lamang nito ang natagpuan sa Cavite St., Sta, Cruz, Maynila na nabawi ng operator at itinawag sa misis ng biktima na nasa Surigao.

Nabatid na nasa dalawa o tatlong araw na umano ang nakalipas nang tawagan mismo ng biktima ang misis niya sa Surigao na humihingi ng tulong, ayon sa kaanak.

“Ma… (tawag ng biktima sa kaniyang misis), tulungan mo ako, nandito ako sa Pier…” hindi na muling tuma­wag  ang biktima sa misis niya, kuwento ng mga kaanak.

Huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang ina  noong Biyernes dahil kasama niya itong naninirahan sa San Agustin St., San Miguel, Maynila.

Inaalam ng pulisya kung hinoldap o may kinalaman sa ilegal na droga ang ginawang pagpaslang  sa biktima.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply