Thursday , December 2 2021
WALANG makitang pagsisisi sa mukha ng Chinese national na si Pablo Chu, nang masakote ng traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa kanto ng Jose Abad Santos Ave., at Tayuman St., sa Tondo, Maynila kahit siya’y may paglabag sa batas trapiko, nahulihan ng droga at sa huli’y sinumpit ng dura ang isang pulis. (BRIAN BILASANO)

Traffic enforcer tinakasan… Tsekwang alien nasakote droga nakuha sa SUV umarestong parak sinumpit ng laway

NASAKOTE ng Manila Police District (MPD) ang  isang 50-anyos Chinese national na nahaharap sa patong-patong na kaso makaraang takasan ang dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isang traffic violation kahapon ng umaga sa Binondo na nagtapos sa panulukan ng Tayuman at Abad Santos Avenue Tondo sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Pablo Chu, Chinese national na hindi marunong umintindi ng English at Filipino, nani­nirahan sa Unit 184, The Noble Place, Binondo, Maynila.

Bukod sa kasong traffic violation, nahaha­rap pa sa ibang kaso si Chu nang takasan ang traffic enforcer, nahulihan ng ilegal na droga sa loob ng kotse, at dinuraan ang pulis na aarestosa kanya.

Naganap ang insi­dente dakong 7:45 am nang mamataan ng isang miyembro ng MTPB na si Arthur Almovugla na lumabag sa coding scheme ang suspek, lulan ng isang puting Toyota Fortuner may plakang NVT 7767.

Nabatid na tinang­kang parahin ni traffic enforcer Almovugla ang sasakyan ng suspek ngunit nagtuloy-tuloy pa rin kaya hinabol ng MTPB enforcer sakay ng motorsiklo.

Sa pagharurot ng suspek, lulan ng SUV, tila sinadyang ararohin ang tatlong sasakyan para mabilis na makatakas.

Napahinto ang sus­pek nang bumagal ang trapiko sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave.,  malapit sa panulukan ng Tayuman St., kaya iniha­rang na ni Almovugla ang kanyang motorsiklo sa harapan ng SUV ng suspek.

Binangga ng suspek ang nakaharang na mo­tor­siklo ni Almovugla ngunit tuluyang napahin­to nang pumailalim ang motor sa sasakyan at masuwerteng nakalun­dag papalayo ang traffic enfocer.

Agad nagresponde ang iba pang yunit ng MPD at nang buksan ang bintana ay nakitang may kasamang babae ang suspek na Chinese.

Nang kapkapan, na­ku­haan ang dayuhan  ng isang sachet ng shabu dahilan para siya aresto­hin.

Hindi umano maru­nong magsalita ng English ang Chinese kaya nagha­hanap ng interpreter ang mga pulis para mag­kaintindihan sa isinasa­gawang imbesti­gayson.

Nabatid na dinuraan pa ng suspek ang nang-aarestong pulis, dahilan para kasuhan ng unjust vexation at direct assault bukod sa patong-patong na reklamo na reckless ìmprudence resulting to damage of property, traffic violations, at paglabag sa RA 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 dahil sa nakompiskang nakum­piskang droga at para­pher­nalia sa sasakyan na kanyang ginagamit.

Salaysay ng babaeng kasama ng suspek, nakita niyang gumagamit ng droga ang suspek hang­gang sa loob ng naturang sasakyan kaya’t natakot siya hindi siya pinaaalis nito.

Patuloy ang isinasa­gawang imbestigasyon sa suspek.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO             TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod …

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay …

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa …

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

Mary Mitzi Mitch Cajayon-Uy

Cajayon-Uy:
OMBUDSMAN, KAILANGANG REPORMAHIN

KASUNOD ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation noong 12 …

Leave a Reply