Thursday , December 2 2021

Recto sinalakay… Pekeng DTI IATF ID bistado, 7 arestado

KALABOSO ang pitong indibiduwal  makaraang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District –Sampaloc Station (MPD-PS4) ang pagawaan ng pekeng identification cards ng Department of Trade and Industry, at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (DTI-IATF-EID), kahapon ng hapon sa C.M. Recto Avenue, Maynila.

Ayon sa panayam kay MPD PS4 commander P/Lt. Col. John Guiagi, masusing iniimbestigahan ang mga nadakip na suspek na naaktohang nag-iimprenta ng mga pekeng  DTI-IATF ID.

Kabilang sa naaresto si Johnny Perez, Jr., layout artist, 32 anyos, taga-LRC Compound, CM Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila at anim na iba pang sangkot sa pag-iimprenta at pagmamanupaktura ng pekeng ID ng DTII-IATF

Pasado 1:00 pm nang salakayin ng mga tauhan ni Guiagi ang ilang establisimiyento matapos makatanggap ng report  na nag-iimprenta ng mga pekeng ID ng IATF.

Ang IATF ID ay gamit ng frontliners tulad ng DTI bilang APOR o Authorized Person Outside Residence ngunit nagawang pekein sa nasabing lugar na matagal nang tinaguriang ‘fake university.’

Ibinebenta umano ng tig-P350 ang mga pekeng ID ng IATF na ginagawa sa Recto.

Matatandaan, sinalakay mismo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ng MPD City Hall detachment ang ilang pagawaan ng peke sa Recto ngunit may Ilan pa rin na patuloy na nakagagawa ng pekeng dokumento sa nasabing lugar.

Bukod sa mga nakitang pekeng DTI/IATF ID ay nadiskubre rin ng MPD PS4 ang mga pekeng dokumento gaya ng diploma at iba pang pekeng government IDs gaya ng PWD, Postal, driver’s license at pasaporte.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code (Falsification by private individual and use of Falsified Documents in relation to Bayanihan to Heal as One Act). (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Derrick Monasterio, Ricky Martin

Derrick Monasterio pina-follow ni Ricky Martin ng Menudo

HATAWAN!ni Ed de Leon MUKHA nga yatang ang gusto nilang palabasin ay si Derrick Monasterio na ang pinaka-sexy …

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO             TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod …

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay …

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa …

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

Leave a Reply