Tuesday , November 30 2021

Montero nagwala sa Raon… Babae patay sa freak accident (6 pedestrians sugatan)

PATAY agad ang isang babaeng pedestrian habang anim ang isinugod sa dalawang pagamutan nang mapitpit at masoro ng isang Montero SUV na umuugong ang makina at mabilis na umatras sa kinaroroonan ng mga biktima sa Quiapo, Maynila.

Patingkayad at tila nabali ang likod ng babaeng biktima nang mapitpit ang katawan ng Mitsubishi Montero, may plakang RKM-602 nang tila magwala ang sasak­yan at umaangil ang maki­nang umatras sa isang tindahan.

Mabilis na naisugod ng first responder mula sa Manila Police District – Sta. Cruz Station (PS-3) ang anim pang nasugatan sa Jose Reyes Memoril Medical Center (JRMMC) at Metropolitan Hospital.

Ayon sa hepe ng MPD PS3 na si P/Lt. Col Rey­nal­do Magdaluyo, naga­nap ang insidente dakong 2:15 pm sa Raon St., malapit sa panulukan ng Evangelista St., sa Quiapo, Maynila.

Nabatid na galing sa Bataan ang sakay ng nasa­bing sasakyan at pumunta sa Maynila para bumili ng videoke set sa Raon St., nang maganap ang insidente.

Pauwi na umano ang driver na may kasamang isang lalaki nang pagta­pak sa silinyador ay biglang umugong nang napakalalakas at saka matuling na umatras sa lugar kung saan naroon ang babaeng namatay at mga nasugatan.

Dinala sa MPD-PS3 ang driver at ang kanyang mga kasama para sa kaukulang imbesti­ga­syon.

Ang mga biktimang sugatan ay kinabibilangan ng apat na babae, at dala­wang lalaki na itiakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa Rizal Ave., Sta. Cruz at sa Metropolitan Medical Center sa Masang­kay St., Tondo.

Pansamantalang iti­nago ng pulisya ang pangalan ng mga biktima para sa kapakanan ng kanilang mga kaanak.

Iimbestgahan din kung ang nasabing mode­lo ng Montero na sangkot sa insidente ay kabilang sa mga yunit na nagka­roon ng isyu sa accelerator pedal.

nina VV/BRIAN BILASANO

 

About Brian Bilasano

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply