Thursday , June 4 2026

10 barangay sa Maynila ‘lockdown’ (3 hotel nagkaloob ng libreng kuwarto sa health workers)

LOCKDOWN ang sampung barangay sa Maynila upang maiwasan ang paglabas ng tao sa kani-kanilang tahanan sa lumalawak na banta ng COVID-19.

Sa pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa lockdown ang mga barangay 48, 49, 50, 51, 52, 53, 54, 55, 307, at 308.

Malinis at wala wala na ang mga street vendor na nagkalat sa C.M. Recto Ave., at sa mga kalye ng Raon, Evangelista, at Carriedo.

Ayon kay Moreno, nagsisimula nang mama­hagi ng mga bigas at de-lata ang mga barangay chairman sa mga barangay na suma­sa­ilalim sa lockdown.

Mahigpit na ipinatutupad ang ”no ID, no entry” sa Maynila.

Samantala, ilang hotel sa Maynila na pumayag ipagamit ang kanilang mga kuwarto sa health workers para hindi na sila mahirapan sa pag-uwi.

Kabilang rito ang Sogo Hotel na may 421 kuwar­to, Eurotel, 50 kuwarto, at Bayview Hotel para libreng maga­mit ng health workers.

ni BRIAN BILASANO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …